HABANG papalayo si Alex ay pabigat ng pabigat ang dibdib niya. Gusto niya itong balikan at bigyan ng suntok o kaya malakas na sipa o kahit sigawan niya ito hanggang mabingi. Ang sakit ng dibdib niya sa sinabi nito at hindi man lang siya nakaganti.
Napatigil siya sa paglalakad nang mapansing malapit na siya sa gate ng bahay nila. Dinukot niya ang panyo sa bulsa at mabilis na pinunasan niya ang magkabilang pisngi. Natigilan siya at napatitig sa panyong hawak. Kay Lance iyon.
Mapait siyang ngumiti saka tumulo ulit ang luha. It's been a long time since she cried. She just can't believe that her heart is at its saddest form when she's supposed to enjoy her happiest moment with Lance.
"I hate you..." bulong niya patungkol kay Alex. "I hate you!" aniyang muling napahikbi.
"Are you okay?"
Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Huli na para itago niya ang pag-iyak. Umawang ang bibig niya pero wala siyang maapuhap na salita. Para ulit siyang tanga sa harap ni Lance. Umiiyak na tanga.
Nagulat siya ng bigla siya nitong ipinaloob sa bisig nito.
"Did you know that a hug can induce happy hormones?"
Pinigilan niya ang sariling mapahikbi ulit. Why does Lance have to see her like this? Gusto niyang mapapadyak. This night is supposed to be nothing but happy. Why does Alex have to be so difficult? But Lance's hug made her feel better. It was warm and nice. Marahan nitong tinapik-tapik ang likod niya. Matagal sila sa ganoong posisyon. Erika felt she's on a safe place.
"Thank you, Lance."
His hand gently touched her left cheek. Namilog ang mga mata niya sabay pag-iinit ng pisngi. Yumuko siya para itago ang pamumula ng mukha. Her heart is beginning to pound hard.
"Feeling better now?" anitong hinawakan ang baba niya para i-angat ang kanyang mukha.
Kahit na malungkot siya'y hindi niya napigilan ang sariling mapangiti. "Effective yung hug."
"Yan, ganyan dapat. You are so much beautiful when you smile," anito na ikinapamula ng husto ng mukha niya. "Tara na sa loob at kanina pa sila naghihintay."
Tumango siya. "I'm sorry."
Ngumiti ito. "What for? You don't have to be sorry." Hindi niya napigilan ang sariling kiligin nang hinawakan nito ang siko niya at iginiya papasok sa bakuran.
"Because tonight is supposed to be just happy." Hindi niya naitago ang frustration sa tinig. Si Alex kasi! Grrr! Himutok niya sa sarili.
Lance stared at her looking amused. "I'm happy... especially that you are here with me."
Nahawa siya sa ngiti nito. Kahit na parang mabibingi na siya sa t***k ng dibdib at tila titiklop ang tuhod niya. Bakit ba kasi ang guwapo ni Lance bigla? Dati naman niya itong nakikita noong mga bata pa sila. Puberty must have been good to him. He has grown tall and lean and really handsome. Nakakaturete. Hindi siya makapag-focus. Nakakalimutan pa niyang huminga.
"About our date," anito na ikinasikdo ng dibdib niya. "I already asked your dad and mom's permission about it."
Napatigil siya sa paghakabang at kinakabahang napatingin dito.
Napangiti ito. "Don't worry. They are okay with it. I just need to bring you home before 10PM."
Nakahinga siya ng maluwag. "I hope mom wasn't hysterical."
Tumawa ito. "Almost. But your dad was cool about it. So, it was okay."
Nahawa siya sa tawa nito kahit nininerbyos siya sa sasabihin ng Mommy at Daddy niya mamaya. She is only sixteen and Lance is twenty.
"We also received Tito Jordan's invitation," anito. "So, I quite figured out why you and Alex were fighting."
Napangiwi siya nang maalala ang best friend. "He said it was okay," mahinang sabi niya. Bumalik na naman ang bigat ng dibdib.
"Will you be my date at the party?" tanong nito. "That way you can still be there for him. Well, we can be there for him."
Hindi makapaniwalang napatingin siya rito. "Are you sure?"
Tumango ito at napangiti.
Sa tuwa ay napayakap siya rito. "Oh, thank you so much Lance. You don't know how much this means to me."
Nagulat silang dalawa nang may tumikhim.
Kaagad niyang naitulak si Lance nang makita ang Daddy Gino niya na nasa terrace. Kasunod na lumabas ang Mommy Mushroom niya at ang Tita Betchy na mommy ni Lance. They were having coffee.
"Oh, aren't they cute together?" tuwang sambit ni Tita Betchy.
Napalapit siya rito at nagmano. "Hello po, Tita."
Hinalikan siya nito sa pisngi. "Ang ganda-ganda mo talaga, hija.. Manang-mana ka sa Mommy mo."
Napa-ubo ng malakas ang Daddy niya.
"Oh, well, nasayo ang irresistible charm ng Daddy mo," tumawa ito ulit. "Kaya naman palagi akong kinukulit ni Lance na bumisita ulit dito. Every summer since he saw you when you were ten-"
"Ma!" biglang sambit ni Lance, halatang napahiya. Ngunit taas-kilay lang ang sagot ng Mama nito.
"Crush ka na niya noong ten ka pa lang."
"Ma, naman," reklamo nito na hindi makatingin ng diretso sa dalaga. Pakiramdam niya'y ang haba ng buhok niya. Gusto niyang mapasayaw sa tuwa.
"Kumain na kayo," anang Mommy niya. "Hindi pa kumakain si Lance at hinintay ka talaga."
Ganito siguro ang feeling ni Pia at Catriona. Yung feeling na ikaw ang pinakamagandang babae sa balat ng universe. Hindi niya napigilan ang pagluwang ng ngiti.
"Halika na," anyaya niya kay Lance.
Masaya silang nagsalo ng hapunan. Nawala pansamantala sa isip niya ang away nila ni Alex dahil excited siyang sabihin dito na dalawa na sila ni Lance na pupunta sa birthday ng papa nito. Hanggang sa makaalis sila ni Lance ay hindi mawala ang ngiti sa labi niya. Hanggang sa mahiga siya sa kama, ang gaan ng pakiramdam niya. She' just so happy that Alex would feel terribly sorry for saying those horrible things to her.
Napangiwi siya nang maalala ang sinabi nito. "I don't need you anymore." How can he bluntly say those things to her? He was not even thinking! How can he not need her? She is his right hand, his other self, his mirror, his everything! How can he not need her?
Kinuha niya ang cellphone. Hindi man lang nagtext ang magaling niyang best friend. Gigil na itinapon niya iyon sa kama saka padapang nahiga. She felt exhausted. Bukas na niya iisipin si Alex. She needs to rest. Pinilit niya ang sariling matulog ngunit mailap ang antok sa kanya kahit na pagod ang katawan, ang isip, pati ang puso niya. Alex really is wearing her out.
Happy thoughts! aniya sa sarili at unti-unting napangiti nang maalala ang yakap ni Lance kanina. Parang paboritong eksena niya sa pelikula, naka-rewind. Paulit-ulit. She wants to stay in that loop forever.
Then Alex's words came in again kahit ayaw niya. Inis na napabangon siya. Iinom na lang siya ng gatas. Nagulat siya nang may pumukol sa bintana niya. Tumaas ang kilay niya. May pumukol ulit. Isang tao lang ang alam niyang gumagawa noon. Sinilip niya ang bintana. Her heart almost leaped for joy when she saw Alex. Binuksan niya ang bintana pero hindi niya ito nginitian. Walang hirap na naakyat nito ang silid niya.
Naka-krus ang magkabilang braso na hinarap niya ito habang nakataas-kilay. "Naligaw ka yata?"
"I'll sleep here tonight," balewalang sagot nito.
"Paano kung ayoko?"
Tiningnan siya nito. Tila walang balak na sumagot.
"Fine, bahala ka." aniyang humiga na sa kama patalikod dito. Hindi man lang nag-sorry.
Nagulat siya nang mahiga din ito sa kama. Mas nagulat siya nang yakapin siya nito bigla.
"I'm sorry, Pepper."
Hindi siya makasagot dahil alam niyang pipiyok ang boses niya kapag nagsalita siya. Humigpit ang yakap nito. He didn't say anything more. He just hugged her tight. And for whatever reasons, Erika cried.
Sh*t! mura ni Alex sa sarili nang mapansing umiiyak ang dalaga. He burried his face on her neck and hugged her tight.
"I'm sorry..." paulit-ulit na sabi niya. He felt sorry right after he said those words to her. Dahil bumigat ang dibdib niya. Dahil alam niyang hindi iyon totoo. He saw the hurt in her eyes and he cursed himself for it. But his pride prevented him from taking those words back. He will grow old but he will forever need Pepper on his side. Because she's the only beautiful thing in his life. His only treasure.
Tinangka niyang mag-sorry dahil tila mabibiyak ang dibdib niya sa sakit. Ngunit nang tangka niyang habulin ang dalaga'y yakap-yakap na ito ni Lance. Hindi na siya lumapit dahil baka hindi siya makapagpigil at masuntok niya ang binata. Ang galing din ng hokage moves nito. Swabe.
He was mad. He was fuming mad. And for the very first time, he felt jealous. That's why he wanted to show he didn't care that Pepper won't be there on his father's birthday. It's supposed to be okay. Ang hindi okay sa kanya ay ang katotohanang mas pinili nito ang baklang iyon kesa sa kanya. But he didn't mean to hurt her. She would be the very last person he could hurt. He'd rather die than hurt her.
"I h-hate you," anito sa pagitan ng hikbi.
Pakiramdam niya'y pinunit ang puso niya sa narinig.
"Please don't say that," hirap na sambit niya. Hinarap siya nito saka pinagbabayo ang dibdib. Hilam ng luha ang mga mata.
"I love you, Pepper," aniya nang kumalma ito. Umiyak na naman ito. It's the first time he saw her cry like this. He had hurt her so much. Niyakap niya itong muli. "I didn't mean to hurt you. Please don't be like this."
"I hate you, Alex," anito ngunit niyakap siya ng mahigpit habang humihikbi.
"I love you, Pepper."
"I hate you."
"I love you, Pepper," aniya at hinalikan ang noo nito.
"I hate you, still."
Pinahid niya ang luha sa mga mata nito. "I didn't mean what I said. I take it back."
Nanubig muli ang mga mata nito saka isinubsob ang ulo sa dibdib niya.
"Sorry na," alo niya. "Papatayin ako ng Daddy mo nito kapag nakita ka niyang ganyan. Gusto mo ba akong mamatay na?"
Nanlaki ang mata nito sa narinig sabay malakas na pinitik ang bibig niya.
“Aw,“ aniya sabay hawak sa labi.
“That’s a stupid thing to say!” gigil na sabi nito.
“So, ayaw mo akong mamatay?”
"Shut up, Alex."
"I love you, Pepper," aniyang nilambingan ang tinig.
Tiningnan siya nito, nakangiti kahit may luha sa mga mata. "I hate that I love you this much, Alex."
And for whatever reasons, he wanted to cry.