"Goodevening, Miss. Kanina pa po kayo hinihintay ni Lady Marga sa dining room," seryosong saad ng nasa gitna.
Pare-parehas sila ng suot. Naka black and white chaperone dress sila at may mga headress pa, ang cute nila tignan. Kahit ang kanilang mga sapatos ay terno terno. Ang problema lang ay masiyado silang seryoso. Para silang robot at walang buhay.
Agad naman akong tumayo ng maayos at kinalma ang sarili mula sa pagkakagulat.
"A-Ah, kagigising ko lang k-kase tsaka saan ba ang dining room?" awkward kong tanong dahil nakaka intimidate sila, hindi man lang ngumiti ang mga 'to. Lahat sila ay naka poker face lang.
"This way, Miss," ani nang nasa gitna sabay lahad ng kamay at naglakad na, kasunod ang dalawa pang kasama niya.
Siya lang ang nagsalita sakanila, siguro siya ang leader nila? O baka siya ang mayordoma rito? Pero hindi ba ang mga mayordoma ay matatanda na? Siya kase, mukhang nasa early 30's pa lang e.
Sinundan ko nalang sila habang patuloy na namamangha sa ganda ng mga nadadaanan kong gamit, mga vase na mukhang mamahalin. May nakita pa akong isang malaking portrait ng matandang babae at lalake na seryoso ring nakaupo sa parang trono. Reyna at Hari nga siguro talaga ang may ari nitong mansyon, halos wala na akong masabi sa sobrang ganda, para akong nananaginip.
Huminto kami sa isang magarang double door na kulay ginto at pinihit na ng isa sakanila ang seradura upang buksan.
Tumambad sa akin ang dining room nila na may mahabang mesa at kasya siguro ang 30 na tao sa haba no'n. Hindi pa man ako nakakapasok sa pinto pero tanaw ko na ang mesa. Laglag ang panga ko sa mga pagkaing nakahanda sa mahabang mesa, ang dami! May nakahilera pang mga kasambahay sa gilid nito, parehas din ng suot nitong mga kasama ko.
"Where is she?" rinig kong tanong ni Marga.
Agaran akong pumasok para makita kung nasaan siya nang makitang may bar counter sa tagong part ng dining room kung saan hindi mo agad makikita sa bungaran ng pinto... hindi siya nag iisa.
Natigilan ako sa pagpunta sa bandang 'yon ng makita ang dalawa pang lalake bukod kay Leo na katabi ni Marga. Nahigit ko ata ang aking hininga ng makita ang kanilang mga itsura.
Mga tao pa ba 'to?
Kamukha ni Marga ang dalawang lalaki, ang isa ay long hair samantalang ang isa ay naka clean cut. Parehas maputi at mga mukhang modelo! Parehas pang asul ang mga mata na siyang nakakapag-taka dahil hindi asul ang kay Marga. Hindi ko na maihakbang ang paa ko dahil sa biglaang hiya. Apat na pares ng mata ang ngayo'y nakatutok sa akin.
Grabe sila makatingin, para akong matutunaw.
"Ate V! Hey!" puna ni Marga sa akin nang makalapit.
Nabalik ako sa huwisyo nang makitang ngumisi ang naka long hair sabay lagok sa basong may alak na hawak hawak niya, ang isa naman ay seryoso lang na nakatingin sa akin. Si Leo na bodyguard ni Marga ay umiwas naman ng tingin.
"U-Uh–" wala akong maapuhap na sasabihin.
"Are you hungry na, Ate? Sorry, hindi kita ginising kanina dahil mukhang pagod na pagod ka na so I just let you sleep for the mean time, tell me are you hungry na?" ulit pa ni Marga.
Dahan dahan akong tumango at tumingin kay Marga dahil sa pagka ilang sa titig ng mga lalake doon. Ang awkward ng atmosphere, tahimik lang ang mga kasambahay sa gilid at lahat sila ay diretso lang ang tingin sa pader. Parang bawal silang lumingon.
Iginiya niya ako palapit sa mahabang mesa na may nakahanda ng iba't ibang masasarap na putahe, ang daming pagkain, parang may fiesta naman dito. Ang engrande!
"Hey guys, c'mon let's eat!!" yaya ni Marga sa mga kuya niya at kay Leo sabay upo sa tabi ko.
Agad naman silang umupo, ang mga kuya niya ay umupo sa mga upuang nasa harap ko, si Leo naman ay sa tabi ni Marga. Naiwang hindi okupado ang gitnang upuan.
Agad na pinagsilbihan ako ni Marga.
"Marga, okay na 'yan!" Pigil ko sakanya, "Masiyado ng madami." dagdag ko pa nang makitang halos mapuno na ang malaki kong pinggan dahil sa mga nilagay niya.
"Why don't you introduce her first, Shanaia?" ani ng isa sa mga kuya niya, 'yung naka long hair.
Pansin kong hindi palakibo si Leo at ang isa pang lalake ngunit nakatitig 'to sa akin.
Uminit ang pisngi ko sa pagka ilang. Grabe sila mang-intimidate, juskolord!
"Oh, right. I forgot to introduce her."
Tinapos muna ni Marga ang pagkuha ng mga pagkain bago sila tinignan.
"Guys, this is my friend, Virgo Lawshienne Medina. She's a year older than me so I'm calling her ate. She will live her from now on, I already discussed it with Kuya Nick."
Walang nagsalita sakanila at seryoso lang akong tinignan.
"Ate, this one is Kuya Connor Axl Gautier, pangalawa sa panganay namin," turo nito sa lalaking naka clean cut.
"Nice to meet you, Ms. Virgo." Tumayo ito mula sa pagkakaupo at inilahad ang kamay sa harap ko.
Nanginginig na tinanggap ko naman 'yon at awkward siyang nginitian.
"This one is Kuya Blow Zairus Gautier, pangatlo sa amin," turo naman niya sa long hair na kanina pa nakangisi.
Gwapo sana mukha lang barumbado, base pa lang sa tattoo niya sa kamay, mukha na siyang tigasin. Tumayo ito mula sa kinauupuan at naglahad din ng kamay sa akin. Inabot ko naman ang kamay niya dahil akala ko ay makikipag-handshake rin pero iba ang kanyang ginawa.
"Nice to meet you, Mademoiselle," utas niya bago ako hinalikan sa likod ng palad.
Naiilang na binawi ko agad ang kamay ko tsaka umupo nang maayos.
"Ito naman si Leo, my bodyguard," pairap na sabi ni Marga sa huling lalake na pinakilala.
Sinaluduhan lang ako ni Leo at nagpatuloy sa pagkain.
"Okay, now that you already know her, can we please let her eat in peace?"
Nagpatuloy naman sa pagkain ang mga kuya niya, pati siya ay nagsimula na rin. Paunti unti akong sumusubo dahil hindi pa rin ako komportable sa presensya nila, kahit pa nagsusumigaw na sa gutom ang mga halimaw ko sa tiyan, pinigilan ko ang sariling lantakan ng mabilis ang mga pagkain.
Hindi pa man kami nangangalahati nang biglang nagsalita si Marga.
"Where's Kuya Nick by the way? I haven't seen him these past few days, hindi pa ba umuuwi, Kuya Con?"
"He's here, in his office."
"Really? Ba't hindi siya sumabay sa atin ngayon?"
"I don't know, ask him," masungit na tugon nung kuya niya.
Marga pouted and just continue eating. Gusto kong matawa dahil sa itsura niya, pasimple niyang binabato ng masamang tingin ang kuya niya. Hindi niya siguro ito magawang barahin ngayon dahil nandito ako, nakasimangot lang siyang kumakain ng leche flan na halata namang pang mayaman, a leche flan with bits of gold, 'yung parang papel pero gold? Sa TV ko nalaman na mayayaman lang nakaka afford ng pagkaing may ginto, which is obviously naman dahil nga ginto, ibig sabihin– mahal.
Sa dami ng pagkain na nakahain dito ngayon, magkano kaya ang nagagastos nila sa isang kainan lang? Like ganito ba karami ang mga putahe tuwing breakfast, lunch and dinner?
Grabe...
Naramdaman kong may nakatitig sa akin habang kumakain kaya inangat ko ang paningin ko, nakita ko 'yung long hair na pangalan pala ay Blow na may naka plaster na ngisi sa labi habang walang hiyang tinititigan ako.
Tumawa siya ng mahina nang makita niyang nakatingin na rin ako sakanya, mukha siyang playboy sa suot niyang hikaw na ngayon ko lang napansin. Kuminang kase ito nang matapat sa ilaw.
Bumalik ang tingin niya sa kanyang pagkain ngunit bago pa man sumubo uli ay narinig ko pa ang kanyang pangalawang beses na pagtawa.
"D*mn it, I'm whipped." bulong nito na mukhang narinig no'ng Connor kaya sinulyapan niya ang kapatid.
Nagsimula silang mag-usap sa mababang tono, tatawa-tawa 'yung Blow samantalang seryoso naman ang isa.
Uminit naman ang pisngi ko sa pakikipagtitigan sakanya kanina, nakaka asiwa at ewan ko kung ba't niya ako pinagtatawanan. Nahihiya akong nagpatuloy sa pagkain, dahil na rin siguro sa bagal ko e ako ang nahuling kumain. Wala na si Connor sa lamesa dahil kanina pa siya nagpa-alam na aakyat na sa taas nang matapos siyang kumain, gano'n din si Leo pero ang paalam naman nito ay may iche-check muna raw siya.
Ako, si Marga na busy sa cellphone ngayon at si Blow nalang ang nandito sa hapag. Nakita ni Marga na tapos na ako sa pagkain kaya nagpaalam na siya sa kuya niya at niyaya na akong tumaas.
Hinatid ako ni Marga sa pinanggalingan kong kwarto kanina na isa palang guestroom at sinabing magpahinga na ako at bukas na raw niya ako ipapakilala sa Kuya Nick niya.
Nai-kuwento na raw niya sa mga kuya niya ang nangyare sa akin at sinabi niyang dito niya ako papatuluyin, wala naman raw problema sa mga kuya niya. Ang tanging kuya niya na wala kanina ang siyang papayag kung pwede ba ako dito o hindi, buti nalang at pumayag.
Dahil na rin sa kabusugan at pagod sa byahe ay hinila rin agad ako ng antok.