CHAPTER 3
Her POV
NAKAKAPAGOD mag aral pero masaya naman kase madami akong natutunan. Pauwi na ko ngayon at balak kong bumili ng pasalubong kay inay at sa mga kapatid ko may natabi naman kase akong pera sa baon ko at pagta-trabaho ko.
Napadaan ako sa isang store bumili ako ng pagkain na pagsasaluha-saluhan namin mamaya. Habang nasa byahe ako pauwi medto malapit kase ako sa unahan ng jeep kaya napansin ko ang kotseng kanina pa sumusunod sa sinasakyan ko kaso diko maakita ang nagda-drive heavily tinted kase at pagabi nadin. Pumara ako ng makarating na ang jeep sa kanto ng tinitirahan ko at pumasok sa iskenetang makipot ang daan.
"Nay andito na po ako" saad ko ng makarating sa aming bahay.
"O anak kamusta ang pag-aaral mo at ano yang dala-dala mo?"
"Ok lang naman Nay at ito pong dala ko ay pagkain natin halika na Nay at kumain na po tayo andyan na po ba ang dalawang kong kapatid pati si Tatay?"
"Oo anak maaga kase ang uwian ng mga kapatid mo ngayon"
"Sige po mauna na kayo sa kusina magbibihis lang po muna ako"
"Sige"
Matapos kong magbihis ay nagtungo ako sa kusina nag mano muna ako kah Tatay bago maupo. Sama-sama kaming kumain ng may kanya-kanyang kwento sa naganap na pangyayari ngayong araw napuno ng tawanan ang aming bahay masaya talaga pag buo ang pamilya at sabay-sabay kung mag salo salo sa hapag.
Hindi pala muna ako papasok sa trabaho dahil exam namin bukas kailangan kong paglaanan ng oras ang pagre-review ko para mamaintain ko ang mga grado ko, nagpaalam naman ako sa boss ko at naintindihan naman nyan ang sitwasyon ko pero ang kinatataka ko bakit kahit nagpaalam akl na liliban muna ako ng isang araw sa trabaho ei bayad padin ito at parang wala din akong absent pero diko na lang binigyang pansin at nagpokus na lang ako sa pagre-review.
Hindi ko namanlayan na pasado alas dos na pala kaya naman itinigil ko na muna ang pag aaral alas otso pa naman ang simula kaya kailangan ko ng ipahinga ang utak ko dahil bukas na ang simula ng madugong labanan. Bago matulog ay nagpray muna ako tapos nagset ng alarm at hinayaan ko na tumugtog ng worship song ang cellphone ko para makatulog agad.
Ito na ang araw na kung saan ang kaba ko ay abot hanggang kalangitan dahil nakasalalay saaa magiging resulta ng grades ko ang kapalaran ko hindi ko dapat maibagsak ang exam nato kundi patay na talaga. Ilang minuto na lang at mag sisimula na ang exam namin kaya habang di pa naman nag sisimula ay ipinahinga ko muna ang utak ko nakikinig ng music pampalipas oras ayaw ko kaseng nagre-review lalo na kung ladt minute na baka magrattle sila sa utak ko tapos bali-baligtad na yung mga sagot ko sa exam kaya hanggat maari iniiwasan kong magreview at mas pinipiling irelax na lang muna Ang aking isipan.
Maya-maya lamang ay kinalabit ako bg kaklase ko hudyat na magdisimula na ang exam itinabi ko ang cellphone ko sa bag at hinanda ang ballpen. Napa usal pa ako ng maiksing panalangin para maging succes yung exam ko at maiwasan ko ang kabahan.
Lumapit ang professor namin at isa isang binigay ang questionnaire pero bawal munang tignan sabay sabay daw dapat naming buksan at sagutan ng matapos nyang maipamahagi ang mga test questionnaire inantay namin ang hudyat nya kung pwede na ba magsimula, at ng marinig namin ang hudyat nya dali dali kong binuksan ang test questionnaire at iniintinding mabuti ng mga tanong ilang oras din ang ginugol ko sa page-exam kaya naman drain na drained yung utak ko at syempre naagwawala nadin yung mga alaga kong dragon sa tyan tila napagod din sila sa exam.
Paglabas ko ng University dumiretso agad ako sa nagtitinda ng kwek-kwek paborito ko tong street food ei lalo na kung maanghang yung sawsawan. Kilala na nga ako ni Manong na nagtitinda nito dahil kada linggo ata ay bumibili ako ng tinda nya mura lang kase di mabigat sa bulsa tapos nakakabusog pa pero nakakabitin din lalo na kung pang isang order lang yung kasya sa pera na meron ka hayst.
" Manong isang nga sa tokneneng tapos limang piraso po dyand sa maliliit" saad ko kay manong sabay abot ng bayad ko.
"Iinit ko pa baba Neng?"
"Opo manong, salamat po"
Ilang minuto lang ang inantay ko at pwede ko ng kainin ang peyborit kong kwek-kwek sarap talaga sabayan pa ng tinda ni Manong nana palamig solve nako.
Napatingin ako sa relo kong pambisig alas 4 na pala kaya nagtungo nako sa sakayan buti na lang at hindi ganon karamihan ang, mga nag aabang ng masasakyan kaya nakasakay agad ako.
"Bayad po pasuyo naman po!"
Parang timang yung lalaking pinag aabutan ko di ma lang kinuha yung bayad ko tapos parang di sya nababagay na sumakay sa jeep kase halatang mamahalin yung suot nya kaya naman sa isang lalaki ko na lang inabot ang bayad ko.
Buti pa si kuya hindi snober saad ko sa isip ko syempre diko sinabi ng malaks baka magalit si kuyang snober ei porket mestiso sya kaso di ko makita yung mata niya dahil naka shades siya pero hapon naman na hindi na mataas ang sikat ng araw ewan ko ba dami kong napapansin na bagay bagay.
Maya maya lang ay bumaba na ko ng jeep syempre nasa tapat na ng kanto ei tapos bumaba din si kuyang snober siguro dito din sya nakatira kaya sumusubod sya sakin sayang kala ko pa naman mayaman sya eh kauri ko lang pala sya isang dukha din tapos anlakas mang snob mestiso lang naman sya hmp.
"May sinasabi ka Miss?"
"Ay! Palakang may buhok" saad ko dahil nagulat ako, halata naman diba. Kala ko sa isip ko lang sinasabi hindi pala mukhang narinig niya ata yung panlalait ko, PATAY.
"Huh? Wala akong sinasabi ahh baka di ka lang nakapag linis ng tenga" Pagdadahilan ko pero mukhang di epektib.
"Miss I always clean my ears ok and I'm not a deaf btw sorry if you misunderstood my behavior a while ago when we were in a what do you call that? A jeep? Ah never mind but I'm sorry again if I'm being snob because I dont know why are you giving me money I have a lot of that ok? Do I look like a beggar?"
"Ok" sabi ko, kahit na matalino ako at nakakaintindi ng ingles ei sa sobrang bilis nyang magsalita at naka british accent pa jusme sini ba namang di mawiwindang.
"That's it?!"
"Yup,do i have to say anything Mr. Snober?"
"Ops sorry for being impolite I'm Frost and you are?"
"I'm Veronica Mr. Frost nice meeting you. I need to leave now because I have a work later and I need to rest ok. Bye see you around Mr. Frost."
---
NIKKACIOUS | N.C