CHAPTER 3
Cutting
Halos hindi ako makapaniwala. September twenty-seven, I got my first boyfriend! Pumunta lang ako rito sa mini John Hay ng school para hintayin si Trisha, i-appreaciate ang mga pine trees na nakapaligid sa akin pero ang twist magkakaroon ako ng boyfriend!
Ang hinihiling ko lang ngayon ay sana tumupad si Angelo sa usapan na hindi siya masyadong ma-attach sa akin. Dahil kung tama ang pagkuwenta ko kung ilang araw nalang ang nalalabi ko sa mundo, isang daang araw na lang at puwede na akong magpaalam. Ayokong mahulog ang loob niya sa akin dahil alam naming pareho kung ano ang kahahantungan ng relasyon naming dalawa.
"Oh! Akala ko nagbibiro ka lang." Gulat na wika ni Trisha habang tinuturo pa kaming dalawa ni Angelo. May pahawak pa siya ng bibig niya na tila gulat na gulat talaga.
"Oo nga! Tara na nga!" Kinuha ko ang shoulder bag ko tiyaka ko iyon sinakbit sa balikat ko. Tumayo na rin ako, inayos ko pa ang pinasuot na coat sa akin ng lalaking katabi ko na nakangisi lang.
Hinatak ko na si Trisha paalis pero mukhang gulat nga yata talaga ang gaga dahil kahit na hinihila ko na siya papalakad ay nakatingin pa rin siya kay Angelo na nasa likod namin, hindi pa niya binababa ang hintuturo niya na nakapoint kay Angelo.
Nilakad pa namin kung saan nakapark ang sasakyan ni Angelo, pinatunog na niya iyon kaya binuksan ko na ang pintuan sa likuran. Kaagad kong tinulak papasok roon si Trisha, tatabi na sana ako sa kanya ang kaso nga lang may humawak sa braso ko para pigilan ako sa pagpasok. Tiningnan ko ito at ang gwapong mukha ni Angelo ang bumungad sa akin.
"Sa harap ka." Sabay nguso sa pintuan sa harap. Umirap ako sa kanya tiyaka padabog na inalis sa pagkakahawak niya ang braso ko.
"Ayoko. Gusto ko sa likod." Pagpupumilit ko pa pero bago pa ako makapasok ay hinarang niya ang kamay niya.
"Tinotoyo na agad ang girlfriend ko?" Ngiting tanong niya habang nagtataas-baba ang kilay niya. Syempre, hindi lang kami ang nakarinig non kaya may isang babae ang sumabat.
"Ano?! Girlfriend?! Akala ko ba kaibigan lang?!" Masyadong in-OA ni Trisha ang pagtatanong, dumungaw pa siya sa amin mula sa pagkakaupo. Umirap lang ako tiyaka binuksan ang pintuan sa harap, doon na ako naupo. Bago ko masara ang pintuan ay narinig ko ang halakhak ni Angelo at umikot na siya para makapasok na rin.
Inayos ko na ang seat belt ko dahil kung baka mangyari pa ang nababasa ko sa libro at napapanood ko sa mga movies, ang cringe kaya non. Nang makapasok na si Angelo ay naglagay na rin siya ng seat belt niya pagkatapos ay nakangiti akong sinulyapan kung nakalagay na rin ba ang akin. Si Trisha ay kaagad na inabante ang katawan niya, kaya nasa gitna namin ang ulo niya tiyaka ako tiningnan gamit ang nag-aakusa niyang mata.
"Kaninang umaga, kakasabi mo pa lang na. Kaibigan lang, paki explain naman po please yung narinig ko kani-kanina lang?" Mukhang hindi talaga matatahimik si Trisha hangga't walang nagpapaliwanag sa aming dalawa ni Angelo. Halakhak lang ang sagot ni Angelo samantalang pagsinghap lang ang nagawa ko.
Kung aaminin ko sa kanya ang totoong status namin ni Angelo, aaminin ko rin sa kanya kung anong natuklasan ko noong Sabado—tungkol sa sakit ko. Knowing Trisha, she'll probably get stress about my sickness and push me to undergo medical treatment. Baka nga magpa-fund raising pa siya kapag hindi ako pumayag. Ganon ko siya kakilala pero alam ko namang sawa na rin ang katawan ko sa mga gamot, hindi rin biro ang mga iniinom kong gamot noon.
"Ano? may kausap ba ako? O nakikiusap ako sa hangin?" Ginamit niya pa ang isang kamay niya at inaktong parang bibig na nagsasalita. "Okay, Trisha mukhang wala silang balak sabihin sa'yo." Sarkastikong wika niya habang kausap ang kamay niya. Nakangisi lang akong tinitingnan ni Angelo na tila binibigay niya sa akin ang lahat para magsalita.
"Kanina ko lang siya sinagot." Pagsagot ko sa kanya, lalong lumawak ang ngisi ni Angelo kaya inirapan ko na lang siya. Mukha siyang proud na proud na maging girlfriend ako.
"Gaano na kayo katagal nag-uusap? Kung hindi lag chinika ni Allan ang nakita niya noong Sabado hindi ko alam na magkakilala kayo." May halong pagtatampo ang boses ni Trish kaya bahagya akong nakonsensiya.
"Two months." Kahit na nakonsensiya ako ay nakuha ko pa rin magsinungaling. Siguro ganito talaga kapag unti-unti ko nang tinatanggap sa sarili ko na hanggang doon nalang talaga ang buhay ko.
"Niligawan ka niya na hindi man lang nagpaalam sa akin?" Ngayon ay tiningnan ni Trisha ng masama si Angelo. Nabawasan ang ngisi ni Angelo pero nakatingin pa rin siya sa dinadaanan, sinulyapan niya lang si Trisha sa rear mirror.
"I'm sorry, I really fell to your best friend." Tumili ang maharot na si Trisha dahil sa sinabi ni Angelo, parang kanina lang ay halos patayin niya ito sa titig niya pero kung makatili ay kala mo may kumurot sa singit niya.
Pero aaminin ko na bahagyang tumambol ang puso ko sa sinagot ni Angelo. Alam ko sa sarili ko na hindi maganda iyon kaya pilit kong kinakalma ang puso ko. Hindi maganda na tumibok ito na para bang titibok nang ilang taon pero ang totoo ay bilang nalang ang buwan ng pagtibok nito.
"Sige! Papatawarin kita kapag lagi mo kaming hinahatid!" Agad kong tiningnan ng masama si Trisha sa sinabi niya pero ngumisi siya sa akin tiyaka tumango-tango pa.
"Bakit hindi ka magpasundo sa boyfriend mo?" I asked her. Ichachat ko nga mamaya si Jordan para pagsabihan itong girlfriend niya. Sa main campus kasi ang boyfriend niya dahil mechanical engineering ito.
"Edi sunduin din natin siya sa main campus." Makapal na mukhang sagot nito. "Just kidding, gusto ko lang ng j.co bukas, Angelo para sa pag-agaw sa best friend ko na hindi man lang nagpapaalam sa akin." Parang nanay na sambit pa nito kay Angelo.
"J.co then," Natatawang ulit ni Angelo na parang wala man sa kanya iyon. Pinagbigyan ko nalang si Trisha dahil may atraso ako sa kanya, hindi ko na siya sinaway pa.
"Sa may town na pala ako baba! Magkikita pa kami ng boyfriend ko tiyaka baka may date pa kayong dalawa at makakaistorbo pa ako." Pang-aasar niya sa amin. Parang kanina lang ay naiinis siya kay Angelo dahil hindi siya nagpaalam sa akin pero ngayon halos ipamigay na ako. Iba talaga ang mood ng babaeng ito.
Kagaya ng sabi niya ay binaba nga namin siya sa town. Masigla siyang kumaway sa amin syempre may pahabol pa siyang pang-aasar kaya natatawa na lang kami sa kanya.
I will surely miss her.
"Ayos ka lang?" Bakas sa mukha ni Angelo ang pag-alala ng mapaubo ako tiyaka napahawak sa dibdib ko. Agad akong tumango dahil ayoko na mag-alala pa siya, hindi siya kumbinsido sa sagot ko pero hindi na siya nagsalita pa.
"Taga saan ka nga pala?" I asked him, naalala ko kasi na hindi niya sinabi sa akin noong una kaming nagkita.
"Why? Do you want to come to my place?" He smirked and wiggle his eyebrow. I slightly slapped his shoulder, that's why he chuckled. Iniwas niya sa akin ang braso niya habang natatawa pa. "Why? What are you thinking, huh?"
"Ikaw! Ikaw yung marumi ang naiisip!" Hinalukipkip ko ang dalawang kamay ko sa ibaba ng dibdib ko dahil ako pa ang sinabihan niya na may iniisip na kakaiba?
"What? I just asked you if you want to come over?" He innocently asked or should I say pretending to be innocent.
"Oh please. Stop pretending!" I hissed. He chuckled again, I guess he loves to tease me. Pikunin pa naman ako kaya maiinis talaga ako kahit simpleng pang-aasar lang.
"What? I'm not pretending?" Kung hindi lang ako takot na maaksidente kami ay baka hampasin ko ulit ang braso niya ang kaso nga lang delikado iyon. Kung ako lang sana ang masasaktan, ayos lang pero hindi ko kayang may masaktan na ibang tao dahil sa akin.
"Just tell me kung saan." Nauubos na pasensyang sabi ko sa kanya. Nagpapatuloy lang siya sa pagtawa.
"Why are you curious?" Umirap ako sa kawalan dahil sa sinabi niya.
"Para malaman ko kung nakakaistorbo ba ako sa'yo. Malay ko bang sa pinakababa ka pa pala ng Baguio tapos inihahatid mo pa ako." Alam kong pagod siya lalo na at graduating student na siya, magkakaroon pa sila ng internship next sem kaya baka ngayong sem ang bagsakan ng mga subjects nila.
"Sa Goshenlan Tower yung unit ko. Sa may General Luna." Sa wakas ay sinagot na rin niya ang tanong ko ng hindi ako inaasar. "At hindi ka nakakaistorbo sa akin. You are my girlfriend now."
Natigilan ako sa sinabi niya, bakit feeling ko seryoso siya kung anong meron kami ngayon? Alam niyang hindi pwede, alam niyang hindi maari at alam niya na kapag sineryoso niya ang meron kami ngayon ay pareho kaming masasaktan. Kaya ayoko talaga siyang ma-attach sa akin ng sobra, hindi ko kayang umalis kung may isa pa akong masasaktan. I trust Trisha, she's so brave that I know she can handle if time comes.
"Hindi mo naman ako magiging long term girlfriend." Tipid akong ngumiti sa kanya. Nawala ang ngisi niya na kanina ay halos kuminang ang mata niya sa tuwa pero ngayon ay naglaho.
"You're still my girlfriend." He firmly said. "No matter what, I want my girlfriend to be happy and to feel love because that's what she deserve, that's what you deserve." Kahit na may pagkamataray at palaban ako natahimik ako sa sinabi niya, hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung ano ang dapat na isagot.
Dahil natatakot ako.
Laking pasalamat ko nang makahinga ako ng maluwag dahil nakita ko ang gate nina tita. Pagkahinto ng sasakyan ay kaagad kong tinanggal ang seat belt pati na rin ang pinahiram niyang coat sa akin.
"Salamat," Sambit ko tiyaka binitawan ang coat sa likuran, tumango siya sa akin tiyaka ngumiti.
"Will message you later, continue doing your bucket list." He chuckled. Tumango ako, dahil pinaalala niya iyon. Ang dami ko tuloy naisip na gawin na hindi ko pa nagagawa at gustong-gusto kong gawin.
Bumaba na ako sa sasakyan niya tiyaka ako ulit nagpaalam sa kanya. Pagpasok ko sa bahay ay kagaad akong nagbihis. Pumunta ako sa sala para roon mag cellphone, nanonood naman ang pinsan ko ng TV. Samantalang, nagluluto ng hapunan si tita.
Kinuha ko ang maliit kong notebook tiyaka nag-isip kung ano pang magandang gawin. Napanguso ako dahil mukhang hindi ko rin magagawa ang mga bagay na gusto kong gawin dahil nangangailangan ng pera. Wala akong sapat na pera para magtravel, gusto ko man sanang magtravel kahit sa baba lang. Mga magagandang pasyalan.
Binaba ko ang notebook ko dahil wala akong maisulat, kinuha ko nalang ang cellphone ko para mag scroll sa social media hanggang sa nag pop ang message ni Angelo kaya pinindot ko ang messenger.
Angelo Jo Castielle: done writing? :)
Artemis Charelle Briso: not yet :
Angelo Jo Castielle: why? :(
Artemis Charelle Brioso: I realize that I want to travel but I don't have money for it. Kaya hindi ko na sinulat, help me to think of alternatives.
Angelo Jo Castielle: Put where do you want to go, don't worry about the money.
Artemis Charelle Brioso: huh? why wouldn't I be worried?
Angelo Jo Castielle: it's on me, don't worry about that. Just put it down.
Artemis Charelle Brioso: huh? bagtit ka ba? ano ka? sugar daddy?
Angelo Jo Castielle: willing to be your sugar daddy ;)
Artemis Charelle Brioso: boang
Angelo Jo Castielle: just do what i say, just write it down, love.
Umirap ako sa kawalan tiyaka binaba ang cellphone ko para kuhanin ang maliit na notebook sa kandungan ko, nagsimula na akong magsulat doon. Kagaya ng sinabi niya, hindi ko na muna inisip ang gagastusin. Baka magkasya naman ang ibibigay na allowance sa akin ni tita.
Nag-dinner na rin kami. Pero after naming kumain ay narinig kong nagsasalita na naman si tita tungkol sa pera. Napasinghap ako dahil alam kong sakit ko ang dahilan kung bakit nagkakaubusan ng pera.
Tahimik kong kinuha ang earphone ko tiyaka nagpatugtog roon para hindi ko na marinig pa ang sinasabi ni tita. Kaya napamahal na rin ako sa music dahil naging kasama ko ito kapag nagsasawa na ako sa mga salitang naririnig ko kaya imbis na pakinggan ang mga masasakit na salita ay mas pipiliin ko na lang pakinggan ang musika.
I just wanna be somebody to someone oh
I wanna be somebody to someone oh
I never had nobody and no road home
I wanna be somebody to someone
Lately, naging paborito ko ang kantang ito dahil tumatagos talaga sa puso ko ang bawat lyrics. Gusto ko lang maging mahalaga sa ibang tao, gusto ko rin na maramdaman na mahal ako ng isang tao. Wala kasi akong matakbuhan kapag nawawala ako sa sarili ko, alam ko naman na may ibang priority rin si Trisha.
Gusto kong maranasan na ako yung priority ng isang tao.
Kinabukasan ay ginawa ko na ang mga dati kong ginagawa bago ako pumasok sa school hanggang sa makapasok na ako. Nakatanggap ako ng message galing kay Trisha na hindi siya makakapasok ngayon dahil sobrang sakit ng puson niya. Wala tuloy akong makakuwentuhan kaya nakakasulat lang ako ng mga simpleng tula sa notebook ko.
Napasinghap ako nang matapos ako sa isang tula, discussion lang naman at wala ako sa mood makinig. Nang matapos magdiscuss ay nagkaroon ng activity mabuti nalang at may alam ako kahit papano. Nang matapos ang klase, tamad kong inayos ang gamit ko sa bag tiyaka ko nilagay sa balikat ko.
Bahagya akong binangga sa balikat ni Allan kaya nakuha niya ang atensyon ko.
"Absent si Trish?" Tumango ako. "Tara, sama ka na sa amin!" Anyaya niya. Napatingin ako kay Gabi na kaibigan niya.
"Saan ba kayo?" I smiled to Gabi, buti silang dalawa lang natira sa barkadahan nila? "Tiyaka kayo lang dalawa?"
"Oo, nagsipunta sa town. Nakakatamad naman pumunta sa town." Gabi said and then she smiled at me. "Diyan lang kami sa canteen sa may third floor, sama ka na." Pag-anyaya pa niya.
Dahil wala naman akong kasama ay pumayag na rin ako sa anyaya nila. Pinagitnaan nila akong dalawa tiyaka pareho nilang kinilingkis ang braso nila sa magkabilang braso ko. Friendly naman talaga sila pero siguro napansin na mag-isa lang ako sa classroom kaya hindi na sila sumama pa sa ibang kaibigan nila. Magkakablock na kami since first year, kaya alam kong mabuti sila.
They tried to be friend with us pero ilap kami ni Trisha, hindi namin bet ang marami sa circle of friends. Kaya ngayon na absent siya, wala akong malapitan dahil wala akong masyadong ka-close. Mabuti talaga at niyaya nila ako kung hindi ako lang mag-isa ang kakain sa canteen. Walang isyu sa akin iyon ang kaso nga lang hindi ko maiwasan ang mag overthink.
Nang matapos kaming kumain ay bigla akong tinamad para pumasok sa next subject namin. Napanguso ako nang may naalala na sinulat sa maliit kong notebook. Paakyat na sa hagdan sina Allan dahil sa fourth floor ang next class namin.
"Oh? Tinutunganga mo pa riyan?" Nagtatakang tanong sa akin ni Allan. Ngumiti ako sa kanya.
"Una na kayo, pakisabi masama pakiramdam ko." I winked. Natawa si Gabi sa akin dahil mukhang gets na niya kung anong gusto kong ipahiwatig.
"Hala true ba?" Allan asked dahil binulungan siya ni Gabi. "First time mo iyan ah?" Tumawa ako tiyaka sila tinanguan.
Nagpaalam sila sa akin kaya kinuha ko sa bag ang cellphone ko para itext ang isang tao. Nasabi niya kasi sa akin kagabi na may limang oras silang vacant ngayon.
Artemis Charelle Brioso: where are u?
Angelo Jo Castielle: lib, why?
Kaagad king pinindot ang up button ng elevator para pumunta sa library. Pumasok na agad ako ron tiyaka pinindot ang 9th floor dahil doon ang library. Tahimik lang ako sa elevator, kinuha ko ang tumbler na may lamang tubig tiyaka uminom dahil nangangati ang lalamunan ko.
Pagdating ko sa library ay nag sign in ako bago luminga para hanapin si Angelo. Nilagay ko rin ang bag ko sa may counter dahil iniiwan doon ang mga bag. Kinuha ko lang ang cellphone ko pati ang wallet ko, nakita ko si Angelo na nagbabasa sa may second floor ng library. Alam kong siya iyon dahil nakabisado ko na yata ang katawan niya.
Kaya nagmadali akong umakyat para makatabi ko siya. Umupo ako sa tabi niya pero lahat ng atensyon niya ay nasa binabasa niya. Minsan ay sumusulyap siya sa cellphone niya pero bumabalik rin agad ito sa binabasa niyang libro kapag wala siyang nakitang notification. Mukhang tungkol sa business ang binabasa niyang libro, ang kapal pa naman ng librong iyon. Sa kapal ng libro ay pwede ng maging sleeping pills.
Hindi niya pa nahahalata ang presensiya ko dahil tutok siya sa binabasa niya. Nawiwili akong pagmasdan siyang magkasalubong ang kilay dahil sa pagiging seryoso niya, sa itsura pa lang niya alam kong magiging successful bussiness man siya in the future. Napangiti ako ng malungkot dahil alam ko kapag nangyari iyon, wala na ako.
Gusto ko man lang sana siyang makita sa bachelor's magazine. Panigurado magiging sikat siyang businessman hindi lang dahil sa galing at talino niya kung hindi pati na rin sa itsura niya. Jackpot nga kung maituturing kapag ikaw ang pinakasalan ng taong ito.
Bahagya niyang inayos ang reading glass niya, suot-suot niya rin pala ito. Siguro ay t'wing nagbabasa lang siya doon niya lang iyon sinusuot dahil kapag magkasama kami ay wala naman siyang suot na salamin. O baka hindi ko pa siya lubusang kilala? Sabagay, ilang araw pa lang kaming magkasama.
Suminghap siya na tila napagod sa binabasa niya. Nakailang lipat na rin siya ng page no! May space kasi, tig-iisang mesa at upuan kaya medyo malayo ako sa kanya. Kinuha niya ang cellphone niya. Napatingin ako roon, kumunot ang noo ko nang mahagip ko ang lock screen niya.
That's my schedule!
In-unlock niya iyon, nahahagip pa rin ng mata ko iyon. Kumunot ang noo ko para matingnan mabuti ang wallpaper niya. Kaya pala pamilyar dahil ako iyon!
His wallpaper is my profile picture!
Nagtipa siya ng mensahe, hindi ko alam kung para kanino iyon pero pagkatapos niyang magtipa ay kaagad nag vibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko iyon, ako ang minessage niya.
Angelo Jo Castielle: you're in class?
Artemis Charelle Brioso: no
Kaagad niyang binitawan ang librong binabasa niya nang umilaw ang cellphone niya dahil sa message ko.
Angelo Jo Castielle: why? where are u?
Artemis Charelle Brioso: beside u.
Kumunot sandali ang kanyang kilay tiyaka dahan-dahan na tumingin sa banda ko. Napaawang ang labi niya sa gulat kaya napangiti ako tiyaka dahan-dahan tinaas ang kamay ko para mag peace sign.
"What are you doing here?" Manghang bulong niya. "You have a class."
Ngumuso ako. "Cutting." Nilagay ko pa ang palad ko malapit sa bibig ko para maibulong sa kanya na kunwari ay walang makakarinig.
"What?" Gulat na tanong niya. Bubuka pa sana niya ang kaniyang bibig para magsalita ang kaso nga lang ay itinaas ko na ang notebook.
"Things to do before I die." I winked.
Things to do before I die #2 Cutting: ✓