CHAPTER 1

1980 Words
"ERIKA, guess who's here to stay overnight?" dinig niya ang boses ng Mommy niya mula sa baba. Natigil siya sa pagguhit at lumiwanag ang mukha. "Alex!" excited na sigaw niya at nagmamadaling lumabas sa sariling silid at patakbong pumanaog sa hagdan. "Hey, Pepper," bati ni Alex sabay umang kamao. Nag-fist bump sila. While everyone calls her Erika, he calls her Pepper. The only one in the world who calls her Pepper. For no reason at all. Nakasanayan lang nito mula pagkabata at wala na itong planong tawagin siya sa totoong pangalan niya. Nagmano siya sa Tita Dinah at Tito Jordan. "Akyat na po muna kami sa taas," paalam niya sabay hinatak si Alex paakyat sa silid dahil ramdam niya ang tensiyon sa pagitan ng mga ito. Ni hindi na nito nilingon ang mga magulang para magpaalam. Itinaas lang nito ang kamay sabay kaway. Nakita niya ang pagtiim-bagang ng ama nito. "Nagkasagutan na naman ba kayo ni Tito?" tanong niya nang makapasok sila sa silid. "May bago ba dun?" ani Alex at tila nanlalatang humiga ng pahalang sa kama niya. Tila may pinong kurot sa dibdib niya ang makitang mukha ng kaibigan. Ni hindi niya magawang sawayin ito na tanggalin ang sapatos nitong suot. Kusa na lang siyang lumapit at inalis ang sapatos sa paa nito. Alex's relationship with his Dad seems to be getting worse. Naawa siya rito lalo pa't nakikita niyang naiinggit ito kapag nakikitang naglalambing ang Daddy Gino niya sa kanya. He wants him to be as happy as she is. Pero hindi niya alam kung paano siya makakatulong. Humiga siya sa tabi nito. "Why don't you come to their social functions for a change?" "Nagpunta na nga ako, di ba? Hindi ko gusto. Lahat ng tao doon, ine-expect na ako ang papalit sa posisyon ng Daddy balang araw. Ayokong maging abogado. It's just not my thing. Gusto kong maging photographer." "You can be both, you know," aniyang nginitian ito. Umangat ang kilay nito at nilingon siya. "For example, I got Dad's talent in painting and my Mom's skill in running a business. I can be both." Itinulak ng binata ang noo niya gamit ang dalawang daliri. "You can only be passionate for one thing. You set your goal, you focus, and you make it happen, ganoon kasimple iyon." Ngumisi siya. "I know, but still, I can be both. Watch me." Nailing ito. "Hindi mo pa ba naririnig ang kasabihang, 'You can't serve two masters at a time'?" "Then, I will be the master so they can serve me." Hindi makapaniwalang napatingin ito sa kanya. "You and your twisted thoughts." Napabuga ng hininga ang binata saka bumangon sa pagkakahiga tila ayaw nang makaipag-usap sa kanya. "It's just like love, Pepper, you only get to love one person." "I don't think so, Alex." "Yeah, why don't you tell me what you think?" Naglatag ito ng mattress sa ibaba ng kama niya at binigyan niya ito ng kumot at unan. "You know I love you, right?" Tumango ito. "But there will be someone that I will love other than you. And that will be my one great love. Parang business at arts din. Arts will always be my one great love and business is my best friend." Natahimik ito ng saglit. Bumuka ang bibig nito ngunit tila walang maapuhap na salita. "Fine, whatever, Pepper," anitong pina-ikot ang mata. Kinuha nito ang laptop sa loob ng dalang backpack pati ang most prized possession nito ang Canon DSLR cam nito. "I'll wait for that day na dumating ang one great love mo. Let's see by then," hamon nito. She smiled dreamily. "I think that day was yesterday, Alex." Umangat ang kilay nito. Napalingon siya sa labas ng pinto para makasigurong walang makakarinig sa sasabihin niya. Alex is allowed to stay in her room but they have to keep the door always open. It's her Daddy Gino's rule. "How do you find Lance?" mahinang tanong niya. "Alin dun?" anito at padapang nahiga at binuksan ang laptop. "Yung anak ni Tita Betchy, hindi mo naalala? Nakalaro natin siya minsan. Ang gwapo na niya ngayon. Plus, consistent top 1 dean's list at plan niya mag-take ng law." "Ah, yung bakla?" Binato niya ito ng unan. "Aw! Ba't ka nananakit?" sigaw nito. "Bawiin mo ang sinabi mo!" "Ang alin?" litong sabi nito. Pagkuwa'y tumawa bigla. "Na bakla si Lance?" Binato niya ulit ito ng unan. Pero mabilis na itong naka-ilag. Akmang lalapitan niya ito para sakalin. Tiyempong pagdaan ng Mommy niya. "O, ano na naman? Akala ko ba hindi na kayo mag-aaway?" "Si Pepper po, sinasaktan na naman ako." sumbong nito na nagpapaawa. "Erika.." anang Mommy niya sa tonong may kambal na babala. Nakatingin ito sa dalawang unan na nasa sahig. "I won't do it again, Mom. Binibigyan ko lang siya ng unan, kaso nakaharang ang ulo niya kaya natamaan, ang laki kasi," paliwanag niya at kaagad na pinulot ang nagkalat na unan. Umiiling ang Mommy niya. "Don't stay up too late. And minimize your voice, nagpapahinga na ang Daddy mo." "Bubusalan ko po ang bibig kapag nag-ingay siya," prisinta ni Alex. Nakangiting naiiling ang Mommy niya at iniwan sila. Palihim sana niya itong sisipain kaso tila alam na ng binata ang gagawin niya kaya agad nitong iniiwas ang paa kaya sa gilid ng side table tumama ang paa niya. Impit siyang napahiyaw. At kaagad nag-flash ang camera ni Alex. "Wow, priceless," anito sabay tawa. Kinalma niya ang sarili at hinanda ang matamis na ngiti at pinapungay ang mata dahil nag-flash na naman ang camera nito kahit pa namimilipit siya sa sakit. "Teka, may gusto ka sa baklang iyon?" Binato niyang muli ang kaharap kaso naka-iwas ito sabay click ulit. Natawa ito nang tiningnan ang kuha. "You will always be my favorite subject, Pepper." Ngumiti siya ng tabingi. "Happy ka?" "Very happy," anitong tumawa. He always captures her in her worst mood, in her most awkward moment, and in her ugliest pose. And he loved it. It is his happiness. Inilapag nito ang camera at hinarap siya. Inilagay nito ang baba sa gilid ng kama niya. "So, why Lance?" "Hindi siya bakla!" gigil na sabi niya sa mahinang tinig. "Okay hindi..." tumikhim ito. "pa siguro?" sabay pigil na tawa. "How can you say that?" aniyang totoong naiinis. "He is just very meticulous. He is very handsome and neat, hindi kagaya mong madungis. He is very intelligent at may sense kausap. We've known him for years pero ngayon ko lang siya nakausap ng ganoon katagal." "Nakausap mo lang, crush mo na agad?" "Feeling ko nga mahal ko na siya," she replied dreamily. Nanlaki ang mata nito. "Ngayon mo lang naikuwento, mahal mo na?" "Eh, love at first hello, eh." aniyang hindi maiwasang kiligin nang maalala ang unang pag-uusap nila ni Lance nang bumisita ang Tita Betchy kahapon. "Ang bait pa niya. He is the perfect gentleman." "Ang gentle nga niya para maging man." Pinitik niya agad ang labi nito. "Aw!" anito. "You keep saying bad words! Huwag mong pinipintasan ang mahal ko." "Ang katotohanan ay hindi kapintasan." "Whatever you say, Alex. I really, really, really like him." "Hmmm..." "I am so inspired. Look," aniya at ipinakita ang sketches niya sa kaharap. Sumama ang mukha nito. "Ako, wala ni isa, eh, halos buong buhay tayong magkasama. Siya? Isang gabi lang, lima ang nagawa mo?" reklamo nito. "Yun nga, palagi tayong magkasama. Bakit pa kita kailangan i-draw? Saka inspired ako, kaya ganun." He looked at her disgusted. "So hindi ka inspired kapag nakikita ako? Samantalang ako inspired parati na kumuha ng pictures kapag nariyan ka." Pinaliit niya ang mata. "Yeah, I'm sure inspired na inspired ka habang kinukunan ako ng picture. Perfect moments nga yung kina-capture mo, di ba?" sarkastikong sabi niya. "It's the naked truth about you," anito na ngumiti ng malapad. Nahawa siya sa ngiti nito pagkuwa'y kumislap ang ideya sa utak nang biglang may maalala. "You're gonna do the photoshoot, right? I heard he will be featured in our school pub," aniyang kumikinang ang mata. Tumaas lang kilay