Chapter 1

2988 Words
Tulala at kanina pa paikot-ikot sa kanyang swivel chair na inuupuan si Julian. Nasa sentido niya ang kanyang dalawang daliri. Bahagyang hinihilot-hilot ito. Mababanaag sa kanyang mga mata ang pagkabalisa at pag-iisip sa kinakaharap na problema. Itinipa-tipa niya ang isang paa sa sahig na tiles ng kanyang opisina. Nagbigay iyon ng kakaibang ingay na bumasag sa apat na sulok ng kanyang tahimik na silid. Ilang sandali pa ay tumayo siya, nameywang at paulit-ulit na umiling. "What the hell you are doing Julian?" usal niya sabay buga ng malalim na hininga, "Hindi dapat ako nagbitaw ng ganung salita kay Lola." Sa kanilang barkada ay ni isa ay wala pang naglalakas loob na mag-asawa. Iisa ang katwiran ng bawat isa sa kanila. Hindi pa sila handa sa resposibilidad ng isang lalaki bilang may asawa. Pamartsa siyang nagtungo sa sofa. Pasalampak na naupo dito at pasapak na inilagay sa mukha ang kanyang isang palad. Malinaw pa sa kanyang balintataw ang araw na nagsimulang banggitin ng kanyang Lola ang tungkol sa kanyang pag-aasawa. Iyon at noon time na na-hospital ito at tuluyan nang igupo ng sakit sa kanyang de gulong na silya. Mabilis na umangat ang kanyang tingin nang biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa noon ang dalawang kaibigan na kapwa nag-o-opisina sa building na kanya ring kinaroroonan. "Anong problema Juls?" si Lacim ang pusikat na babaero sa kanilang grupo, tumuloy ito at agad naupo sa kanyang tabi. "Huwag mong sabihin na tungkol na naman iyan sa iyong pag-aasawa?" malakas itong humalaklak. "Sa tingin mo may iba pa bang problema iyan?" si Mico ang madalas na sabihan na desperado sa kanilang grupo. Tumuloy ito sa kanyang maliit na ref at kumuha ng coke in can. "Simple lang naman iyan, ibigay mo na ang gusto ni Lola, Julian." anito pagkatapos lumagok ng inumin, naupo na rin sa kanilang tabi. Walang emosyon na tiningnan silang dalawa ni Julian. Naiiling habang sinisipat ang itsura nilang sa kanyang paningin ay hindi kagalang-galang at pinagpipitagan. "Anong ginagawa niyong dalawa sa opisina ko?" kaagad na angil siya sa dalawa. "Ano pa nga ba?" si Lacim na agad kinuha kay Mico ang lata ng coke, walang imik na lumagok siya dito. Tumayo si Julian, hinubad ang kanyang suot na coat at isinampay iyon sa likod ng kanyang inabandonang upuan. "Kung tutuusin madali lang naman iyang problem mo." si Mico na ibinato ang wala ng lamang lata sa malayong basurahan, pumasok ito sa loob. "Ibigay mo ang gusto ni Lola. Mag-asawa ka na. Tapos ang iyong problema." Agad nagsalubong ang makapal na mga kilay ni Julian sa sinabi ng isa sa kanyang kaibigan. "Tapos saka mo i-kontrata iyong babae na magiging asawa mo." si Lacim na tumayo na sa pagkakaupo, inayos ang bahagyang nagusot na manggas ng kanyang suot na white polo. Nabaling ang atensyon sa kanya ni Julian, bahagyang umaliwalas ang mukha. "Kontratahin mo na oras na mawala na sa mundong ito si Lola ay makikipag-divorce ka na sa kanya." "Ipinapanalangin mo ba na sana ay mawala na si Lola?" pabirong sapak niya sa balikat ni Lacim, "Ang sama--" "Lahat naman tayo ay mamamatay!" hirit nito na mabilis lumayo sa kanyang kinatatayuan. "Tara na, gutom na ako." dagdag nito na nagmamadali nang lumabas ng pintuan. Sabay na silang humakbang ni Mico palabas ng kanyang opisina. "Kung iisipin mong mabuti, may punto naman si Lacim." anito, pinapagpag ang poweder na nakadikit sa kanyang suot na coat. "Tapos, mangako ka sa kanya na hahatian mo siya sa mga ari-ariang ipapamana sa'yo ni Lola. Hindi ka naman siguro mamumulubi kung bibigyan mo siya ng share." Habang nasa elevator ang tatlo ay nahulog na naman sa malalim na isipin si Julian. Hindi niya ma-imagine ang sarili na magpapatali sa isang babae na hindi niya naman gusto. "Iyon ang buong akala niyo na madali lang," aniyang hinarap ang dalawa na abala na sa usapang magandang babae. "Gusto ni Lola na magkaroon siya ng apo sa lalong madaling panahon." Nakuha niya ang atensyon ng dalawa na naiwan sa ere ang walang kwentang pinag-uusapan. "Iyon lang ang malaking problema natin." si Lacim na malakas nang tumatawa. "Paano iyon, hindi ko ba sasabihin doon sa babae na after ni Lolang mawala ay hiwalay na kami? Paano ko bibigyan si Lola ng apo kung hindi ko siya legal na asawa? I'm sure walang sinumang babae ang papayag na malalaman nalang niyang i d-divorce ko siya after na mapakinabangan." "E paano kung mamili ka nalang doon sa mga babaeng naging ex-girlfriend mo?" patuyang tanong ni Lacim, "Sigurado akong papayag ang isa sa kanila sa galanteng offer mo." "Ayoko, tapos na ako sa kanila." Kuro na tumawa si Lacim at Mico habang magkahinang ang mga mata. Naninibago sila sa gawi ng kanilang kaibigan. "Wala kang ibang choice Julian, may mga ex ka naman na ang habol lang sa'yo ay pera?" si Mico, "May kilala ka?" "O sige, ipagpalagay na natin na mukhang pera 'yong isa sa kanila." halukipkip ni Julian sa kanilang harapan sabay sulyap sa kulay pulang numero na nasa itaas na bahagi ng elevator, "Paano iyong pagkakaroon ko ng anak? Hindi ko naman maaatim na gamitin sila nang paulit-ulit." "Sus, kung makapagsalita ka naman Julian parang hindi mo sila natikmang lahat." si Mico sabay sulyap kay Lacim na halos mamilipit na sa pagtawa. "Alam namin na matinik ka pagdating sa mga babae, kung kaya't hindi kami maniniwalang hindi mo nagalaw man lang ang isa sa kanila." Kapansin-pansin ang agarang pamumula ng magkabilang tainga ni Julian. Hinaplos niya ng isang kamay ang naka gel na buhok upang kumuha doon ng kapal ng mukha at lakas ng loob. "It's not the point. Ang sa akin ay ayokong magkaroon ng anak sa babaeng hindi ko mahal." "E sino bang mahal mo?" si Lacim na lalo pang lumakas ang hagalpak, "Kilala ba namin iyan? Ay oo nga pala, mayroon na siyang mahal na iba." Muling napuno ng malakas na tawanan nilang tatlo ang loob ng pribadong lift. Maging si Julian ay nakitawa na rin sa kanila. Pilit itinatago at hindi alintana ang saglit na pagdaan ng kinikimkim na sakit sa kanyang nilulumot ng dibdib. Sa kanilang panlabas na hitsura ay all grown up men na sila. Pero sa asta ng kanilang ugali ay hindi iyon nalalayo sa isang teenager na nakagawian. Lumabas silang tatlo sa lift nang bumukas ito at dalhin sila sa pinakababa nitong palapag. Kung saan nandoon ang cafeteria ng naturang building na pag-aari ni Donya Juliana. Ito palang ang establishment na ipinagkatiwala sa kanya ng matanda. Ang opisina ng mga silk at gawaan ng garments. Ika ng matanda ay oras na magkaroon na siya ng asawa ang lahat ng kanilang ari-arian ay kanya nang ipapamana. Mula sa sinaunang batong mansion na nakatayo sa Baguio, hanggang sa maliit na mga villa na pag-aari ng kanilang buong pamilya. "E ano bang hinahanap mo?" tanong ni Lacim pagkaupo nila sa malayong lamesa sa cafeteria, "Hindi ba at pekeng asawa muna?" humina ang kanyang tinig sabay linga sa crowded na paligid. "Saka mo na hanapin iyong babaeng mahal mo kapag hiwalay na siya doon sa bago niya." "What the f**k Lacim?!" mahina ngunit may diin nitong tanong, "Dude, seryoso ako sa problemang ito." "Seryoso rin naman ako--sa kanya nga lang, hindi sa'yo." tumawa ito na bahagyang nakaagaw ng pansin sa mga empleyado, "Seryoso na ako dude, pasensiya na." anitong