CHAPTER 2

1083 Words
Kinabukasan ng hapon, bumili si Kylie ng sobre at naglagay ng 10000 pesos sa loob. Naglakbay siya sa Lockwood Village, Salcedo Street. Villa Rosa Apartment at pumunta sa lobby. Para makasigurado na hindi siya makikilala ng lalaki, bumili siya ng belo para itago ang sarili. "Hello! Pwede ko bang itanong kung nandito ang landlord?" tanong niya sa matandang receptionist. Ngumiti ang receptionist. "Yes she is here. Naghahanap ka ba ng apartment? May available na single room sa second floor sa affordable price. Gusto mo bang makita?" Inabot ni Kylie ang envelope sa receptionist at hininaan ang boses. "Hindi... hindi ako naghahanap ng apartment. Sinabi niya sa akin na kailangan kong magbayad sa loob ng araw. Hindi ba niya sinabi sa iyo ang tungkol dito?" "Oh I see! Patawarin mo ako ma'am, hindi kita nakilala. Salamat sa pagdaan ngayon. Ipapaalam ko sa amo ko na nagbayad ka na ng renta mo." Lumingon si Kylie at nakita niyang pababa ng hagdan ang lalaking kumidnap sa kanya kahapon. May kausap siyang ibang lalaki. Tumingin si Kylie sa receptionist at nagsalita. "Paumanhin, kailangan ko nang umalis. Marami pa akong gagawin!" Agad na lumabas si Kylie para tumakbo para sa kanyang buhay. Maya-maya ay lumingon siya at nakita niyang hinahabol siya ng lalaki sa makipot na kalye ng Salcedo. Nakita niya ang isang itim na mamahaling kotse. Out of options, pumasok siya sa trunk ng kotse at isinara ito. Nang umandar ang sasakyan, tiniis niyang nasa isang makitid na espasyo kaysa mamatay sa kamay ng kumidnap sa kanya. Halos mawalan siya ng oxygen nang may magbukas ang trunk ng kotse. "f**k! Anong ginagawa mo sa trunk lady ko?" tanong nang gwapong lalaki na gulat na gulat ng makita si Kylie sa loob. Dahan-dahang iminulat ni Kylie ang kanyang mga mata at nakita niya na ang lalaking kamukha ng nakita niya sa loob ng monasteryo. "Hindi ako makapaniwala, ikaw ba yan Richard?" Nangunot ang noo ni Richard sa pagkalito. "Paano mo nalaman ang pangalan ko at bakit ka nasa loob ng trunk ng kotse ko?" Agad na lumabas ng trunk si Kylie at sinagot siya. "Patawarin mo ako kung nagtago ako sa loob ng trunk ng kotse mo ng walang pasabi. Ang pangalan ko ay Kylie." "Pero paano mo nalaman kung sino ako?" Natakot si Kylie na sabihin kay Richard na siya ang nakakita ng wallet nito pero ayaw niyang magsinungaling dahil niligtas nito ang buhay niya. "Actually nagpunta ka sa isang lumang monasteryo kahapon at hindi mo sinasadyang kalimuta ang iyong pitaka at pagkain!" Nilagay ni Kylie ang kamay niya sa bulsa at ibinigay ang wallet ni Richard. Tinanggap ito ni Richard at niyakap siya nang isauli nito ang kanyang wallet. Naamoy niya ang pabango nito at biglang bumilis ulit ang t***k ng puso niya. "Salamat miss, hindi ko alam ang gagawin ko nung nawala ang wallet ko. Napakahalaga sa akin ng mga I.D ko. Paano kita masusuklian sa kabutihang ginawa mo sa akin?" Nauutal utal naman si Kylie sa kanyang pagsagot, "Sa totoo lang, kumuha ako pera sa pitaka mo at ipapangako ko na ibabalik ko ito kapag nakakuha na ako ng matinong trabaho." Hinarap siya ni Richard. "That is fine by me. By the way, anong trabaho ba ang hinahanap mo? Baka sakaling makatulong ako?" Ibinaling ni Kylie ang tingin sa likuran ni Richard at namangha siya ng makita ang isang magandang mansyon. "Ang ganda ng view. Diyan ka ba nakatira sa loob?" "Yeah, that is the mansion I bought last week. As a matter of fact I'm still looking for a maid!" "Talaga? Saka baka pwede akong mag-apply para mabayaran ang utang ko!" "Sure! By the way saan ka nakatira Kylie?" Pinilit ni Kylie na ngumiti. "Ayokong magmukhang kaawa-awa pero wala akong mapupuntahan. Ayoko na talagang magpalipas ng gabi sa kalye dahil nawalan na ako ng alaala!" "Don't worry, as your new boss I won't let anyone harm you. Secured ang mansyon ko kaya wala kang dapat ipag-alala. Sumama ka sa akin sa loob. Ipapakilala kita sa mga tauhan ko!" "Teka, habang natutuwa ako sa alok mo. Willing ka bang magtiwala sa isang taong ngayon mo lang nakilala?" Binigyan siya ni Richard ng isang matamis na ngiti. "Of course I already trusted you. The fact that you return my wallet means that you're an honest person. Kaya please sumama ka sa akin sa loob para maipakilala kita sa kanila!" "One last thing bago tayo pumasok, may girlfriend ka ba o asawa? Baka magselos siya kapag nakita niya ako!" Napakunot ang noo ni Richard nang maalala ang malagim na aksidente dahil sa sinapit ng kanyang asawa. "Well, my wife has died one year ago due to an accident... as of now nagluluksa pa rin ako sa biglaan niyang pag panaw." Hinawakan ni Richard ang kamay ni Kylie at pumasok na sila sa loob ng mansyon. May dalawang maid na naghanda na ng mga pagkain para kay Richard. "Everyone, I'd like you to meet our new maid her name is Kylie!" Nginitian naman ni Kylie ang lahat ng mga taong tumingin sa kanya. "Magandang araw po sa inyong lahat, ikinagagalak ko po kayong makilala!" Pinilit ng dalawang maid na ngumiti kay Kylie. "I am glad that Kylie is the one who found my wallet in my old monastery!" saad ni Richard. "Teka, sa iyo ang monasteryo na iyon?" tanong ni Kylie sa kanya. "Yes. Sorry, I forgot to mention that earlier. I am in the midst of negotiations with the owner of that land. I planned to put up a business there. Anyhow, Kylie I need to change my clothes. Babalik ako agad!" "Sige, salamat ulit Richard!" The moment na nawala si Richard, isa sa mga maid ang lumapit kay Kylie at bumulong sa kanya. "Tumakbo ka hangga't kaya mo. Masyadong delikado ang lugar na ito para sa isang tulad mo!" babala ng maid. "Ano ang ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Kylie. "Mukhang mabuting tao si Richard!" dagdag niya. "Wag ka ng maraming tanong. Tumakbo ka hangga't kaya mo!" inulit ng maid ang babala niya. "I have nowhere to go. May lalaking humahabol sa akin. Hindi ko po mawari kung bakit ninyo ako gustong umalis sa lugar na ito." "Ano ang nangyayari?" Tanong ni Richard habang naglalakad papunta sa kanila. "Wala po sir," pagsisinungaling ng kasambahay. "Ini-interview ko lang po si Kylie dahil bahagi na siya ng aming pamilya!" "Nagsasabi ba siya ng totoo, Kylie?" tanong ni Richard na may seryosong tono ng boses. This time, natakot si Kylie dahil sa mala demonyong boses ni Richard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD