Bumukas ang pinto at napangiti si Kylie nang makita niya si Mark. Nakasuot lamang siya ng sando at boxer shorts at halata sa kanyang mga mata na pinilit lamang niya na magising. Tumingin si Mark kay Kylie at sinenyasan niyang manahimik ang dalaga. Sinunod naman ni Kylie si Mark na bumulong sa kanya. "Nakalimutan kong sabihin sayo na nilagyan ko ng sleeping drug ang inuming tubig ni Richard kanina so wag kang kabahan dahil natitiyak ko sayong mahimbing siyang natutulog!" Dahan dahang iniangat ni Kylie ang braso ni Richard na nakapalupot sa kanyang katawan. Naka bra at panty lang si Kylie kaya naman ay nagsuot siya ng damit para naman ay hindi siya pagtawanan ni Mark. "Dadaan tayong dalawa sa tunnel ulit Kylie... yun yung daan na gagamitin mo sana para makatakas ka noong nakaraang ara
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


