Judy's POV "Tita!" Masayang sabi ko habang tumatakbo sa kanilang direksyon. Nakita ko namang napatayo sila Tita Yvette at tita Paula sa kinauupuan nila, ganun din sila Yvisma at Ywena na masayang tumakbo para salubungin ako. Nang nasa harap nila ako ay lumuhod ako para pantayan sila at ibinuka ang kamay dahilan para yumakap sila sa akin. Napa ngiti naman ako at tinadtad sila ng halik dahilan para makiliti sila. "Ate Annie stop na." Natatawang ani ni Ywena. Kaya natatawang sumunod naman ako at ngumiti sa harap nila. "Kamusta kayo dito?" Masayang tanong ko. Nakita ko namang sumimangot si Yvisma. "We're bored po kase wala ka." Aniya na ikinangiti ko naman. Pinisil ko naman ang kanyang pisngi dahil sa ka-cute-tan nya. "Andito naman na si Ate Annie oh, dapat di na kayo bored." Masayang a

