I told him na sa kanto lang ako and wag na ihatid sa bahay. But he insists malapit naman na daw kahit sa labas lang ng gate. Sinabi ko na mapapagalitan ako lalo kapag nakitang may naghatid pa sakin. So, here we are in front of our gate. Pinagtitinginan lang naman ng mga kapitbahay.
"Uy Seah! Ikaw pala yan, ganda ng motor" Joel said.
"Boyfriend mo Seah?" Bingo
"Nako si Seah, nagpapahatid ka na akala ko ba anak ni kap yung boyfriend nyan"
"Nako Mare ang balita ko yung anak ni senator Go, nakita ni natasha naka post sa i********:"
Nang makababa ako I told him to go, binubuksan ko ang gate kaso nakakawit na kaya tinatawag ko sila mama at papa.
"Ma!!!! Pa!!!!! It's me Seahhhh"
"Wala kaming kilalang Seah dito!" Mama shouts while opening the door.
"Ma! May anak kayong maganda sa labas hindi nyo ba papapasukin? Dami nang lamok dito pinag pipyestahan ako."
Saying while looking at those people.
Kaya binuksan nya na ang kawit ng gate namin. It's a barrier gate kaya kita sa labas.
Papalabas na si mama sa gate ng makitang may kasama ako.
"You can go now! Can't you see dumadami yung tao sa ugong lalo ng motor mo. I'm expecting you tomorrow, Go! and take care"
"Hoy anong take care! Sino yan ha! Nagbo boyfriend ka nang bata ka! Hindi ka ba sumusunod sa usapan natin."
habang kinukurot ako sa tagiliran.
Nagtanggal ng helmet si Kaizer at bumati kay mama. Nakangiti ito kaya nginitian na lang din nya.
"Good eve po... I'm Kaizer, classmate po ako ni Seah. Pasensya na po ginabi na kami. I'll go na din po."
Hindi na nakapagsalita si mama at tumango na lang. Nauna na akong pumasok dahil mase sermonan talaga ako at nakakahiya sa kapitbahay. Umandar na din ang motor nya para umalis.
"Oh! May artista ba? Mag si tulog na kayong lahat!"
Pumasok na din sa loob si mama at hindi na tumigil ang pagbubunganga nya. Lagot talaga.
"He's my classmate ma! We're partners in research project tapos may report pa kami for tomorrow. He's a pain in my a*s anyway."
"Tigilan mo ko sa kaartehan mo Seah! Kanina pa tawag ng tawag ang papa mo sayo"
Nagbless ako kay Papa. Late na talaga at hindi ako nag paalam na kasama ko si Kaizer sa isang restaurant. Pag nalaman nila for sure iinit lalo ang ulo nitong si mama.
"Yang anak mo may naghatid ng motor sa labas. Ano? Seah nginitian ka lang sumama ka na? baka nakakalimutan mo na lahat..."
Tuloy pa din sya sa pagsasalita at ayoko nang pansinin. Nagsalita naman si papa.
"Tanungin mo muna bakit hinatid sya. Bakit ba kasama mo yon anak sino ba yon?" Tanong ni papa."
"Classmate ko po sya pa. May report kami tomorrow ilang araw kasi siyang absent bago kasi yun wala akong contact nya tapos partner ko pa sa project namin. Nagtext naman po ako na sa academy lang naman kami nagstay for preparation."
"Yun naman pala eh tama na Zenny. Nagmagandang loob lang naman para ihatid si Seah." Si papa habang nanunuod ng balita."Pero sa susunod magpasundo ka na lang saakin dahil nag aantay ako ng text mo"
Paano? Eh hindi pa naman gawa ang sasakyan kahit I text ko si papa.
"Isa ka pa Andrei wag kang pumatol sa sinasabi ng anak mo, sawang sawa na ako sa ganyan si Madi Allison ganyan din non tapos ano? Maagang nabuntis nakita mo yung naghatid sakanya Gwapong bata mukang mayaman at mukang madaming babaeng nahuhumaling.."
"Ma.....!! It sounds so gross. I'll go to my room Bahala nga kayo jan!"
"Kumain ka muna Seah"
"It's okay pa I'm full. Nag order kami ng food sa school. Goodnight"
Pagsara ko ng pinto tsaka ako huminga ng malalim. It's a heavy day today and full of unexpected things. Pero I need to talk to kuya to convince him para sa 20k dahil pumayag na si ate Madi at nagpadala na sya sa account ko. Ayokong tanggapin ang offer ng Mommy ni kaizer. Mawawalan ako ng focus kapag nakasama ko pa sya ng matagal.
Kinabukasan maaga akong bumangon nakakainis na din 'tong phone ko hindi na nag aalarm palitin na talaga. Makakabili na sana ako next month galing sa ipon ko kaya lang I need to save money magastos ang graduating kaya I need more side hustle na swak sa oras ko.
As usual my needs are ready, my breakfast and my baon is prepared. Maagang umalis ang parents ko for work. This is my life sa ganitong paraan sila bumabawi busy man sila pagdating sa trabaho, nagagawa pa din asikasuhin ang kailangan ko. I don't do house hold chores hindi nila ako pinapagawa, kung kumilos man ako sa bahay ay konting walis lang. May washing naman kami pero automatic washing na mas convenient gamitin.
Nang makarating naman ako sa school natanaw ko na ang iba kong mga kaklase, nagpunta muna ako sa locker para ilagay ang ibang gamit ko. Andaming mga students dito halos buong school ba naman dito naglolocker unless you're in gym syempre sa ganung part ng facility may ibang locker naman or else may sasakyan no need to put their things here.
Someone pushed me and honestly ang sakit tumama yung face ko sa locker buti na lang kahit papaano I managed my weight.
"I'm sorry may tao pala! Natulak kase nila ko so I am bound to you."
Pagtataray nito at sya pa ang mukang na agrabyado.
"Sorry? Kahit sinadya?" Maeish said. Magkatabi lang kase kami ng locker and also Marie.
"Pay attention to whom you are bound with! Hindi ka naman siguro tanga? Or nagtatanga tangahan lang?" I told her And walk away.
Nagtinginan ang mga nakarinig at nagtawanan at nag bulungan naman yung iba, may mga napa sigawan pa ng ohhhh... to add the fire to it. But no! Bill said I need to be extra careful dahil graduating na ako. So, Patience and being calm is the first thing to do, pero sana kayanin ko.
Pagdating ko ng room wala pa din si Kaizer mukang ako lang ata ang gagawa ng grades ko ngayon. Napahinga ako ng malalim to let the stress out. Kailangan ko na ata mag gym to make my mind think clearly.
"Serra! Ayaw ka atang kapartner ni Anasco laging wala no?." Sthella said.
"Shut up! I don't care about your opinion Sthella!"
If I only punch your mouth to shut it off malamang ginawa ko na. Aga aga mga panira ng araw!
"Sthella tigil tigilan mo si Serra kahit ako naririndi sa dami mong side comment!"
Pag tataray naman ni Marie.
"Badtrip yarn? Bawal ma stress sayang ang mga ganda girls" Maeish said
Nagtawanan na lang kami tatlo. Maya maya ay dumating na ang Sub teacher who will be grading our report. Sub teacher ang humaharap kapag may report, this is to test kung gaano kagaling humawak ng klase. It's about the Student-Teacher act, we consume the whole time teaching pwede din kami magbigay ng activity after, basta the whole class is yours. Ang gagawin lang ng sub teacher ay makinig and observing of course the most important role is giving us grade and feedback after our performance.
Pumunta na ako sa harapan at ininsert ang usb sa laptop. Inayos ko muna at tsaka kinonekta sa screen.
And then I start my lesson. Tahimik naman nakikinig ang buong klase. When someone interrupts me while speaking.