Tumaas bigla ang dugo ni Richard kaya nakapagbitaw ito ng masakit na salita sa kanyang tauhan, "Bobo ka ba? Bakit ka magpapapasok ng taong hindi mo pa lubos na kilala? At bakit ang isang kagaya pa niya na alam nating kilala ng bihag ko?" "Pasensya na boss! Lumapit lang naman sa akin ang guard kanina. Hindi naman po ang ang kumausap sa Kevin na 'yun!" "Lulusot ka pa, mga bobo kayong lahat! At ano naman ang maaaring maging dahilan ng pagpunta ng isang kagaya ni Kevin dito? Wag mo sabihin sa akin na gusto niya akong chu*ain?" "Boss pasensya ka na talaga... mukha kasing interesado siyang bilhin ang isa sa mga properties mo!" "Ilang tao ang kasama niya?" "Mag-isa lang po siya at natitiyak ko sa inyo na wala po siyang dala na kahit na anong armas. Hindi naman sa nangingialam ako sa inyo per