ng kaharap. "Can I watch? Please?" "Isn't that ka-cheapan, Pepper?" Sumimangot siya. "Manonood lang naman ako ng photoshoot, ah." "No," anito at nahiga. "Nahihibang ka na. Crush lang iyan. Mawawala rin iyan." anito at nahiga sa mattress at hinarap ang laptop. "Yun na nga yung point, Alex. Ayokong mawala. I feel that he's the one." Hindi ito sumagot. "I'm serious! I like him a lot." Umiling-iling lang ito. "Hindi mo talaga ako tutulungan?" aniyang gustong sumama ng loob. Dahil siya ang side-kick nito sa panliligaw, tagagawa ng loveletters at taga-bake ng cookies at cake na nireregalo nito sa mga girlfriends nito. "Fine, wala kang kwentang bestfriend!" She's too upset to talk now. She just wants him to be on his side. Konting support lang, bakit di nito mabigay? Naiiyak na siya sa inis lalo pa't buntong-hininga lang ang narinig niya rito at hindi man lang siya nito nilingon. Nakita niyang nag-open ito ng f*******:. Inis na nahiga siya at tinalikuran ito. "Pepper," tawag nito. Itinakip niya ang unan sa tenga, hindi siya sumagot. "4PM bukas, okay ba?" Kumunot ang noo niya. "Okay?"untag nito nang hindi siya sumagot. Hindi niya napigilan ang sariling bumalikwas ng bangon at hinarap ito. "Ano'ng 4PM? Hindi ako, okay! Minsan nga lang ako nagpatulong sa'yo, ganyan ka. Samantalang ikaw, kahit ano, todo support ako. Kahit na mga bitches ang nililigawan mo, tinutulungan kita. Kahit na-" "Kaya nga, okay ba sa'yo ang 4PM bukas?" anitong tila naaaliw. "Ano ngang meron sa 4PM?!" pigil-singhal niya. "Yung bakla mong mahal, pupunta bukas sa studio ko para sa photo shoot." Nalaglag ang panga niya sa narinig at dagling nagpatihulog sa kama para tingnan ang f*******: messages nito. Muntik na siyang mapatili sa tuwa. Napayakap siya ng mahigpit kay Alex at pinupog ito ng halik sa buong mukha. "You are the best best friend ever!" "Huwag kang OA," anito sabay tulak sa kanya at pinahid ang mukha. "Matulog na tayo, okay?" Ngumiti siya. "Thank you, Alex," aniya at muling hinalikan ang pisngi nito bago umakyat sa kama. "Matulog ka na. Bukas ka na mag-daydream kasi night na ngayon." "Oh my God, I'm so happy, Alex!" aniyang hindi mapigilan ang kilig habang ini-imagine ang pagkikita nila ni Lance bukas. Ang maamo nitong mukha, ang matamis nitong ngiti at ang nangungusap nitong mata na tila ba nagsasabing siya ang pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa. She had known Lance since childhood but she never felt this way until that day he stared into her eyes and the world seemed to stop for a while... Hindi siya pwedeng magkamali. Si Lance na talaga. The man of her dreams. Her forever... "Goodnight, Pepper." "I love you, Alex." "Love you, too." Nakangiti siya hanggang sa makatulog. She had a good feeling she'll have a beautiful dream tonight. HINDI makapaniwala si Alex habang pinapanood ang kababata habang natutulog. Hindi nya alam kung bakit hindi siya masaya sa sinabi nito. It's the first time he saw her swoon like that. And he didn't like the feeling. He should be happy she finally found someone she could love. But he is not. Maybe he is too protective of her. She is more than a friend, more than a sister. He even loves her more than anything in the world. Kaya siguro hindi pa siya handa na may ibang pagtutuunan ng pansin ang Pepper ng buhay niya. He could still feel her kisses on his face. And he felt a little uneasy. He shrugged off the weird feeling. Palagi naman siyang pinipupog ni Pepper ng halik. Anong pinagkaiba? Napabuga siya ng hininga. Ilang minuto lang ay mahimbing na ang tulog ng kaibigan. Pepper is smiling in her sleep. Kinuha niya ang camera at kinunan ito ng lawaran. "Perfect," bulong niya saka muling napatitig rito. "I do hope that guy won't break your heart. Because I'm gonna break every little piece of him if that happens." aniya sa isip.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD