9

1295 Words
CHAPTER 9 Her POV NATUTULOG ako ng mahimbing ng biglang nambulabog tong si Tukmol. "Abnoyyy gising na." Dinig kong sabi ni tukmol habang niyuyogyog ako. "Bat ba ang aga aga mong mambwisit tukmol?! Tyaka pano ka nakapasok sa kwarto ko ha?! Nakalock yan eh!" Pasigaw kong tanong sa kaniya. "Malamang hiningi ko kay Tita Carms yung duplicate Abnoy, Tsk." "Lumabas ka nga dito sa kwarto ko di ka welcome dito. Chupee!" Pagkatapos kong sabihin yun kay tukmol nag talokbong ako ng kumot at pinipilit kong itulog ang inis na nararamdaman ko kay tukmol. "Abnoy pag hindi ka bumangon dyan ipopost ko sa f*******: tong picture mo na tulog nakangabga ka pa naman dito tapos tulo laway pa, Tsk." Nagulat naman ako sa sinbi nitong tukmol na to kaya napabangon agad ako. "Arrggghhh bwiset ka talagang tukmol ka isa kang malaking kulangot sa buhay ko hmp." Inantay niya ako hanggang matapos ako sa pag aayos. "Wag ka ng maglagay ng kung ano ano sa mukha mo abnoy maganda ka naman kahit tulog ka." Pambobola ni tukmol kala niya naman eepektib sakin eh bad trip nga ko sa kanya kaya di niya ko madadala sa mga paganya ganyan niya. Kung maayos sana gising ko baka maglumpasay pa ako sa kilig. "Wag mo kong inuuto-uto tukmol nanggigigil pa ko sayong bwiset ka!" Tapos ayon napaka galing niya talaga at tina tawan tawanan lang ako kaya lalo umiinit ang dugo ko sa kaniya. "Anong tinatawa tawa mo dyan?! Mukha kang tanga!" "Kalma ang aga aga high blood ka na agad." "Sino ba namang di maiinis sayo pinutol mo yung mahimbing kong tulog!" "Sorry na abnoy gusto lang naman kita makasabay eh." "Siya halika na at bumaba na tayo nagugutom na din ako." Sumunod naman si Tukmol sa akin syempre kahit ganyan siya diko pa din siya matitis. Isa sa natuklasan ko sa tukmol na yan way niya ang pang iinis at pang aasar para maglambing call me assumera pero ganon talaga yung napapansin ko. "Hoy tukmol wag kang ngingiti ngiti dyan para kang baliw." "Huh? Ngumingiti ba ako?Hindi naman ahh." "Ewan ko sayo tara na at kumain na tayo." "Di mo ba ako tatanungin kung gusto kong magkape?" "Hindi! magtimpla ka kung gusto mo!" "Ahm abnoy pansinin mo na ko. Galit ka?" "Hindi naiinis lang ako sayo." "Sorry na kase ililibre na lang kita mamaya. Woyyy abnoy pansinin mo na ako plss." "Hayst sige pinapatawad na kita pero pag inulit mo yang ginawa mong tukmol ka sinasabi ko sayo wag kang magpapakita sa akin miski anino mo!" "Oo na, bati na tayo?" "Oo na, kaya tapusin mo yang pagkain mo." "Yes Ma'am!" Hayst sa wakas nakauwi na din yung tukmol na yon at makakatulog na ulit ako. Pa akyat nako sa kwarto ko ng tawaging ako ng bunson kong kapatid. "Ate!" "Bakit?" Inaantok kong tanong. "Ate Sino yung pogi kanina? Ikaw ahh boyfriend mo siguro yun no..." "Hindi no tyaka manahimik ka nga dyan kalalaki mong tao andami kong tanong." "Sus mag dadahilan pa kung dimo boyfriend yon baka manliligaw ayiiehh." "Hindi din." "Eh ano?" "Kaibigan ko yon." "Aww sayang friend zone agad." "Ewan ko sayong bata, at saan mo ba nakukuha yang mga pinagsasabi mo? Pag aaral na lang ang atupagin mo." "Nag aaral naman akong mabuti Ate." "Sya sige na pupunta na ko sa kwarto ko at gusto ko pang matulog. Tulungan mo kaya si Nanay maglinis ng bahay hindi yung puro laro at laboy lang ginagawa mo." "Oo na Ate." Pagpasok ko sa kwarto ko nagtungo agad ako sa kama sabay kuha ng cell phone ko at nakita ko na may nagtext. From: Tukmolxzcs ^____^ Abnnooyy nakauwi na ko salamat sa agahan hehehehe. From: Tukmolxzcs ^____^ Sorry na ulit abnoy bati na tayo ahh. Wag ka ng magalit sakin plsss. Napangiti ako ng mabasa ko ang text ni tukmol diko akalain na kasweetan pala siya sa katawan akala ko puro kasungitan lang alam niya eh. After kong mabasa yung text niya natulog ulit ako buti na lang Saturday ngayon at makakabawi bawi ako ng tulog may pasok pa kase ako mamaya tapos pag linggo naman day off ko. Aaahhhhhh sarap ng tulog ko hmm anong oras na ba? Kinuha ko yung phone ko para tignan kung anong oras na ba. Hmmm alas singko na pala kailangan ko ng maghanda ng makakain namin, kaya naman bumagon na ako sa kinahihigaan ko pinusod ko ang buhok ko habang naglalakad papuntang kusina. "Nay magluluto na po ako." "Sige Anak, yung baunan mo pala andyan sa gilid nahugasan na yan." "Sige Nay salamat." "Kamusta pagbisita ni Frost dito kanina anak?" "Ayon binwiset na naman ako Nay naantala kase yung tulog ko eh." "Sinabihan ko na nga yun eh kaso desidido talaga na gisingin ka kaya hinayaan ko na lang tyaka napakabuti niyang bata, magalang." Pagpupuri ni Nanay kay tukmol. "Ganon talaga yun Nay kaya nga natutuwa yung manager namin sa kanya eh, tapos lagi pa siyang pinagtitinginan ng mga customer dahil nga sa gwapo siya minsan naman may mga kabataang nagpapapicture sa kanya." "Buti hindi nagagalit yung Boss nyo." "Hindi naman po kase dahil din kay Frost dumadami po yung mga kumakain sa restaurant lumalakas ang benta." "Pag naging boyfriend mo yun Nak ang swerte mo bukod sa napaka buting bata maalalahanin din." "Ewan ko sayo Nay magkaibigan lang po kami hehehehe." Alinlangan sagot ko kay Nanay ansaket kaya mafriend zone kahit di niya sabihin alam ko na bat naman kase ang gwapo niya eh yan tuloy andami king kaagaw. Pagkatapos kong magluto naligo na agad ako tapos kumain kinuha ko nadin yung baon ko at nagpaalam na kay Nanay para makaalis nako baka asarin na naman ako ni tukmol na late ako sa call time. "Nay alis na po ako." "Sige anak mag iingat ka." Makalipas ang trenta minutong byahe nakarating na ako ng restaurant at ginawa ko na ang nakagawian. Yes!! Nakuha ko na din yung sahod ko sa wakas tapos na ang oras ng pagtatrabaho. Pauwi na kami ni tukmol at nakasakay naman kami agad ng jeep. "Abnoy may gagawin ka ba bukas?" "Hmm wala naman bakit?" "Laboy tayo bukas." "Saan naman?" "Kahit saan." "Tukmol ka talaga walang lugar na kahit saan no." "Ikaw na bahalang mag isip wag lang mag alala libre ko." "Talaga?!" "Oo nga ayaw mo?" "May sinabi ba ko tukmol ha?! Wala naman diba." Maya maya at bumaba na kami ng jeep. "Bye Tukm---" "Wag ka munang magpaalam." Pigil niya sakin. "At bakit naman?" "Ihahatid kita sa inyo." "Bakit?" "Anong bakit abnoy? Mamaya mapagtripan ka pa babae ka pa naman kaya tara na at ng makapag pahinga kana." "Answeet mo ngayon ahh ano nakain mo Tukmol?" "Lagi naman kitang hinahatd ah wala ng bago don abnoy." "Ikaw napaka mo talaga! Tara na nga!" After 5 minutes na lakaran naohatod na din niya ako. "Bye tukmol ingat sa pag uwi mamahalin mo ako. Good night" "A-anong s-sabi mo?" Gulat niyang tanong. "Wala sabi ko ingat ka sa pag uwi. Bungol." Palusot ko hehehe talas talaga ng pandinig nitong si tukmol eh. "Good night Abnoy kita na lang tayo bukas." "Sige punta ka na lang dito tyaka magtext ka sakin pag nakauwi ka na ahh..Bye." "Ok." Sinarado ko na yung pinto at nilock nagtungo agad ako sa kwarto sabay palit ng damit pantulog nasampal ko ang sarili ko ng maalala ko ang sinabi ko kanina kay tukmol diko akalain na masasabi ko yun. ShOoCksSss. "Bye tukmol ingat sa pag uwi mamahalin mo ako. Good night" "Bye tukmol ingat sa pag uwi mamahalin mo ako. Good night" "Bye tukmol ingat sa pag uwi mamahalin mo ako. Good night" "Bye tukmol ingat sa pag uwi mamahalin mo ako. Good night" "Bye tukmol ingat sa pag uwi mamahalin mo ako. Good night" --- NIKKACIOUS | N.C
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD