The Scandal | Chapter 17
Bridal Shower
---
ISANG linggo pagkatapos ng Siargao quick get away Nina Yvonne at Leonardo kasama si Liezel. Naging masaya naman ang maiksing bakasyon na iyon, katulad nga ng napag-usapan nila halos apat na araw at tatlong gabi lang sila d'on.
Unang araw nila, nagtalo pa sila sa walang kwentang bagay at muntik niyang pinagkaloob ang sarili kay Leo. Mabuti na lang at hindi nangyari iyon, ngayon hindi niya siguro alam kung magsisisi ba siya o ipagpapasalamat niya.
Napasinghap si Yvonne nang maalala iyon.
Pangalawang araw ay wala naman gaanong nangyari sa kanila; maliban lang sa pagpapakitang gilas ni Liezel sa surfing. Manghang-mangha siya sa galing nito; matagal naman nang marunong si Liezel dahil beach lover talaga ito n'on pa man nang nasa Aklan pa sila, malapit lang sa kanila ang Boracay at malawak ang karagatan na sakop sa probinsya nila.
Pangatlong araw nila ay ginugol nila ito sa pagkain sa kung saan-saan at pagbili ng mga pasalubong; sa kaniya ay para kay Janice at si Leo naman ay sa mga kasamahan niya sa trabaho— humiwalay ng lakad sa kanila si Liezel na pinulong mag-motor sa Siargao.
Heto nga at abala siya sa bridal shower niya na plano na orihinal na plano ni Janice para sa kaniya. Tinulungan niya na lang ang kaibigan niya para naman hindi ito mahirapan kumbidahin ang ilan sa mga malalapit niyang kaibigang si Celine, Farrah, Candice at Ellyse. Makakarating naman daw ang mga 'to.
Si Liezel? Hindi niya ma-contact ang isang to, ang paalam sa kanila nang bumalik sila sa Batangas ay luluwas daw ito ng Manila para sa ilang mahahalagang bagay na kailangan asikasuhin. Pinaalam nito sa kaniya na tutungo ito ng abroad para sa trabaho.
'Good for her,' aniya ng isip niya. Mabuti na rin iyong magiging abala ito sa mga bagay-bagay para hindi na magka-interest sa hindi naman pagmamay-ari nito, makabuluhang saad niya pa.
[ Good luck for your event, Hun. See you soon. ] - Leonardo.
Natanggap nyang text galing kay Leonardo. Nagpaalam ito sa kaniya na may seminar sa Baguio; pinatotohanan naman ito ng matalik na kaibigan nito sa trabaho. Nag-video call din sila kanina n'ong madaling araw para ipaalam sa kaniyang nakarating na ang mga ito.
Wala naman siyang dapat ipangamba at kilala niya si Marlon, malapit din ito sa kaniya noon pa mang nagsisimula pa lang ang relasyon nilang dalawa ni Leo.
[ Good luck for your seminar, Hun. See you soon. ] - Yvonne.
Reply niya rito.
"Are you okay?" untag na tanong ni Janice sa kaniya. Binaling niya ang tingin sa pavillion sa isang pribadong resort kung saan gaganapin ang party niya.
"Okay na ang lahat. Okay ka na rin ba?" tanong sa kaniya.
"I'm okay. Tinawagan ko na mga kaibigan ko and they will come exactly 7:00 o'clock tonight."
"Good. I'll arrange everything first ha; baka may kulang pang kailangan asikasuhin, mahirap na iyong mag-cramp tayo tonight."
Ngumiti siya kay Janice, knowing her everything will be fine. Hindi niya na rin inabalang isipin pa si Leonardo, ligtas naman ito kaya hindi na siya dapat pang mag-alala.
———
MULING nagising sa himbing ng pagkakatulog si Leonardo. Nakauwi na sila sa isang resthouse ng kaibigan niyang si Danilo dito sa Baguio. Nanunuot sa katawan niya ang lamig ng panahon sa lugar na 'to. Naisip niya si Yvonne, sa mga sandaling 'to pihadong abala na ang mapapangasawa sa bridal shower kasama ang ilan sa mga kaibigan niya. Heto siya't pinili niyang abalahin ang sarili sa isang seminar para sa propesyon niya bilang manager sa kompanyang pinagtrabahuhan niya. Hindi rin pweding hindi niya puntahan ang event na 'to dahil magkakaroon din ito ng malaking tulong para sa growth niya't ikabubuhay nila sa nalalapit nilang buhay mag-asawa ni Yvonne.
Napangiti na lamang siya nang maalala ito. Malapit na, isang buwan na lang halos kung susumahin. Sa susunod na mga araw magiging abala na sila ng sobra ni Yvonne sa pag-aasikaso.
Naiisip niya si Liezel; wala siyang balita mula nang magbalik sila ng Manila. Hindi man lang sila nagkaroon ng pagkakataon sa Siargao; mabuti na lang at pinaramdam at pinakita ni Yvonne ang pagiging clingy sa kaniya.
Napabalikwas siya nang bangon nang tumunog ang caller tone ng cellphone niya. Si Danilo ang tumatawag.
"Bro..." bungad nito.
"Bro, kamusta? Nandiyan ka na ba sa Ilocos?" tanong niya rito. Nagpaalam ito kanina sa kaniya na uuwi ng Ilocos at bibisita sa pamilyang naroon.
"Malapit na, Bro. Napatawag lang ako para itanong kung okay ba ang stocks mo dyan? Sapat ba sa tatlong araw na pananatili mo diyan?" anito.
"Okay na 'to, bro. Ako na lang ang bahalang bumili kung sakali, marami naman grocery store dito or magpa-deliver na lang ako online."
"Good. Oo nga pala naalala ko, may darating diyan."
Napakunot-nuo si Leonardo sa sinabi nito, wala naman itong binanggit sa kaniya kanina nang umalis ito.
"Buksan mo na lang ang pinto kung sakaling darating siya today."
"Bisita mo ba? Okay, Bro," aniya.
Siguro ito sa mga guest ni Danilo — may tatlong kwarto pang bakante sa resthouse nito't alam niyang sadyang pinapatuluyan iyon ng kaibigan kapag may bumibisitang kakilala; malapit lang kasi sa Burnham park ang lugar nito.
"Iyon lang, Bro. Mag-iingat ka diyan."
"Ingat ka rin sa byahe. Salamat."
Pinatay na nito ang tawag. Nagpasyang lumabas si Leonardo, baka dumating na ang sinasabing bisita ni Danilo; para naman mapagbuksan niya agad ito ng pinto.
Umupo siya sa sofa. Suot-suot niya pa rin ang jacket na pinabaon sa kaniya ni Yvonne nang umalis siya. Malamig nga raw ito at tama naman ang nobya niya. Nanuod ng TV si Leonardo, ililipat niya sana ang channel nang ilang sandali'y may kumatok na sa pinto. Ito na siguro ang sinasabi sa kaniya ni Danilo kanina. Mabilis siyang tumayo. Hindi na niya sisinuhin ito dahil kilala naman ito ng may-ari ng resthouse na iyon.
"Surprise..."
Nagitla mula sa pagkakatayo si Leonardo nang ang mapagbuksan niya ng pinto ay walang iba kun 'di si Liezel.
"What are you doing here?" napalunok niyang tanong dito.
Walang paalam itong lumapit sa kaniya't niyakap siya ng mahigpit pagkatapos pasipang tinulak ang dahon ng pinto para magsara ito.
"Do you miss me, Luv?" malambing na tanong ni Liezel sa kaniya. Tinaas nito ang dalawang kamay nito't payakap na hinarap siya.
"L-Liezel. Please. Hindi ka dapat nandito."
"Bullshit! I'm here na. Ano pa ba ang magagawa mo ha?" galit nitong saad sa kaniya.
Bahagyang iniwas ni Leonardo ang katawan nang linamukos siya ng halik. Hindi nya man lang nagawang umiwas nang damhin nito ang labi niya sa bisitang hindi niya inaasahang dumating; sa bisitang aminin niya man o hindi sa sarili nagbigay ito ng kakaibang sensasyon kung bakit niya naramdaman ang paninigas sa ilalim ng panloob niyang suot.