Chapter 4

1067 Words
Chapter 4 Alam Gleechi Lee Marahil dala na rin ng masyadong stress kong life style kani-kanina lang ay biglang tumunog ng bonggang-bongga ang aking tummy. Buti na lang at madadaanan namin ang stall ni Kuya Tenji. "Book, dito muna tayo, may bibilhin lang sana  ako." paalam ko kay Book. Dahil likas na gwapo at makisig ang binata, 'nung konek?, ay inihinto niya ang sasakyan. "Sige. Samahan na kita." sabay ngiti niya. Gwapo talaga niya! Akin ka na lang fo. Please? Pumunta na ako I mean kami sa stall ni kuya Tenji. Kapansin pansin ang mga bruhang hindi magkamayaw sa pagtingin kay Book. Ilan sa kanila ay nakatulala at nakatitig sa lalaking kasama ko. Ang iba naman ay halos hubaran na sa titig si Book. Pansin sa gilid ng mga labi nila ang pagtulo ng laway. Ew! Halos bumaha ng laway dito. Mga bruha ang lalandi ninyo! Napa-ismid na lang ako ng bonggang-bongga sa mga reaksyon nila. Mga walang delikadesa, 'di kaya nila gayahin ang isang tulad ko, may class! Nubayan. Ay weh? Totoo ba, Teh? Eh hinarot mo rin ng patuklaw si Book kanina. kompontra ng subconcious ko. Nung nasa harap na ako ng stall, kapansin-pansin ang pagngisi ni Kuya Tenji. "Hoy!  Jowa mo, Glee?" tanong ni kuya na sanhi ng pag-blush ko. Kinaganda ko 'to. Tiwala lang! “Hin–” Naputol ang sasabihin ko nang sumabat ang kasama ko. "Yup! Boyfriend niya po ako."  Na-feel ko na triple na ang pamumula ng mga pisngi ko. Jusme naman, Book. Wag kang ganyan! Baka anong magawa ko sayo. Bigla naman niya akong inakbayan at hinalikan sa pisngi. Halos malugi naman yung mga nakikiechos na babae. Pakipulot nga panty liner ko, girls! Wala kayo sakin! Ginandahan ko talaga!  Kumuha ako ng plastik cup at stick. Nag-tuhog ako ng limang eggballs–kwek kwek in other term at naglagay ng sweet sauce at suka. Inabot ko ito kay Book. Tiningnan niya yung inaabot ko sa kanya bago tumingin ulit sakin. "Aanhin ko yan?" inosenteng tanong niya. Napaikot na lang ako ng eyeballs. Kunsabagay. Anak mayaman. Hindi alam ang pagkain ng mga katulad kong poorita. "Ipakain mo sa aso." Imbis na matinong sagot ang ituturan ko, nakuha ko pang mamilosopo. "Glee naman eh." Pagmamaktol niya saka tinanggap yung cup of eggballs na in-offer ko. Nang makapag-bayad ako kay Kuya Tenji, umupo kami sa pavement at doon namin nilantakan ang eggballs na binili ko. "Glee, para saan ito? Ano ‘to?" tanong ni Book habang iniimbestigahan ang plastic cup na hawak niya na may lamang eggballs. Medyo nakakunot ang kanyang noo at mababakasan ng kaseryosohan ang ekspresyon ng kanyang mga mata. Hala siya. Makapag-investigate sa kwek-kwek, akala mo naman e, lalasunin. Grabe ito. Kaligayahan ang dulot ko, hindi kamatayan. Charut! "Pag-thank you ko sayo." sabay subo ko ng itlog. Graveh langs lakas maka green minded ng itlog e no? Ngumiti siya. “Don’t mention it.” Sumubo naman siya ng isang eggball at dahan-dahan niyang nginuya. Ba't ganun? Ultimong pag-nguya niya ay feeling ko ang sexy niyang tingnan. Lalo na at may konting sauce pa yung lips niya. Papasang advertiser ng pagkain itong binata na ‘to! Shuta! Imagine yung camera, ico-close up sa labi niya habang ngumunguya ng saging–ay fock! Ang harot ko pisting yawa. Unti unti namang gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi. "Masarap pala ‘to." komento niya sabay subo pa ng isa. "Telege? Mesherep?" sabi ko sabay hawi ng buhok sa tenga. Ba’t ganon? Gades mala-adonis sa kagwapuhan ang lalake na ‘to. Plus napaka-bait pa. Siya na po! Lord, siya na ba? Nang maubos ko na yung egg ball at last one na lang ay bigla namang nabulunan si Book. Hala! Masyadong nasarapan! Nag-panic naman ako kaya dali-dali akong bumili ng buko juice. Mabilis ko namang binigay kay Book iyon. Bwiset yung eggball na yun ah? Balak pa yatang patayin sa sarap ang bebeluvs ko! Ako lang may karapatan na gawin sa kanya yon! Ako la– Nasabi ko ba na magkalapit ang mukha namin ngayon? Less that five inches lang ang layo ng mukha namin sa isa’t-isa at damang-dama ko ang init at mabango niyang hininga. Kiss me–este kill me, bes! Bago pa ako mag-wet dreams ng bonggang-bongga ay lumayo na agad ako sa tukso. Malanding Hormones alert! "A-Ayos ka na ba?!” Nag-aalalang tanong ko. "Oo. Salamat." Unti-unting humupa ang pag-aalala na naramdaman ko sa sagot niya. Nagpalipas muna kami ng ilang minuto ni Book bago napag-pasyahang umuwi na. Nag-paalam naman ako kay Kuya Tenji na tutuloy na kaming dalawa. "Glee, payong kapatid lang ha? Hinay-hinay ka lang! Mukha pa lang ng lalaking iyan, alam mo nang malaki ang kargada niya. Gamit-gamit din ng condom ‘pag may time." Condom? Umaygas, pulgas! Nakakaloka naman itong si Kuya! "Kuya, bata pa po ako." "Che! Makati ka lang!" Matapos ang pag-uusap namin ni Kuya Tenji ay si Book naman ang hinarap ko. “Book, maraming salamat ulit. Hanggang dito na lang ako dahil walking distance na lang yung bahay namin mula rito.” I told him politely as I pointed out the way to my home. “Lalakarin ko na lang. Pwedeng-pwede ka na umuwi.” “Ganon? Okay, then. I’ll walk you home.” Walang kemerut na bulalas niya. Inay, seryoso ba itong lalaking ‘to? At ako na lang din ang sasagot sa tanong ko. Oo, Glee, seryoso siya. Wala na akong nagawa nang magpa-una siyang maglakad sa daan na tinuro ko. “Kuya, pakibantayan yung kotse ni Book. Salamat!” Hindi ko na hinintay yung sasabihin ni Kuya Tenji. Tumakbo ako to keep my tracks with Book. Nagkwentuhan lang kami with random stuffs to prevent the awkwardness. Mabilis lang ang naging oras ng paglalakad namin at nasa tapat na kami ng aking mumunting tahanan. "Book, pasok ka muna." pag-anyaya ko sa kanya. "Naku! Hindi na. Mag-ga-gabi na rin." sabi niya sabay kamot ng batok. Ankyut telege nye. "Eh? Pa’no 'tong damit mo?" takang tanong ko sa kanya. Hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa niya. Kung yung kanina, aksidente lang pero ngayon, siya na yung nag-insist, mga mare! Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. He leave a one inch space at halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha niya. "Huwag kang mag-alala, may next time pa naman. Promise yan, Ms. Convenience Store." bulong niya saka niya hinalikan ang tungki ng ilong ko. Ilang minuto rin akong nakatulala. Nakabalik lang ako sa tamang pag-iisip nang maglakad na siya palayo. "Book, hindi ako babae!" sigaw ko. "Alam ko!" sigaw niya pabalik bago siya maglaho sa paningin ko. Nakangiting tuluyan akong pumasok sa bahay. Isasara ko na sana ang pinto nang may isang pamilyar na boses ang gumimbal sa katawang lupa ko. "At sino naman ang lalakeng ‘yon?" Paktay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD