I quickly ran outside the shop but before I could get closer to the car ay nahapit nako ni Justine sa baywang ko upang pigilan ako sa paglapit sa naglalagablab na apoy ng sasakyan. Nagpupumiglas ako sa hawak nya, pinipilit kong kumawala habang nagsisigaw sa pangalan ng anak ko. Kinakalmot ko si Justine sa kung saan ko sya mahawakan upang bitawan nya ko. Hinarap ko si Justine, malakas na sinuntok ko sya sa kanyang dibdib, sunod sunod, I was crying, tinutulak ko sya, sinampal ko ng malakas, sobrang lakas nagbabakasakaling bitiwan nya ko this time, ngunit mas hinigpitan lamang nito ang hawak sa akin. 'Di iniinda ang p*******t ko sa kanya. Tinulak ko sya, inubos ko lahat ng lakas ko ngunit napakatigas nya. Hinarap ko ulit ang natutupok na sasakyan, hinila ako ni Justine palayo dito, nagpapad