nagsimula nang kumain, "Kung anak naman ang prino-problema mo. May kilalang OB-Gyne si Mico, pwede tayong magpatulong sa kanya. Let say makakapag-provide siya ng legal na papers." Nagsimulang kumain si Mico, walang pakialam sa dalawang malapit nang magkapikonan sa kanyang harapan. Wala sa sariling tumango si Julian sa suhestiyon nito. Nang tumahimik ang kausap ay sinimulan na rin niyang kumain ng tanghalian. Si Lacim ay kagaya niya na kilala sa pagiging pusikat na babaero. Ang iba pa sa mga naging ex-girlfriend niya ay nagiging ex rin nito. Iyon nga lang may pansarili itong rason, samantalang siya ay nature na magmula nang makaranas ng kasawian. Sa unang pag-ibig, sa unang babaeng kanyang minahal at pinahalagahan. Hanggang sa mabansagan sila na bachelor chickboy in town. Si Mico ang pinakamatino sa kanilang tatlo. Hindi siya papalit-palit ng babae, dahil madalas siyang maging desperado dito. Ika nga ng kasabihan na kapag natamaan ka ng pana ni Kupido wala kang ibang choice kundi ang patuloy na mahalin ito. "Nagkita na ba kayo ni Brenda?" walang prenong tanong ni Mico na ikinaangat ng mukha ng dalawang kasama, nangunot ang noo nito sa gulantang na reaction ng dalawa. "Aah, hindi niyo pa ba siya nakikita?" Mabilis na nabitawan ni Julian ang hawak nitong tinidor. Hinagilap niya ang baso ng tubig at mabilis na lumagok dito. Nabitin naman sa ere ang tangkang pagsubo ng kanin ni Lacim. Iba ang hatid ng pangalang Brenda kay Julian, nakakaramdam pa rin siya ng labis na sakit na may kahalong labis na galit. "Nasa ibang bansa iyon, dude." tugon ni Lacim, mabilis isinubo ang kutsarang bahagyang nabitin. "Paano sila magkikita?" "Dude, yesterday we bumped to each other sa market, you know ang simpleng si Brenda ngayon ay wala na." kwento nito na parang walang nasasaktan sa kanyabg harapan, "Marami ang nagbago sa kanya pero nananatili pa rin ang kanyang ganda." "Ano namang ginagawa mo sa palengke?" pilit pag-iiba ni Lacim ng kanilang topic, "Hindi ka naman--" "Mayroon lang akong sinamahan doon." "Sus, desperado ng taon." anitong nagpatuloy sa pagkain. Nawalan na nang ganang kumain si Julian, itinulak niya palayo ang tray na nasa kanyang harapan. Tumayo siya upang umalis. "Tapos ka na dude? Saan ka pupunta?" "Sa smoking area." maikli nitong tugon. "Isama mo ako, tapos na rin ako." anitong nagmamadaling isinubo ang huling hibla ng ng hiniwang manok, "Mico, sumunod ka nalang sa amin kung nais mo." baling nito sa kasama na naguguluhan sa agad nilang pag-alis. Malakas na hithit at buga ang paulit-ulit na ginawa ni Julian sa hawak na stick ng sigarilyo. Nasa may sulok na bahagi sila ng halamanan na ginawang smoking area ng mga employee. Maingay na tumutunog ang candy na nasa bibig ni Lacim, wala siyang tangang sigarilyo. Nais niya lang samahan ang kaibigan. Sa tagal ng kanilang pinagsamahan ay kilala niya na ito. Kapag may malalim na iniisip o di kaya naman ay nai-stress saka lang ito humihithit ng sigarilyo na matagal niya ng tinigilan. "Julian, gusto mo ng candy?" lahad niya sa ilang piraso ng max na nasa kanyang palad, "Pantanggal amoy." Umiling ito bilang pagtanggi sa kanyang naging alok. Binalot sila ng nakabibinging katahimikan. Patuloy na kumalat ang usok ng sigarilyo na mula mga daliri ni Julian. Pinitik-pitik niya ito upang matanggal ang kumakapal na abo. Sa kanyang isipan ay hindi niya matanggap na muli niya itong makikita. Pagkaraan ng mahabang taon, pagkaraan ng masakit na mga taon. "Good thing rin na bumalik siya." basag sa katahimikan ng kanyang kasama, "What if siya nalang ang iyong gamitin?" Mabilis ang kanyang naging pag-iling. Ni makita ang nagbagong maamong mukha ng dalaga ay naduduwag na siya. Iyon pa kaya na muli niyang papasukin ito sa kanyang buhay? Hindi siya papayag na muli siya nitong saktan ng walang laban. "Ayoko.." mahinang tugon nito, "Hindi siya, iba nalang." Hindi sumagot ang kanyang katabi. Batid nito ang sakit na ginawa ng babae sa damdamin ng kaibigan. Saksi sila ni Mico sa masakit na kabiguan nito, nang umalis ng bansa si Brenda. Lumingin siya sa banda ni Lacim nang mariin at maingay nitong kagatin ang candy na nasa kanyang bibig. "Sige, kung ayaw mo." Mabilis na tumayo si Julian pagkatapos itapon ang dulo ng naupos na sigarilyo. Inilahad niya ang dalawang kamay kay Lacim. Umiling ang lalaki at pagak na tumawa sa kanya. Inilabas niya ang alcohol sa bulsa at ini-spray iyon sa mga kamay niya. "Freak!" aniya na ini-umang ang alcohol spray sa kanyang mukha, "Hindi bagay sa'yo ang ganyan kaseryosong mukha Julian!" Bahagya siyang tumawa sa naging biro ng kaibigan. Isinilid niya na sa magkabilang bulsa ng pantalon ang dalawang kamay. "Balik na ako sa aking opisina." paalam niya. Habang papasok sa building ay muling sumagi sa kanyang isipan ang tungkol sa babae. Kung gagamitin niya ito ay maaari siyang makaganti sa mga kasalanan nito. Subalit, paano kung siya na naman ang matalo at mahulog? Sakit na naman ang kanyang sasapitin sa kamay ng dalagang minsan niyang inibig. At isa pa sigurado siya na hindi ito papayag sa kanyang offer. Ang pamilya nito at si Donya Juliana ay magkasing-yaman. Unless, mawala ito sa sarili at pumayag sa kalokohan niya. Pasakay na siya ng lift upang bumalik sa opisina nang matanaw niya hindi kalayuan si Mico. "Dude, si Lacim?" "Nasa smoking area pa, pupuntahan mo?" Tumango ito sabay tapik ng mahina sa kanyang isang balikat. Habang nasa loob ng elevator ay mapait siyang ngumiti sa kanyang malabong repleksyon sa pader ng naturang lugar. Brenda cheated, ipinagpalit siya nito sa iba habang naka in a relationship pa silang dalawa. Niloko siya nito at iyon ang hindi matanggap ni Julian sa loob ng mahabang panahon. Malalim siyang muling nagbuga ng hininga nang maalala na tanggap siya nito, ang lahat ng magaspang niyang ugali. Nakakaramdam pa rin siya ng panghihinayang sa kanyang kalamnan. Nanghihinayang siya dahil sa tingin niya noon ay ito na ang nag-iisang babae na karapat-dapat sa kanya. "Definitely not her, hindi si Brenda." bulong niya bago tuluyang lumabas sa elevator na malawak na ang bukas. "Sir Julian, heto na po ang mga papeles na ipinapakuha niyo sa akin." salubong sa kanya ng kanyang sekretarya. Pilit siyang ngumiti habang tinatanggap ang nakalahad na folder. "Salamat." Pagdating sa opisina ay naupo siya sa swivel chair. Isinandal ang buong katawan dito at marahang ipinikit ang mga mata. Sumipa siya nang mahina, iyon ang naging dahilan upang marahan at mahinang umikot ang kanyang katawan. Brenda is back at problemado siya sa hiling ng kanyang Lola. Mga salitang paulit-ulit na dumadaan sa kanyang magulong isipan. Idinilat niya ang kanyang mga mata at agad ngumiwi nang makaramdam ng pananakit ng kanyang sentido. Hinila niya ang maliit na cabinet na nasa gilid ng kanyang mesa. Hinila niya mula sa loob nito ang isang banig ng gamot. Gamot iyon sa sakit ng ulo na ini-reseta sa kanya ng family doctor nila. Kumuha siya ng isang piraso at inilagay iyon sa kanyang bibig. Tumayo siya upang kumuha ng bote ng tubig sa maliit na ref. "Hello Aleigh?" sagot niya sa kanyang nag-vibrate na cellphone na nasa bulsa ng suot na trouser, "Napatawag ka?" "Senyorito, ipinapatong po ni Senyora kung kumain na kayo ng tanghalian?" anang personal caregiver ng kanyang Lola. "Tapos na, nasaan si Lola?" "Ganun po ba? Sige po, sasabihin ko kay Senyora." Humakbang siya pabalik sa iniwang swivel chair. Nasa tainga pa rin ang hawak na cellphone. "Nagpa check up ba kayo ngayon?" "Opo Senyorito, plano po sana ni Senyora na sabayan ka." "Okay, pero tapos na akong kumain." aniyang tinanggal ang dalawang paa sa balat na sapatos, "Pwede ko bang makausap si Lola?" "Sige po, teka lang." Ilang sandali lang ang kanyang hinintay bago tuluyang marinig ang tinig nito. "Julian? Kumain ka na daw?" "Opo Lola, bakit ngayon lang kayo tumawag?" "Nakalimutan ko rin, saka ko lang naisip nang matanaw mula dito sa hospital ang ating building." "Umuwi na po kayo, sa mansion na kayo kumain ni Aleigh." "Naku, hindi." pagtutol niya, "Kakain kami sa labas ni Aleigh." Mahina siyang tumawa sa naging asta ng matanda. Ngayon lang ito nagkaroon ng kasundong tagapag-alaga, maliban sa matagal na nitong caregiver na si Aling Guada. Labis itong attached kay Aleigh na para niya ng sariling apo ang turing. "Sige po Lola, mag-iingat kayo pauwi." Pagkamatay ng tawag ay siya namang bukas ng kanyang pintuan. Mabilis siyang tumayo, nang makita ang dalawang kaibigan na kapwa naguguluhan ang mukha. "Moody, you won't believe us!" si Lacim na pinagpapawisan. "Anong ibig mong sabihin?" "Nakita namin siya!" si Mico na natataranta. Kumabog sa labis na kaba ang dibdib ni Julian, alam niya na ang sinasabi ng dalawa ay tungkol sa babaeng laman ng kanyang isipan kanina. "S-Saan niyo nakita?" "Sa lobby." sabay na saad ng dalawa. Mabilis na isinuot ni Julian ang sapatos na hinubad. Hindi niya maintindihan ang excitement na bumabalot sa kanyang sarili. Galit siya sa kanya, pero agad iyong natabunan na nandito na siya. "Pero sa tingin ko pinaalis na iyon ng guard." si Mico na tinungo na naman ang maliit na ref, muling kumuha ng dalawang maiinom. "Bakit paaalisin?" "Sinabihan ni Lacim ang guard na huwag na huwag siyang palalagpasin." nguso nito sa lalaki na kakaiba na ang ngisi. "Chickboy?" pabirong saad niya na nakatingin kay Lacim. "Bakit Moody?" tanong nito, nakangisi na. "Hinihintay mo ba ang unang target natin sa oplan pekeng kasal mo?" "Si Brenda?" singit ni Mico na agad nasamid sa iniinom na softdrink, "Ibig mong sabihin may plano kang balikan ang babaeng iyon Julian?" Pabalya siyang naupong muli sa kanyang swivel chair. Nanghihinayang na naman sa excitement na naramdaman. "Wala akong sinabing ganyan." "Dude, it's a prank!" nakangisi at sabay nilang saad. Mabilis na tumayo si Julian sabay hubad ng suot na sapatos. "Prank pala ha? Prank lang iyon?!" "Yes Moody," si Mico na natatapon na ang softdrinks na hawak. "Chickboy! Desperate!" umaalingawngaw na saad niya. Sa isang kisapmata ay parang naging mga bata na naman sila sa loob ng opisina ni Julian. Mga grown up men na sinapian saglit ng kanilang kaluluwang pang teenager na nababalot pa ng kawalang malay at labis na kamusmusan. Kapwa hinihingal ang tatlo nang tumigil sa paghahabulan. Isa-isang pinalo ng sapatos sa ulo si Lacim at Mico na kapwa malakas na tumatawa sa inasal niya. "Pwede naman siya, kung nanaisin mo." si Mico na gulong-gulo ang buhok. "Oo nga, susuportahan ka naman namin." si Lacim na tumayo na. Tumayo na rin si Julian at tumalikod sa kanila, sabay usal ng mga salitang nagpa-udlot sa dila ng dalawa niyang kasama. "Kung hindi niya ako niloko at sinaktan, hindi ko lang siya basta gagamitin sa aking pansariling dahilan. Siya na mismo ang aking gagawing asawa, ihaharap sa altar at magdadala ng aking apelyido."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD