16

1227 Words
CHAPTER 16 His POV AFTER ng one week vacation ko sa London ay balik eskwela na naman ako pinahinto muna ako ni Frost sa pagiging working students nong una umalma ako syempere sayang din yung perang kikitain ko sa pagtatrabaho medyo malaki din magpasahod yung boss ko which is kaibigan ni Tukmol at sya nga pala nalaman ko din na pinilit niya pa yung boss ko na magtrabaho siya para daw mabantayan niya ko instant yaya ko pala si Tukmol that time charot. "Love kung ipagpapatuloy mo ang pagiging working students mas mahihirapan kang pagtuonan ng pansin ang pag aaral mo, right? Graduating student ka pa naman na Love concern lang ako pero proud pa rin ako sayo imagine my fiance is running for Suma Cumlaude!" There's a hint of proudness in his voice habang ineexplain niya sakin yun narealize ko din na Oo nga bat hindi ko muna pagfocusan yung studies ko tutal ilang buwan nadin naman akong working student at diko maipagkakaila na nakakapagod talaga at nahihirapan akong pagsabayin yung work and study. Kaya naman sumunod ako sa desisyon ni Frost na itigil na ang pagtatrabaho nong sinabi ko kay Nanay at Tatay yon di naman sila umangal bagkus natuwa pa nga sila kase mabibigyan ko na ang sarili ko ng mahaba habang pahingi at di narin ako uuwi ng madaling araw. Makakatulog na ako ng mahimbing yung tipong 8 hours yung tulog ko sarap sa feeling tagal matagal tagal nadin ng maranasan ko yung ganong kahabang tulog. Nasa university ako ngayon inaantay ko si Lukashii ready nadin yung precious ears ko sa talak niya syempre may pasalubong ako sa kaniya all the way from Land of the Royalty England. "Gaga kang babae ka! Di mo naman sinabing pupunta kang England." Naiinis ang loka grabe daig pa niya Nanay ko. "Chaka bat di mo sinabi saking may FIANCE kana pala?! Di mo ko kaibigan Te?" Tanong ni Boy bawang note the sarcasm in his question. "Sorry na Lukashi biglaan kase eh. Tyaka sasabihin ko naman dapat talaga sayo ng maaga kaso kinabukasan non flight na namin. Di kita matext kase nakalimutan ko masyado akong nag enjoy sa London Lukashii." Pag eexplain ko kay Babaita. He rolled his eyes to me. Attituda talaga tong Boy bawang nato. Sarap tirisin. "I have a pasalubong sayo Lukashii wag ka ng magtampo tyaka don't worry invited ka sa kasal ko." Pang susulsol ko sa kaniya. Kinuha niya yung pasalubong ko. "So sino yang pakakasalan mo aber? Sayang may kilala pa naman akong patay na patay sayo." Hmm nacurious ako sa tinutukoy niyang patay na patay sakin pero grabe naman. "Kilala mo tong---" "Hayop bayan? Bagay? Luagar?" Binatukan ko nga loko talaga eh. Kaibigan ko nga di maipagkakaila. "Si Frost Lukashii siya yung fiance ko happy ka na?" Sabay smirk sa kaniya. Nanalaki ang mata niya kala mo talaga. "Is this legit panzit?!!" "Yes Siz, Super duper ultra mega!!" "Aaccckk OmO I can't believe Babae!! So ikwento mo na sakin oaano siya nagpropose sayo!" Aba excited parang may kiti kiti sa pwet. So ayon kinuwento ko nga sa kaniya walang labis, walang kulang. Di na natuloy ang chikahan namin ng tumunog na ang bell hudyat na start na ang klase. Maya maya pa ay dumating nadin ang subject teacher namin at nagstart na ang klase. Pumunta akong faculty para huli ang mga quizzes, seatwork, test na naskip ko. Pinayagan naman ako syempre todo review din ako, di ako papayag na may maibagsak ako kahit quiz pa yan diko uurungan. "Very good Ms.Mendejas all the test you take are perfet score." Pagcomliment ni Prof Ryan sakin. "Thank you po Sir. Mauna na po ako." Nag slighty bow muna ako bago tuluyang umalis. Nagramdaman kong nagvibrate yung phone ko habang nakasakay na ako sa jeep. Dahan dahan kong kinuha at nagtext lang pala si Tukmol. From: LoveKoToMcDo Love are you home? Don't forget to eat your lunch. I miss you. I love you Love. Read 1:15 pm My lips formed a smile when I received his messages call me crazy but I can't help to smile. UwU I'm really madly inlove with him. Infairness his nickname on my phone is improving from Tuklmozxcs to LoveKoToMcDo lol. Habang nasa jeep ako naisipan ko siyang bisitahin tutal maaga pa naman kaya dumiretso ako sa Cloud Tower kung saan matatagpuan ang condo niya. Nasa tapat na ako ng pinto alam ko naman ang code kaya no need para tanungin ko pa siya. Dahan dahan kong binuksan ang pinto madilim pagkapasok ko kaya dumiretso ako sa kwarto niya at ayon mukhang katutulog lang ng loko. Naupo ako sa kama habang tinignan ang manly niyang mukha may mga stubbles nadin sa baba niya na lalong nagpagwapo sa Prinsepeng ito. Hinaplos ko ang mukha niya gumalaw naman siya. "Hmmm." Napatawa ako ng mahina ang cute niya kase. "Love..." Mahina kong bulong kay Frost. Hindi ito dumilat pero niyakap ako kaya naman napahiga din ako sa kama nito. "Love tulog muna tayo." Ungot ni Frost antok na antok talaga. Di na ako umimik dinalaw din kase ako ng antok dala nadin siguro ng pagod sa pag aaral at byahe. Nagising ako sa malakas na pagkulog at ulan mukhang may bagyo ata alas singko nadin pala ng hapon. Nako! Baka nag aalala nayon sina Nanay at Tatay pero masyadong malaks ang ulan baka mastranded ako. Bumitaw muna ako sa yakap ni Frost tulog pa naman ito kaya kinuha ko ang cell phone ko at naupo sa kama para itext si Nanay at ng hindi na ito mag alala pa sa kalagayan ko. To: Nanay Nay nandito po ako sa condo ni Frost dumiretso masyado pong malakas ang ulan kong pipilitin kong umuwi ngayon baka po mastraded ako. Wag po kayong mag alala alam po namin ang limitasyon namin. Love you Nay pasabi na lang din po kay Tatay. Mag iingat po kayo diyan. Sent 5:05 pm Buti na lamang at wala akong pasok bukas. Bumangon ako at dumiretso sa kusina para magluto ng kakainin namin. Pagod na pagod ang mahal ko kaya ang himbing ng tulog. Nagluluto ako ng adobong manok ng maramdaman kong niyakap ako ni Frost sa likod. Siniksik nito ang mukha niya sa leeg ko medyo may kiliti pa naman ako don. "Love ano ba nakikiliti ako." Buti na lang at patapos na itong niluluto ko kaya naman hinarap ko siya at hinawakan ang pisngi. "Kamusta tulog mo Love?" Tanong ko habang pisil pisil ang pisngi niya sabay halik sa tungki ng ilong niya. "Mahimbing Love katabi kita eh." Sus nambola pa. "Sige na at kumain na tayo Love." Yaya ko sa kaniya ikinuha niya naman ako ng platot kutsara. Nag usap lang kami about sa school at sa nalalapit naming kasal. After naming kumain he insisted na siya na daw ang maghuhugas. "Love don't worry diko babasagin ang mga pinggan. Marunong na akong maghugas ng mga plato. Nag paturo kase ako kay Butler Tsar." Namula ang mukha ng Prinsepe ko mukhang nahihiya siya kaya naman lumapit ako sa kaniya. "Talaga ba Love?" Nang aasar ko na tanong sa kaniya. "Yes hintayin mo ako sa sala Love manuod ka muna ng TV saglit lang to." Humalik muna ako sa kaniya bago nagtungo sa sala at nanuod. --- Yey!! Ending na next thank you for reading my story even though its just short. NIKKACIOUS | N.C
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD