Chapter 6

1908 Words
MAINIT. MABANGO. MALAMBOT. Gano'n pa rin ang naramdaman ko. Hindi pa rin nagbago no'ng unang beses na naglapat ang aming mga labi. Pinikit ko ang aking mga mata para namnamin ang sandali kaya lang biglang humiwalay ang mga labi ni boss Asul. Nakangisi na siya ngayong nakaharap sa akin. Nakasandal pa rin ako sa likod ng pinto. "Madali akong kausap," sabi niya. Paos ang boses. Natutop ko ang aking bibig nang ma-realize ko ang aking sinabi. Did I just tell him to kiss me?! Nakaramdam ako ng hiya kaya nanakbo ako sa kung saan. Bahala na basta magtatago muna ako. Pakiramdam ko kasi nakalunok ako ng sampung sili. Bakit ko ba kasi nasabi 'yon nang malakas? Baka hindi magtagal ay mahahalata niya nang type ko siya. Eh 'di tuwang-tuwa siya. Dalagang Pilipina pa rin ako after all, 'no. Ano siya, sinusuwerte? Kung gusto niya akong halikan, ligawan niya muna ako at sasagutin ko siya. "Hey!" rinig kong sigaw ni Boss Asul mula sa labas. Tinakpan ko ang aking mukha. Nagtago ako sa loob ng closet niya. Pakiramdam ko nga nandito pa rin sa labi ko ang kanya. Naamoy ko 'yung mga damit sa loob ng closet, kaamoy ni Boss. Lalo tuloy akong nang-iinit. Hay. Mayamaya ay may naulinigan akong pagbukas at pagsara ng pinto. Bigla rin may bumulagang mukha sa harapan ko kaya napatalon ako. "Ay, hotdog ni Juan!" Tumalon ako palabas sa sobrang pagkagulat. Paano'y nakatapis pa rin si boss. Nakapasok pala siya sa loob kuwarto niya. "Bakit kay Juan pa? Puwede namang akin," sabi niya. Lumapit siya sa'kin kaya umatras ako. Balak niya yatang halikan ako ulit. Ngek ngek niya! Matitikman niya muna ang lupit ng kamao ko. "Mas bet ko po ang kay Juan kasi malaki..." Humakbang ulit ako paatras. "Tapos mahaba..." Atras ulit. "Malaki rin naman 'yung akin, ah. Mahaba rin," katwiran niya. Aatras pa sana ako ngunit naramdaman ko ang pinto sa aking likod. Ikinulong niya ako sa magkabilang braso niya. Napalunok ako. "K...kay Juan pa rin po ako." Umigting ang kanyang panga. "At bakit?" Iniwas ko ang aking tingin. Ang init ng kanyang hininga ay tumatama sa aking noo. "Kasi tender juicy." Pumaling ang kanyang ulo. Pagkuwa'y umalis siya sa harapan ko. Naiwan akong naestatwa. Napahawak ako sa aking labi. Pangalawang beses nang ninakaw ni boss ang first kiss ko. First kiss pa rin ba 'yon? Sinampal ko ang sarili ko. Bakit ko ba kasi hinayaang halikan niya ako? Hindi ko siya asawa. Hindi ko siya boyfriend. At lalong hindi ko siya mahal! Crush lang nang slight. Tsk! "Come." Bigla niya akong hinila kaya nabalik sa kasalukuyan ang aking pag-iisip. Ngayon ko lang napansin na nakabihis na pala siya. He's wearing a black armani suit. Lalo tuloy akong nagmumukhang katulong sa suot kong fitted jeans at long sleeved loose blouse. Makapag-gown nga bukas. "Sa'n po tayo pupunta, Sir?" Hinarap naman niya ako. "Sa kusina." "Po? Eh, hindi n'yo naman ako kailangan hilahin, Sir. May paa po ako, hindi n'yo ba nakikita?" Tumigil siya at bumuntong hininga. "I have something to show you." At hinila niya ako ulit. Huwag niya sana akong hilahin sa gilid ng bangin. Ayaw kong ma-fall 'no. "Ano po ba ang ipapakita n'yo? Huwag n'yo pong sabihin na ipapakita n'yo sa'kin 'yung 2x2 ninyo?" "What?" Nagsalubong ang kanyang kilay nang humarap siya sa'kin. "Ikaw, Sir, ha. Nakakahalata na ako. Ano ba kasing ipapakita 'yo sa'kin? I hate surprises, you know." Bumuga siya ng malalim na hininga. Naiinis na yata sa'kin. Buti nga sa kanya. Hindi siya consistent sa rules niya, kailangan pang i-remind. Hmp! "Tender juicy hotdog," bored niyang sagot. Sinuntok ko siya sa mukha. ----- "DO YOU have an appointment with Sir DB, Miss?" Umirap ako sa babaeng nasa reception area, pero siyempre sa isip ko lang. Baka bigla akong ipakaladkad palabas ng building, mahirap na. Sayang naman itong niluto ko para kay Boss. "Ahhh---" "What? Wala kang appointment? Hindi ka puwedeng umakyat sa floor ng COO, you better leave--" "Katulong po niya ako. At tinawagan po niya akong dalhan siya ng pananghalian," agap kong sagot. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Tiningnan ko rin siya pabalik para quits. Hindi yata siya kumbinsidong katulong ako ni Boss Asul. Mukha raw akong tisay, sabi ni Nanay. "Sigurado ka ba? Baka mamaya isa ka sa mga malalanding naghahabol kay Sir DB, tapos manggugulo ka lang do'n." Umismid ako, sa isip ko lang ulit. "Mukha po ba akong malandi?" malumanay kong tanong. "Hmm... Hindi naman. O siya, umakyat ka na sa taas. Pero oras na hindi ka nagsasabi ng totoo, malalagot ka sa'kin, naiintindihan mo ba?" "Oo naman po, Ma'am. Hindi po ako kagaya ng iniisip ninyo." Ngumiti pa ako para magmukhang mabait. Ang dami pa niyang satsat. Mas malala pa siya kay Boss Asul kung umasta, ha. Pasalamat siya gusto kong magbati na kami ni Boss, kung hindi, tatalikuran ko siya. Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan si Boss. Inayos ko ang aking buhok nang makita ko ang reflection ko. Hindi naman totoong tinawagan ako ni Boss Asul para dalhan siya ng makain, eh. Kailangan ko lang humingi ng sorry sa kanya, baka kasi magulat na lang ako na sisantehin niya ako mamaya pagkauwi niya. Puro glass cubicles ang sumalubong sa paningin ko pagkalabas ko pa lang ng elevator. Dati sa Korean drama ko lang ito nakikita, pero ngayon, ramdam ng anit ko ang lamig na ibinibuga ng aircon nila. Feeling ko may lahing kalabaw ang mga tao rito, ang titibay ng mga balat sa lamig. Inilang hakbang ko ang pintong may nakalagay na printed bold letters sa labas. OFFICE OF THE COO "Excuse me? Anong kailangan nila?" Hindi ko natuloy ang pagpihit ng pinto nang marinig ko ang matinis na boses na iyon. Isang naka-black spring long sleeve at suit pants na babae ang sumalubong sa akin nang lumingon ako. Tantiya ko ay nasa mid-30's na siya. Nakatali ang kanyang buhok kaya nagmumukha siyang istrikta sa paningin ko. "Ah-- kwan, ihahatid ko lang po ito." Itinaas ko ang dala-dala kong paper bag na may lamang pagkain. Tinaasan lang niya ako ng kilay. "Who are you?" tanong niya. Tonong maldita. "Kailangan ba talaga may 'introduce yourself'? Ang alam ko hindi naman first day of class, 'di ba?" painosenteng tugon ko. Wrong move. Biglang umusok ang kanyang ilong at naningkit ang mga matang nakapukol sa akin. Namewang siya at parang kakainin ako nang buo. "Get lost!" "Huh?" "Bingi ka ba? Anong kailangan mo kay Sir? Imposibleng magka-appointment siya sa isang katulad mo." "Ipinagluto ko siya ng pananghalian, okay? Kaya papasukin mo na ako. Ikaw rin, magugutom ang boss mo, gusto mo bang kainin ka niya nang buhay?" sagot ko naman ngunti hindi yata siya natinag. Ipinakita ko pa sa kanya ang dala ko pero tiningnan lang niya ako nang masama. "Sinungaling, get lost! Kung sino man ang nagpapasok sa'yo rito, malalagot siya kay Sir DB. Wala siyang appointment for today. Kakabigay ko lang sa kanya ng order niyang lunch, kaya umalis ka na! Malamang isa ka sa mga lintang naghahabol sa kanya!" Aba! Ambisyosang ipis! Ang kapal ng pagmumukha niyang tawagin akong linta! Kinuyom ko ang aking kamao. Pinukol ko siyang ng masamang tingin. Iyong masamang-masama. Sinigurado kong lumilitid ang ugat ko sa noo at galit na galit. Humakbang ako ng kalahati. Napaatras naman at mukhang natakot. "How dare you!" madiin kong sabi. Muli siyang napaatras. Takot nga siya. Kamehame Wave! Nang medyo nakailang hakbang na paatras ay saka ko tinakbo ang pinto kng executive's office. Pinihit ko ito at tumakbo papasok. "Hoy! Bumalik ka rito!" Dinig ko pa ang tili niya bago ko tuluyang naisara nang pabagsak ang pinto. Hawak-hawak ko ang aking dibdib nang tuluyan na akong makapasok sa loob. Sumandal muna ako sa likod ng pinto. Ang hirap naman pala pumasaok sa office ni Boss. Ang dami ko pang pinagdaanang mga amasona. "Pft!" Napaangat ako ng tingin nang marinig ako mahinang tawang iyon. Napangiwi ako nang mapansing ang dalawang pares ng mga matang nakatingin sa'kin. Ngunit namilog ang mga mata ko nang makita ang clone ni Boss Asul! Magkamukhang-magkamukha sila! May kakambal pala siya! "G--good morning mga Sir!" Sumaludo ako. Nakaupo sa visitor's chair ang kamukha niya. Nakasuot ng dark tattered jeans ang isa at may makapal na itim na jacket. Mukhang badboy na ewan. Sinalakay ako ng kaba nang magtama ang maga mata namin ni Boss Asul. "What are you doing here?" Itinaas ko naman ang dala kong paper bag. "Lunch po, Sir. Ipinagluto po kita." "I didn't ask you to cook for me." "Peace offering, Sir. 'Di ba halata?" sagot ko. Humalakhak iyong kakambal niya. Sinamaan siya ng tingin ni Boss. "Allenda, right?" Tumayo ang lalaki at nilapitan ako. Nag-offer ng handshake. Inabot ko naman. "Paano n'yo po nalaman ang pangalan ko?" tanong ko. May naglalarong ngiti sa kanyang mga labi. Hindi ko matukoy kung ano. Ako lang ba o nagkita na kami dati? Hindi ko lang maalala kung saan. "I have my ways," cool niyang sagot. "Ahh.." Tumago-tango ako. "I'm Dark Red, Dark Blue's twin brother," aniya ulit. Madaldal siya at palangiti. Hindi katulad ni Boss Asul na pasan ang buong universe. In fact, masama na ngayon ang tingin niya sa'kin. "Obvious nga pong magkakambal kayo. Hehe. Kambal na krayola." "You're funny," komento no'ng Dark Red. Alanganin akong ngumiti. Isinabit ko sa kabilang tenga ang hibla ng buhok na tumatabing sa pisngi ko. "At maganda. Opo, alam ko na iyon, matagal na," sagot ko. Humalakhak siya. Isang tikhim ang nagpatigil sa amin. "Oh, Boss, bati na tayo, ha? Ipinagluto pa naman kita ng adobo." Lalong tumalim ang tingin niya sa'kin. Infairness, ang guwapo pa rin niya kahit may pasa siya sa ilalim ng kanyang kaliwang mata. Napalakas yata ang suntok ko kanina. Siguro kaya niya ako nilayasan kanina kasi nasaktan nga siya. "I already have my food," plain niyang sabi. Na parang hindi talaga interesado sa dala ko. "Sus, mas masarap naman itong luto ko, Sir." Naglakad ako at ipinatong sa kanyang mesa ang paper bag. "Tsaka... sorry na po talaga. Hindi na kita susuntukin sa susunod." Kukurutin na lang. Gusto ko sanang idagdag. "Pft! Oh, geez! This is hilarious!" Nagpipigil sa tawang sabi ni Sir Dark Red. "Pero kung ayaw n'yo ho ng niluto ko, ibibigay ko na lang ito kay Sir Red... Oh, sa'yo na po ito." Nagliwanag ang mukha ng pulang krayola. "Really? Salamat, Allenda!" Iaabot ko na sana sa kanya ang pagkain kaya lang pinigil ni Boss Asul ang kamay ko. Nagulat ako nang mapansing nasa tabi ko na pala siya. "This is mine," aniya at kinuha iyon sa kamay ko. "Wait, Bro. Ang sabi mo may pagkain ka na. Akin na 'yan," awat ni Sir Red. "Shut up and leave." Tiningnan siya nang masama ni Sir Asul kaya itinaas niya ang kanyang kamay bilang tanda ng pagsuko. "Okay, fine. Ang damot mo. Sa labas na nga lang ako kakain. Let's go, Allenda. Ililibre kita. I want to talk to you para naman makilala kita," yaya ni Sir Red. Ngumiti ako at tinanguan siya. "Libre ba kamo, Sir? Sus, hindi ako tatanggi," sagot ko. Tumawa siya ulit. Ngunit hindi ko nagawang ihakbang ang aking mga paa dahil bigla na lang akong hinapit ni Boss Asul sa baywang. Hinarap niya si Sir Red. Madilim ang kanyang mukha. Singdilim ng kanyang pasa. "You go alone. Allenda will stay here. She is mine." Namilog ang mga mata ko. Ang bunganga naman ni Sir Red ay naka-perfect O. ©GREATFAIRY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD