Chapter 7(Part 2) Party Pabagsak akong umupo sa upuan dito sa canteen sa may third floor, kakatapos lang kasi namin mag meeting ng mga ka-group ko. Sinabi ni Triscia na nandito siya sa canteen dahil ginugutom siya, kaya kaagad ko siyang nakitang mag-isa sa isang mahabang lamesa na seryosong kumakain. Kaya eto ako ngayon nasa tabi niya. “Gusto mo?” Nilapit niya pa ang plato na may lamang spaghetti sa akin pero kaagad akong umiling, nakapag breakfast na kasi ako kanina kaya medyo busog pa ako dahil don. “Buti ikaw lang mag-isa?” Nakakapanibago kasi wala si Allan na maingay, parang nasanay ang tenga ko na naririnig ang bunganga niya. Nang Sunday rin ay umakyat na kami pa-Baguio since may pasok na kami kahapon, Monday. Puro discussion lang ang naganap kahapon tapos puro activity naman

