Prologue

1336 Words
"Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Trisha. Kakatapos lang ng prelims namin, nakaramdam ako ng pagkahilo pero kaagad akong tumango sa tanong niya. Si Trisha ang naging kaibigan ko simula first year college pa lang kami. Dahil siguro palagi kaming magkagrupo nung first year kaya naging close na kami. "Ang putla mo ngayon," she said. "Sigurado ka bang wala kang nararamdaman na kakaiba?" Bakas sa boses niya ang pag-alala. Marahan akong umiling sa kanya. I lied. "Wala. Kakatapos lang kasi ng exam kaya ganon!" Wika ko gamit ang masiglang boses para hindi na siya magtaka pa. Third year college na kami, isang taon na lang at makakapagtapos na kami ng pag-aaral. Gusto ko ng matupad ang mga pangarap ko sa buhay, gusto kong maranasan man lang ang trabahong pinapangarap ko. Dahil alam ko na hindi ganon kahaba ang buhay na binigay sa akin. Habang nasa jeep kami papuntang town ay nag-uusap kami ni Trisha tungkol sa exams. Ewan ko, mas gusto namin na pag-usapan ang mga sagot namin para hindi na kami ganon umasa na tama ang mga mali pala naming sagot. Sa may Bakakeng kasi ang Maryheight campus ng SLU kung saan nandoon ang mga tourism, business and computer related courses. Mas payapa keysa sa main campus na maraming estudyante. Pagdating namin sa town ay kaagad kaming naghiwalay ng landas ni Trisha. Sa Aurora Hill pa kasi ang bahay nila samantalang sa may Tacay Guisad kami nakatira. Pagdating ko sa bahay ay pumasok kaagad ako sa kuwarto ko para makapagpalit na ng damit. Naamoy ko na rin ang nilulutong pagkain ni tita para sa hapunan mamaya. Napaubo ako kaya hinaplos-haplos ko ang dibdib ko. Ilang buwan ko nang nararamdaman ito pero hindi ko na masabi pa kina tita. Nakakahiya na, marami na silang nagastos sa akin. Sa bahay nila ako rito sa Baguio nakikitira, nasa ibang bansa ang mga magulang ko pero madalang lang sa madalang kung magpadala sila ng pera kaya halos lahat ng nagagastos ko ay kina tita. Pati ang tuition at allowance ko. Nang maghapunan ay lumabas ako para sumabay sa kanila. Sa ibang bansa rin nagtatrabaho ang asawa ni tita kaya kami lang ang nandito kasama ang isa kong pinsan na nasa high school, anak nila. Nagkukuwentuhan lang kami sa hapunan hanggang sa natapos at pumasok ulit ako sa kuwarto ko. "Ma, may babayaran kami sa school." Dinig kong sinabi ng pinsan ko kay tita, malapit lang kasi ang kusina sa kuwarto ko kaya maririnig ko. "Maghintay ka, sa katapusan magpapadala na rin ang daddy mo." Saad ni tita. "Alam mo namang maraming bayarin iyang si ate Artemis mo. Mabuti nga at hindi na naghihingi ng pambili ng gamot." Napasinghap ako sa dahil don. Hindi na ako naghihingi sa kanya, ang akala nina tita ay may part time job ako at ako na ang gumagastos sa mga gamot ko. Pero ang totoo, hindi ko na pinagpatuloy pa ang maintenance sa gamot dahil masyadong mahal. Napapansin ko ang madalas na pag-ubo at pagsikip ng dibdib ko t'wing gabi. Kaya nang mag-Sabado ay pumunta ako sa Doctor ko para magpacheck up gamit ang mga naipon kong pera, hindi ko masyadong ginagastos ang allowance ko lalo na nang makaramdam ulit ako ng kakaiba sa katawan ko. Alam kong kakailanganin ko ng pera pang check up. Halos maubos ang pinag-ipunan ko dahil sa mga test na ginawa. Gusto ko lang malaman kung ano ang nararamdaman ko pero wala akong balak na ipagamot iyon, dahil kung tama ang hinala namin ni Doc—milyon na naman ang gagastusin. "Oh? Saan ka pupunta?" Tanong ni Trisha. Kakatapos lang ng klase namin. Napansin niya siguro na hindi ako humiwalay sa over pass sa kanya. Pupunta ako ngayon sa Notre Dame Hospital para kuhanin ang result, mabuti nalang din at may clinic doon si Doc kaya hindi na hassle. "May pinapakuha sa akin si tita sa may Mabini." Ngiti ko sa kanya. Tumango siya sa akin pagkatapos ay hinalikan na ako para magpaalam. Nang mag-isa na akong naglalakad, tahimik nalang ako. Ganto naman lagi, kapag nasa school at kasama ko lang ang kaibigan ko roon ako masigla pero ang totoo, nanghihina na ako sa kalooban ko. "I'm sorry to tell you this but you are diagnose with lung cancer." Hirap kong lunukin ang laway ko dahil sa sinabi ng doctor pero pinilit kong ngumiti tiyaka tumango. Kahit ang daming paliwanag at paalala sa akin ni Doc tanging pag-tango lang ang naisasagot ko sa kanya. Hindi na niya makuha ang atensyon ko dahil nanlalambot na ako sa narinig ko. Alam kong posible iyon. I was a jolly girl when I was in my senior high years pero biglang nagbago ang ihip ng hangin nang magkaroon ako ng breast cancer. Kaya bago ako maka-graduate ay nagpa-opera ako. And that was cost millions. Bumalik ako sa isang masiyahin at masiglang Artemis pagkatapos ng araw na iyon dahil nalagpasan ko—nalabanan ko. Pero habang nasa kalagitnaan ako ng second semester noong first year college ay bumalik ulit. Kaya kahit milyon ang gagastusin ay humanap ng paraan sina tita para makapagpa-opera ako ulit. At oo, both of my breasts are gone but at least I survive breast cancer. I even posted an inspirational message for those warriors who're still suffering from the said sickness because I thought I already overcame it. Pero ngayon, parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang balikat ko. Nasabihan na rin ako noon na maaring sa baga ko tumama ang cancer dahil nga wala na rin ang dalawang breast ko. Nanghihina akong napaupo sa isang bench ng hospital. Tinatanong kung saan ba ako nagkamali sa buong buhay ko bakit kailangan akong parusahan ng ganito. Unti-unting namuo ang mga luha sa mata ko hanggang tumulo ito, yumuko ako at pinabayaan ko lang tumulo ang mga iyon. Masama ang loob ko kasi akala ko iyon na eh, akala ko wala na. Akala ko magaling na ako, akala ko patuloy ang paggaling ko pero bakit kailangan pang bumalik? Bakit kailangan pa akong pahirapan ng ganito? Naging mabuting anak naman ako, nag-aaral akong mabuti para hindi masayang lahat ng perang ginastos sa akin. At alam kong hindi na namin kakayanin ang gastos ngayon na may sakit na naman ako. Bakit pa ako nabuhay sa mundo kung magkakasakit lang naman ako? Gusto kong humagulgol pero ramdam ko ang pagtingin sa akin ng mga dumadaan sa harapan ko. Gusto ko pang mabuhay. Gustong-gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang tuparin ang mga pangarap ko. Alam kong mahirap abutin ang pangarap pero bakit kailangan sobrang hirap naman ng pagdadaanan ko? Ang sakit kasi umasa ako na mamumuhay na ulit ako ng normal na kahit napakahirap niyan pasukin ng pangarap kong trabaho dahil sa naging sakit ko ay nagsusumikap pa rin ako. Pero bakit mukhang ayaw naman akong pasayahin ng tadhana? Mukhang kamatayan siguro talaga ang nakatadhana para sa akin. Dahil kahit anong laban ko kung iyon na talaga, wala na akong magagawa kung hindi tanggapin na lang. Tama, tatanggapin ko nalang na siguro hanggang dito na lang talaga. Na siguro hanggang imahinasyon nalang na maging isang flight attendant ako. Siguro hindi ko na kailangan umasa pang gagaling ako dahil ang sakit lang ngayong sinampal na naman ako ng katotohanan. I just wanted to live but I think it's really not meant for me. "You're too beautiful for you to cry." A man sitted beside me. Umangat ang tingin ko tiyaka ko siya tiningnan. He handed me his handkerchief, wala sa sariling tinanggap ko iyon dahil wala akong dalang panyo. Kumunot ang noo ko, pamilyar ang itsura niya na tila ba nakikita ko na siya sa araw-araw pero hindi ko alam ang pangalan niya. Mula sa kanyang kilay, bilog na mata, matangos na ilong at mapupulang labi—alam kong nakita ko na siya kung saan. "Artemis Charelle Brioso." He called me by my full name. Kumunot ang noo ko kasabay ng pagtaas ng kilay ko. "Who are you?" "Angelo Jo Castielle."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD