The Scandal | Chapter 16

1228 Words
"KANINA ko pa napapansing tahimik ka. Okay ka lang ba, Hun?" tanong ni Leonardo kay Yvonne. Kasalukuyan na silang nasa airport ng umagang iyon para sa Siargao quick vacation nilang tatlo kasama si Liezel; abala naman ang isa sa sariling cellphone nito sa may 'di kalayuan kung saan sila nakaupong dalawa ni Yvonne. Nang hindi na siya makatiis sa pananahimik ng kasintahan ay tinanong niya na ito, wala naman siyang nakikitang dahilan. Ang inaasahan niyang emosyon sa mga mata nito ngayon ay tuwa dahil nandito na sila ngayon tulad ng plano nito. "I-Iyong... I-iyong soccer cap mo? Matagal ko nang hindi nakikita sa 'yo. N-nasaan n-na?" tanong nitong hindi niya inaasahan. Napakunot-nuo siya nang tumingin siya rito. Pansin niya ang nanginginig na mga kamay ni Yvonne — inisip niya na lang dahil malamig din sa VIP room kung nasaan sila. "Ano'ng tungkol don?" "Gusto ko lang malaman kung nasaan. Paborito mo 'yon 'di ba?" muling tanong sa kaniya. "Knowing you kasi kapag mahalaga sa iyo, hindi basta-basta nawawala iyon. Unless! Ibibigay mo iyon sa espesyal sa 'yo, 'di ba?" aniya pa. Tiningnan niya ito ng mariin sa isip niya pilit niyang inaalala kung nasaan na nga ba ang tinutukoy ni Yvonne. Hindi niya na rin ito nakikita matagal na mula nang hindi na siya naging aktibo gaano sa soccer bago siya mag-propose dito. "Sorry sa tanong ko ha. Naalala ko lang kasi," anito. Lihim niyang binaling ang tingin kay Liezel. Wala siyang mahagilap na isasagot kay Yvonne— kilala niya ito hindi ito magtatanong sa kaniya nang wala itong inaasahang sagot niyang totoo. "N-nawala ko na iyon matagal na eh. Inaalala ko nga kung saan. Pero hindi ko talaga maaalala, Hun," pagsasabi niya ng totoo dito. Pinilit niya ring inisip kung binigay niya ba ito kay Liezel o minsan bang pinagka-interesan ito ni Liezel na hindi niya nalalaman. "Hun, nagsasabi ako ng totoo. Hindi ko talaga alam kung nasaan na iyon eh. Kung hindi mo pa nga pinaalala sa akin, hindi ko maalala kung saan na ba iyon. Baka nasa condo." "H-hayaan mo na. Naalala ko lang din naman." Hindi na siya nakapagsalita pa nang biglang dumating sa kanila ang isang waiter para abutan sila ng kape. "I-isa pa nga pala—" "Ano iyon?" "Nanaginip ka kagabi. Para kang umuungol at may tinawag kang love? Sino iyon, Le?" Halos maibuga niya ang kapeng iniinom niya sa biglang tanong sa kaniya ni Yvonne. Wala man lang itong preno. Nagpahid siya ng bibig niya't kunot-nuong tiningnan ito sa mga mata. "Ano'ng tanong yan, Vonne? Nagpapatawa ka na ngayon ha." "Hindi ako nagbibiro, Leo." Sinabi nito sa kaniya ang nangyari mula sa bago sila matulog hanggang sa hindi ito makatulog at piniling magpa-antok sa pamamagitan ng pag scroll sa fanbook nito. Ni hindi niya magawang lumingon sa gawi ni Liezel at kung bakit hanggang ngayon ay abala pa rin ito sa kausap nito sa telepono. "H-hinde ko alam kung ano ang isasagot sa iyo, Vonne. Wala akong matandaan—" "Kasi?" "Kasi.. hindi ko alam kung bakit ganoon ang panaginip ko, siguro hinde nangyari ang gusto kong mangyari kagabi sa ating dalawa. Promise, Yvonne. Wala akong matandaan." Hindi niya alam kung naniwala ba ito sa sagot niya kaya bigla itong tumahimik at wala nang naging tanong pa hanggang sa tawagin ang pangalan nilang tatlo. Sinundan niya lang ng tingin si Yvonne. Umiwas itong magpaalala sa kaniya at patuloy sa pagpapatiunang paglalakad; nilingon niya si Liezel. Tumaas ang kilay nito nang sinalubong siya ng tingin. Gusto niya itong kausapin kung nakausap ba ito ni Yvonne at kung bakit ganoon na lang ang pagiging mausisa ng nobya niya sa kaniya. HINDI alam ni Yvonne kung maniniwala o naniniwala ba siya sa lahat ng mga sagot sa kaniya ni Leonardo kanina sa airport. Hindi niya ito iniimik hanggang sa makarating sila sa villa sa tutuluyan nila rito sa Siargao. Malapit lang ito sa magandang karagatan na hindi niya pagsasawaang balik-balikan; ang lugar na kailanman hindi niya magawang makalimutan dahil dito nag-propose sa kaniya si Leonardo. Nagpatiuna siya sa loob at pinili niyang iwan si Leonardo sa labas ng nirentahan nilang kotse; si Liezel pumasok na ito sa silid niya nang magpaalam sa kaniya. Gusto niyang komprontahin si Liezel tungkol sa soccer cap na kanina lang ay tinanong niya kay Leonardo. Pinigilan niya lang ang sarili. Para sa kaniya darating din naman ang panahon na ito mismo ang magsasabi ng totoo. Ayaw niyang masaktan ngayon. Sawang-sawa na siya sa lahat ng pinaramdam sa kaniya ng mundo mula nang bata pa siya; ang mommy niya ay r**e victim ng daddy niya; ang malaking eskandalo sa pamilya nila. Pero dahil magaling magtago ang mga magulang niya kaya walang nakakaalam n'on. Hindi niya nga alam kung paano natanggap ng mommy niya ang daddy niya kahit na ginahasa niya lang ito; nagtaas ng tingin si Yvonne, ayaw niya nang maalala ang lahat ng mapait na karanasan na iyon. Nagpahid siya ng luha. Tumayo siya't tuloy-tuloy na pumasok sa sariling banyo sa silid nilang dalawa ni Leonardo. Muli niyang naalala ang sariling ina nang buhay pa ito; hindi sya nagawang mahalin nito. Lagi na lamang siya pinapagalitan, naintindihan niya lang ng sabihin ng daddy niya ang totoo. Napasinghap siya nang maalala ang mga sagot sa kaniya ni Leonardo kanina. Tulad ng sinabi niya kay Janice, kailanman hindi nagsinungaling sa kaniya si Leonardo sa loob ng limang taong magkasintahan nilang dalawa. Gusto niya pa rin humawak na totoo ang lahat ng mga sinabi nito. "Vonne.. Hun? Nandiyan ka ba?" Napalingon sa may pinto si Yvonne nang marinig ang katok at tawag ni Leonardo sa kaniya. "Vonn. Hun? Gusto mo bang mamasyal? Pasyal tayo? May motorsiklo akong kinuha for us.. Hon," anito. Napakuyom ang kamao ni Yvonne. Nanginginig ang laman niya sa sama ng loob sa mga bagay na hindi niya magawang makumpirma. Pinipilit niyang ikalma ang sarili. Tinitimbang ang sarili kung pagbibigyan ba si Leonardo sa gusto nitong mangyari. Aminin niya man o hindi — gusto niyang makasama ito. "Vonn.. Open the door. Please. Alam kong something wrong. Open this door, Yvonne!" seryoso nitong untag sa kaniya nang hindi man lang siya nagsasalita sa loob. "Yvonne, I'm telling you! Open this door. Please." Dahan-dahang lumapit si Yvonne sa pinto nang gumalaw-galaw ang seradura't pinipilit buksan ni Yvonne sa labas. Humigit siya nang hininga't nagbilang ng isa, dalawa, tatlo bago buksan ang pinto. Tumambad sa harap niya ang nagtatanong na mga mata ni Leonardo. "Anong nangyayari? Hindi ka pa rin ba maka-move-on sa soccer cap na iyon? Sa panaginip kong umuungol ako ha?" mariin nitong tanong sa kaniya. "O-oo," pagsasabi niya ng totoo dito. "D-dahil hindi ko alam kung nagsasabi ka ng totoo sa akin, Leo!" "Yvonne! Ikakasal na tayo. Ano ba? Hindi kita lolokohin kahit na may mga bagay kang hindi kaya ibigay sa akin!" natatawa pang pagkakasabi nito sa harap niya. Tiningnan niya ito sa mga mata. Umiwas siya ng akma siya nitong hahawakan. "Vonn.. I'm sorry! I'm sorry! Nabigla lang a-ako." Tiningnan niya sa mga mata si Leonardo. "Ipapaalala ko lang sa iyo. Daddy ko pa rin si Arnaldo; at alam mo iyong kaya niyang gawin oras na niloko mo ako, Leo! Kaya huwag kang magkakamali! Dahil baka mag-reunion kayo ng pamilya mo sa presinto! Hindi ako manghihinayang mawala ka!" matapang niyang turan dito. Tinalikuran nya nang hawiin niya ang kamay nito nang akma siyang yakapin ni Leonardo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD