CHAPTER 8

1087 Words
"Nabusog ka ba?" Tanong nya sakin habang naglalakad kami. Ayaw nyang mag bisikleta dahil daw kakakain lang daw namin. Kaya eto kami ngayon at naglalakad at hawak nya ang manibela ng bisekleta nya. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. "Salamat pala ahh. Hayaan mo babawi ako sayo bukas! Ipagluluto kita ang pagkain." Pagpapasalamat ko. "Kahit huwag na." Aniya. "Tsaka hindi mo naman ako makikita bukas sa school" Dagdag pa nya na ikinatigil ko. "Bakit naman?" Tanong ko. Tumigil ito at tumingin sakin. "Kase busy ako." Simpleng sagot nya. Sumimangot naman ako. "Pero pinuntahan mo ko sa library nung nakaraang araw." Ani ko. Pinisil naman ni Arabelle ang pisngi ko. "Ikaw ah, nakakailan ka na kakapisil ng pisngi ko." Sabi ko sa kanya. Tumawa lang ito at naglakad na. Naglakad na din ako. "Nung nakaraang araw kase ay nandun ako non para magbasa." Pagpapaliwanag nya. "Kahit na, pupuntahan parin kita bukas. Magpapasama ako kay Eya pumunta sa section nyo." Pamimili ko. Napabuntong hininga nalang si Arabelle. "Ganito nalang." Paninimula nya. "Hihintayin nalang kita bukas ng tanghali sa gilid ng building ng library tas dun tayo kakain? Okay ba yon sayo?" Tanong nya sakin. Tumango naman ako. Nakita ko namang ngumiti ito at tumahimik na. Hindi talaga nakakatakas sa paningin ko ang ngiti ni Arabelle. Nang makarating kami sa harapan ng bahay ni tita Paula ay nagpasalamat ulit ako sa kanya. Tulad kahapon ay hinintay muna nya akong makapasok sa gate bago ito umalis. Nawala ang ngiti ko ng makita ko si tita na parang hindi mapakali sa harapan ng pinto at may tinatawagan. Nang makita nya ako ay mabilis itong naglakad papunta sakin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi naman ako makagalaw sa inasta ni tita. "Thank God, okay ka. Saan ka ba nagpunta? Pinag alala mo ko." Sunod sunod na aniya. Hindi parin ako makapagsalita dahil sa gulat pero binawi ko ito at tumingin kay tita bago magsalita. "N-naglakad lakad lang po ako sa labas. Natakot po kase ako kanina p-pero okay naman na po ako." Sagot ko. "Pasensya na nak ah. Nakita mo pa kami nag away ni Marion." Aniya. "Okay lang po tita. Sorry po dahil umalis ako ng hindi nagpapaalam." Paghingi ko ng tawad. Pinatawad naman nya ako at inaya na nya akong pumunta sa loob na parang walang nangyari. Arabelle's POV "Eto na po pala Aling Josie yung bisekleta ni Rowan. Salamat po." Pagsosoli ko sa bisekletang ginamit ko. Ngumiti naman si Aling Josie sakin at mukhang alam ko na ang nasa isip nito. "Wala iyon nak. Halata namang nag aalala ka sa magandang dalaga na iyon." Nakangiting ani nito. Natatawang napailing nalang ako sa sinabi ni Aling Josie. Sa lahat ng mga kakilala ko dito sa Las Predas ang pamilya talaga ni Aling Josie ang pinakamalapit sakin. Dito kase ako tumatambay pag tumatakas ako sa bahay namin. Si Aling Josie na ang tumayong ina sakin tuwing wala ako sa bahay. "Ate Fransi, talaga bang walang boyfriend yung kasama mo?" Tanong ni Rowan. Binatukan ko naman sya. "Wala nga, kakulit mo talaga." Sagot ko. "Kung ganon. Liligawan ko nalang" Aniya na ikinasama ng itsura ko pero may naisip akong pambawi sa kaya. "Gawin mo. Sasabihin ko kay Daisy na crush mo sya." Nakangiti kong sabi na kanya. Nakita ko namang lumukot ang mukha nya at parang nasusuka pa. Kaarte talaga nitong si Rowan. "Yuck! Eww! Kadiri! Dun nalang ako kay Luke noh!" Sigaw nya. Yeah. Bakla talaga itong si Rowan pero nainis talaga ako sa kanya nung sinabi nyang liligawan nya si Judy. Kung hindi ko lang alam na bakla ito, baka hinitak ko na ito palabas sa karinderya nila. "O tumigil na kayo dyang dalawa." Pag aawat samin ni Aling Josie. "Magkwento ka naman kung paano nakilala yung magandang dalagang iyon nak." Aniya na ikinangiti ko. Tutal wala pa namang bumibili kaya pwede akong magkwento. "Nakita ko sya sa waiting shed, dyan lang sa kanto nung unang araw ng pasukan." Panimula ko. "Nung time din na yon ay tumakas ako samin. Papunta na sana ako sa street fight para magpaalis lang ng init ng ulo." Kalmadong ani ko pero may galit parin na lumalabas tuwing naiisip ko iyon. Naramdaman kong hinawakan ni Aling Josie ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. Alam nya kase ang nangyari non dahil nandun sya sa bahay. Alam din nya kung anong street fight ang sinasabi ko. Hindi iyon tulad ng normal na labanan lang. Buhay sa buhay ang nakasalalay don. Hindi lang ako ang nag iisang babaeng lumalaban don dahil may magagaling din akong nakalaban na babae, but unfortunately, hindi nila ako kinaya. Hindi ito ipinagbabawal dahil konti lang naman ang nakakaalam kung ano ang street fight at kung saang lokasyon ito. Bumuntong hininga muna ako bago magpatuloy. "Habang naglalakad ako, nakita ko sya doon at parang naghihintay ng masasakyan. Napakasimple ng ayos nya at sumimangot pa sya non na ikinaganda nya sa paningin ko." Nakangiting pagkukwento ko habang inaalala ang mukha ni Judy noon. "Tas ayun, kahit hindi ako naka yuniporme, pumunta ako sa school ng nakajacket at pantalon lang. Hanggang sa nagpatuloy yon at tinulungan ko sya sa library. Nahulog pa nga sya non dahil sa sumulpot ako at sinabihan akong parang bampira." Natatawang kwento ko. "Tas kahapon, I nervously asked for her number. Then she genuinely gave it to me like I'm not stranger to her." "In love ka ate Fransi." Napahinto ako sa sinabi ni Rowan. "A-ako? In love?" Tanong ko. Tumango naman ito. "Diba nay, in love si ate Fransi?" Tanong nya kay Aling Josie kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko namang nakangiti lang ito samin at walang sinabi. "Kase kung hindi ka in love, bakit ka nagkakaganyan kay ate ganda kanina? Hindi ako expert pero sigurado akong in love ka, mga one hundred percent pa." Dagdag nya. "Alam nyo, ang babata nyo pa para dyan pero eto lang ang masasabi ko nak. Ingatan mo ang taong mahal mo, kase kung hindi, magsisisi kang pinakawalan mo yung taong iyon." Aniya na ikinatahimik ko. "Ay pak! Nanay ko yan!" Pagmamalaki ni Rowan. Natatawang napailing nalang si Aling Josie habang hinawakan ang kamay ko at nginitian ako. "O sya, may mga tao na. Kailangan ko ng pumunta don." Sabi ni Aling Josie at umalis na sa harapan namin. Sumunod naman na si Rowan dahil tutulungan na daw nya si aling Josie dahilan para ako nalang ang maiwan dito. "Ingatan mo ang taong mahal mo, kase kung hindi, magsisisi kang pinakawalan mo yung taong iyon." So I am in love....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD