CHAPTER 1
Her POV
MAHIRAP sa mamuhay sa mundong puro laman ay kahirapan, kasalanan, katiwalian, at kung ano-ano pa. Isang kahig isang tuka mga bagay na kadalasang kinahaharap ng mga taong kagaya ko, Oo tulad ko sapagkat hirap ang pamilya namin na mapag-aral ako at pati ang mga kapatid ko.
Hindi naman ako tulad ng ibang tao na pinanganak na may gintong kutsara sa bibig kase para sakin pinanganak akong may malaking batong pasanin sa balikat kung saan dala-dala ko at di alam kung kailan ba iyon matatanggal. Aral dito,Kayod dito, trabaho doon, at iba pang gawain basta mataguyod ko ang aming pamilya.
Nanay ko ay labandera lamang samantalang ang tatay ko ay construction worker lamang hindi sapat ang kinikita para mapag-aaral kami kaya suma-sideline ako upang makatulong sa gastusin. Minsan nga naranong ko ang sarili ko.
"Kaya ko pa ba?"
"Kailan kaya ako magkakaroon ng time para sa sarili ko?"
"Lalaban pa ba paraaa sa hinahangan na kinabukasan o hihinto na?"
Mga tanong na hindi ko alam kung papaano ko ba sa sagutin na kahit sarili ko ay nagugulihan nadin.
Buhay na umiikot lamang sa pag-aaral, pagta-trabaho para matustusan ang pangangailan.
Matalino naman "daw" ako sabi ng nga guro at mga kaibigan ko, at aminado naman ako doon na may angking talino ako dahil guma-graduate ako noong elementarya bilang valedictorian ganoon din noong highschool at ewan ko na lang ngayong kolehiyo.
Mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagta-trabaho lagi akong kulang sa tulog, hindi ako nakakakain ng tamang oras pero pata sa kinabukasan na minimithi ko tuloy lang, laban lang kahit na stress ako saa schooldahil sa mga expectation na naririnig ko sa aking mga guro, at kaklase ayaw ko na dumating ako sa punto na madissapoint ko sila dahil hi di ko na achieve yung ine-expect nila sa akin scholar pa naman ako at sikat ang school kung saan ako nag-aaral running for Suma cumlaude kaya himbis na stressin ko yung sarili ko dahil saa mga expectation nila ginagawa ko yung inspiration and motivation para magpatuloy na lumaban sa mundong aking ginagalawan.
Stress man din ako sa trabaho ngunit di ko alintana ang mga matang mapanghusga dahil ang pokus ko ay makapa-,tapos ako at matupad ko ang mga minimithi kong pangrap. Marami ang galit, at naiinggit sa akin lalo na sa trabaho dahil akala nila favorite ako ng aming boss ngunit hindi nila alamfavorite dahil iyon sa pagsisipag ko at hindi ang sip-sip gaya ng mga iniisip nila. Kahit na nasasaktan pinipilit kong maging manhid sa mga salita na ang dulot ay kasiraan lamang sa aking sarili.
Nagpapaka tengang kawali para hindi ako madistract sa goal ko sa buhay.
Ni minsan hindi ko naransang magkaroon ng boyfriend kahit noong highschool ako hanggang ngayon sapagkat namulat ako sa mundong kailangan kong kumayod para makatulong sa pamilya hindi para magliwaliw lamang, ngunit nagkaroon din naman ako ng crush tulad ng normal na estudyante.
Di nga lang naranasang pumasok sa isang relasyon at hindi ko pa din ninanais sa ngay may takot kase sa aking puso na baka iyon ang maging rason para mawala ako sa pag aaral, na yun ang maging rason para diko makamit yung mga pangarap ko, ganyan ako ka paranoid pero future oriented lang talaga ako hilig ko isipin kung ano ang kalalabasan ng action na ginawa ko.
"Is it good or bad?"
Minsan nasasaktan ako kapag inaasar ako ng mga katrabaho ko at nga kaklase ko bat wala pa daw akong boyfriend para di nila mapansin na nasasaktan ako idinadaan ko na lang ito sa ngiti.
Wala naman akong mapagkwentuhan ng nararamdaman ko dahil wala naman akong maituring tunay na kaibigan kase feeling ko lahat ng tao na nakapaligid sakin ay mga plastik nakikipag kaibigan kase may kailangan kaya naman sinasarili ko na lang yung mga hinanakit ko ayaw ko din namang magkwneto kay Inay kase iniiwasan ko na makadagdag pa ako sa stress na nararamdaman nya.
"Hayst. Kailan kaya giginhawa ang buhay ko?"
"Ano kaya feeling ng may boyfriend?"
Napatingin ako sa relo ko at hapon na pala kaya naman napag pasyahan ko na na umuwi kase kanina nandoon ako sa field ng school namin naglilibang at nagpapahinga kase mamayang gabi trabaho na naman para may maipambili ng pagkain tyaka malapit na ang Christmas party ng mga kapatid ko pati na din ang pasko at bagong taon kaya doble kayod talaga para may maipambili.
Pauwi nako at laking pasasalamat ko dahil makalipas ang isang oras na pakikibaka sa pakikipag-agaagawan sa jeep ay sa wakas nakasakay din ako. Nang makarating ako sa bahay nagmano kay inay at nagbihis agad para makapagpahinga muna ako kahit kunti dahil mamayang akas syete ay papasok na ko sa trabaho.
Matapos kung magbihis nagtungo ako sa kusina naming maliit.
"Nay ano pong ulam natin?" Tanong ko habang nakapangalumbaba sa lamesa.
"Nagluto ako ng ginisang sayote na may sardinas anak, mauna ka ng kumain aantayin ko muna ang mga kapatid mo at tatay mo."
"Sige po Nay"
Matapos kumain ay nagbihis ulit ako nag ayos para sa trabaho ng matapos ako ay sakto naman ang dating ng Tatay at ng dalawa kong kapatid parehong high school ang isa at Grade 8 ang isa naman ay Grade 10. Nagmano ako kay Tatay at binati ang dalawa kong kapatid.
"Ate malapit na po Christmas party namin pero hindi na lang po ako sasali kass dagdag gastusin lang yon." Sabi ng Grade 8 ko na kapatid na sinundan ng naman ngako pagsang-ayon ng Grade 10 ko na kapatid.
"Oo nga Ate di na lang din po ako sasali"
"Nako tigilan nyo ko wag nyo ng isipin ang gastusin si Ate na bahala doon ok? Tyaka minsan lang naman sa isang tao ang christams Party kaua sulitin nyo na"
"Yehey! Thank you talaga Ate"
"O sya sige na at papasok pako sa trabaho. Kumain na kayo pagkatapos nyong magbihis"
"Nay! Tay! Alis na po ako" pag papa alam ko.
"Sige anak magi-ingat sa daan ahh"
"Opo Nay"
Pagka alis ko sa bahay ay dali-dali akong nagtungo sa sakayan dahil baka mahaba na naman ang pila at mahirapan akong sumakay.
----
Don't forget to click the VOTE and COMMENT section Bears ʕ •ᴥ•ʔ. Thank you for reading my story love you all.
NIKKACIOUS | N.C