Laging ipinagmamalaki ni Samantha Lhuer Cruz De Vera ang pagiging kalmado at pagiging handa niya sa lahat ng bagay. Kaya niyang pumasa sa mga pagsusulit, manguna sa mga proyekto sa klase, at ngumiti pa rin kahit sa gitna ng stress. But nothing, nothing, could prepare her for Josh Lucas Lopez Lizares.
“Miss Perfect strikes again!” sigaw ni Lucas, ang boses nito ay umalingawngaw sa silid-aralan habang nakatayo si Sam na tila napakong nakatingin sa pisara. Sa halip na ang maayos na solusyon sa Math na maingat niyang isinulat, isang magulo at malaswang guhit na ang naroon – salamat kay Lucas, na nagawang burahin ang kaniyang sagot at palitan iyon nang nakatalikod siya.
Nagtawanan ang buong klase na ikinapula ng mga pisngi ni Sam. She clenched her fists, her usual calm demeanor crumbling.
“Why do you always have to ruin everything?” galit niyang asik kay Lucas sabay titig nang masama rito.
Ngunit nakalolokong ngumiti lang si Lucas. His dark eyes glinting with mischief. “Relax, Cruz. It’s just a joke. Huwag mong masyadong seryosohin ang buhay,” natatawa nitong saad. Kapante itong nakaupo at puno ng yabang na nakasandal habang nakapatong ang mga paa sa upuang nasa harapan nito.
Kinagat ni Sam ang kaniyang pang-ibabang labi at nagmamadaling lumabas ng silid. Galit na galit siya dahil sa labis na pagkapahiya. Subalit habang pinapahid niya ang kaniyang mga luhang dulot ng pagkadismaya, hindi niya maiwasang isipin ang ngiti ni Lucas na nananatili sa kaniyang isipan.
She hated him. Or at least, that’s what she told herself.
What she didn’t know was that behind Lucas’ teasing and pranks was a boy who couldn’t figure out how to tell her how much she mattered to him.
And what Lucas didn’t know was that his carelessness would cost him the one girl he had always wanted and loved.