Malapit lang naman ang lalakarin ko papunta sa bahay namin. Here's the reality for me. If I were to describe the families here sila ang totoong isang kahig isang tuka. Hindi kagandahan ang mga bahay at maraming nakatambay sa labas. Pero same ang lahat dito nag kakaisa natutulungan kahit maraming chismosa. I had happy childhood memories here.
In our status now swerte na ako, because my parents are hardworking. They secure our daily needs for living. Thankful pa din ako dahil nasusuportahan nila ang pag aaral ko sa academy. Kaya ako I don't want to rely on them when it comes to my luho dahil kung ano lang ang kaya nilang iprovide hindi na ako nanghihingi pa, malaki ang budget sa allowance ko para sa kinikita nila. So I need to support my own lifestyle which is my luho. That's why I'm side hustling.
I'm securing my future for me and for my family. I trust my parents and they know what's the best for me. And soon I know I will be successful in life. If that happens makakatulong ako sa mga taong andito.
Nang malapit na ako sa bahay namin ay nakita kong nakatambay sa computer shop ang ilan sa kabataan dito.
"Yon napakaganda naman ng nakikita ko ngayon Hi Seah! Baka pwede mo na akong sagutin"
ani Joshua. Natawa naman ako dahil sanay na ako sa kalokohan nila.
"May boyfriend na yan si Liam anak ni Kap, kaya laging na uuna tayo sa bigayan ng ayuda dito. Tama yan Seah utak dapat ang ginagamit sa ganda mong yan. Wag kang gagaya sa mga to." Si kuya bilo, kabarkada sya ng kuya ko.
"Nako nakalaan na yan sa anak ni Mrs. Tan, malaking tulong sila sa atin pag si Seah naging tagapamahala big time tayo dyan."
Dagdag ni Jonas.
"Seah hinahanap ka nung mga dayo dito ng basketball kahapon, Gusto makipag kilala nagulat sila dito ka lang daw pala nakatira matagal kana daw crush." sagot naman ni bingo.
"Mga loko talaga kayo, Sige kapag natyempuhan na andito ako walang problema, Ge pasok na ko"
Dito na kami lumaki, namulat, nag kaisip ng magkakasama. They're so close to my kuya. Barkada niya ang mga yan, kasama sa kasihayan at lalo na sa kalokohan. My environment here is our reality. As I said masaya at safe kaya hindi na kami lumilipat.
I open our small gate, na sakto lang ang isang sasakyan at isang motor. it's just like a metal gate barrier actually kita pa din ang labas para lang may security na hindi magasgasan or matamaan ng bola yung kotse, lalo na madaming mga bata ditong naglalaro.
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Naabutan ko si papa na kakauwi lang.
"Pa, ikaw pa lang po? Kailan makukuha yung sasakyan?" sabay ang pag mano ko.
"Godbless. Yung sasakyan baka sa isang araw pa. Mag hahain na ako mauna na tayong kumain O.t daw ang mama. Kumusta naman sa school mukang unang araw pa lang pagod kana"sagot ni Papa.
"Hindi naman Papa. Ang ganda ko namang pagod. Sisipagan ko lalo ngayong graduating na"
Natawa naman kaming dalawa.
"Sige pero wag kang magpagod masyado humingi ka ng tulong kapag kailangan, wag mo saluhin lahat anak mag message ka sa ate at kuya mo para matulungan ka sa mga projects na kailangan mo, isang taon lang naman na at makakapagtapos kana"
"Kaya ko pa naman pa, don't worry too much, kuya and ate are busy with their families kung may tutulungan man sila, dapat kayo yung unahin nila ni Mama"
Bunso ako sa magkakapatid. Si kuya Nite ang Oldest samin maalaga sya, mapagnahal na kapatid, pilyo nga lang naspoiled dahil unang apo. He's friendly at magaling makisama. Pero nung high school may ginawang kalokohan kaya nagka bad record at na expelled, ayun at hindi nakapagtapos ng pag aaral. His bad record linked to my sister kaya dropped out sa Don Mariano high napag iinitan lagi. So, she decided to stop and transfer in Bohol. Kaya ako hindi na ako nakipagsapalaran mag try na mag enroll pa sa DM high.
Hindi maganda ang background namin dahil sa kalokohan na nagawa ng kuya ko kaya pati ang ate ko hindi na nagawang pumasok at magpasyang ilipat na lang sya. Sa Bohol nya ipinagpatuloy nag pag aaral nya ng highschool sa pangangalaga ng lola ko.
Now my Kuya Nite is 28 years old, he's in Quwait working for his own family. Four years na sya doon.
While my sister naman is 25 years old. She's five years residing in Canada with her husband. They were married 4 years ago. Hindi naging issue ang anak nya sa pagkadalaga. Maaga siyang nagka-anak, They said anak ng mayor sa bohol ang na kabuntis sa kanya. She's in so much trauma before, galit na galit ang parents ko sa kanya dahil hindi na din sya nakapagtapos ng pag-aaral. But now she's in good hands with 2 children.
Naging okay ang buhay ng mga kapatid ko sa tulong nina Mr and Mrs. Tan. Malaking tulong sila sa pamilya namin, gayun din sa mga kapitbahay namin at kalugar dito. They are the owners of Elica Company. Wherein my Mama's work, she's janitor nung nagstart sa Elica and now she's the secretary of Mrs. Tan. Sya ang pinag kakatiwalaan at laging kasama ng may ari ng Elica. Most of our neighbors work as production workers in Elica. The company of beauty products. Maging ako hindi ko na kailangan pang bumili ng beauty products. Alagang elica lang.
My papa is foreman, contractual naman ang trabaho nya, depende sa projects na ipapagawa at masyado syang hands on sa trabaho. Malaking tulong din ang Elica sa kanya.
Oh my gosh! What time is it?"
As I opened my eyes. Nagsink in lahat sakin. School days are now starting again and I should adjust my daily routine nasanay na late na gumising. My Breakfast is ready and my lunch is already packed but there's no one left here but myself.
Nagmamadali na akong maglakad papasok sa gate ng Academy. I smiled at kuya guard and greeted them good morning.
"Good morning din Serra, Scholar ka diba bat late kana? may exam pa naman kayo, diretso ka sa Library room don daw kayo mag eexam"
Oh my gosh! My eye narrowed when I heard that hindi na ako dumaan sa locker at nagmamadaling tumatakbo. s**t seryoso as in ngayon?
Bakit hindi ko alam sabi mag aadvice sila. Nang makarating na ako sa room nakita ko nagsisimula na nga. I only booked a ride kanina kaya natagalan din ako makapasok.
"What's your name and year level?" May pagtataray na tanong ng nag aasist.
"Serra Athisa Alvarez, Senior Highschool ABM Strand"
"We gave you an invitation hindi mo ba nabasa at late ka na? Seriously you're one of the candidates for scholarship? How irresponsible!" Pagsusungit nito.
"Actually I didn't receive any information ma'am, where did you send the letter po?" Sabi ko while giving my ID
"In your locker. We don't have access in your active emails to send messages, So the fastest thing we can do is to insert a letter in your locker, unless you don't check it! and that's impossible, Go on get this! find a vacant seat!"
Her brow raised. Dinig ng mga examinees ang usapan namin. They are all answering the papers iba't ibang year level ng buong academy ang andito. Elementary and Highschool at apat kaming senior high na mga classmates ko. Lahat ay sasalain at ilan naman kaya ang pipiliin. Kung nakita ko lang sana ang letter agad.
I'm still shocked right now but I need to focus. Some of the students are done after almost an hour, and here I am at binibilisan ko na yung pag sagot dahil late na ako I need to finish this atleast kahit alanganin na ako sa iba. Yung math problems talaga, I'm so worried halos iyakan ko to lagi dahil kay Sir Tami, paano naman sa sobrang galing nya magturo mabilis ang facing ng lessons at ikaw na bahala kung makakasabay ka o hindi.
"Everyone time's up finished or not finished pass your papers!"
Pag aanunsyo nito.