Hindi ko alam kung ilang oras na akong nandito sa harap ng kumpanya ni Nickolai. Matapos ang nangyari kanina, umiiyak na lumabas ako mula sa building na 'yan. Sinubukan ko siyang sundan pero tanging pagharurot nalang ng kanyang sasakyan ang tanging naabutan ko. Masakit na ang mga mata ko sa kakaiyak. Hindi ko rin kayang magsalita. Masakit lahat ng sinabi niya. Gano'n nalang ba kadaling paniwalaan ang mga nakita niya sa litrato? Tsaka sino ba ang kumuha no'n? Sana man lang kinunan nila lahat o di kaya ay vinideo nalang para kahit papaano ay maniwala siyang tinulak ko si Blow. Ang dali sakanyang i-judge ako, ni hindi pa nga niya alam ang buong nangyari. Sa buong buhay ko, hindi ko ginustong mapunta sa ganitong sitwasyon. Ang sakit lang... Grabe ang epekto niya sa akin. Hindi lang p

