"I'll be back before dinner, my men will stay here. If you want to go somewhere, just tell them." Tumango ako sa paalala ni Nick at nginitian siya. Pagkatapos kase namin mag-almusal ay mag tumawag sakanya. Mukhang urgent dahil nagpaalam agad siya sa akin na may pupuntuhan siya. Hindi ko alam ba't kailangan pa niyang magpaalam sa akin. Siguro dahil may relasyon na kami? Hindi ko alam ang mga patakaran sa isang relasyon dahil ito naman ang unang beses na nagkaroon ako ng boyfriend. "I love you," sambit niya at hinalikan ako sa labi. "I-I love you too." Pinisil niya ang pisngi ko bago tuluyang lumabas ng mansyon at sumakay sa mamahalin niyang kotse. Nakangiting tumalikod na ako pabalik sa mansyon ngunit agad din nawala ang ngiti ko sa labi nang makita si Marga na pasalubong sa aki

