Journal Entry 4: The Birth of GAGO part 2

1258 Words
Dear Diary, For the past few weeks, we spend most of our after school making out instead of studying. We were still studying, but with a different lesson. She teaches me almost everything I need to know about s*x. From kissing to foreplay and different s*x position. Her intelligence was not limited to academics but extended to fornication. Lagi kaming magkasama. Tuwing umaga sinusundo ko siya sa bahay nila at sabay kaming pumapasok sa school. Hinahatid ko rin siya pauwi pagkatapos ng lessons ko sa kaniya. Kinaibigan ko rin ang lahat ng friends niya. Lagi ko rin silang inililibre dahil lagi silang sumasama sa mga lakad namin. Ewan ko ba kung bakit lagi silang nakabuntot kapag lumalabas kami ni Señorita. Wala na tuloy kaming privacy. GAGO's Lesson 101 no. 14: Be friends with her friends - Gustuhin mo man o hindi ay kailangan mong maging close sa mga friends ng taong napupusuan mo. Malaki ang impluwensya nila sa girlfriend mo at ang payo nila ang kadalasang pinakikinggan nito. They can be your good friends or your worst enemy. I was the perfect boyfriend. At least I'd like to think so. I showered her and her friends with gifts. I gave her everything she asks. I did everything she tells me to do. Halos hindi ko na nakikita ang mga tropa ko dahil lagi na lang siya at ang mga kaibigan niya ang kasama ko. I isolated myself from the world and made her my world. I became her slave. I don't really care what other people think or say. All I know is that I am happy when I'm with her. Maubos man ang lahat ng allowance ko dahil sa pagiging high maintenance niya ay ayos lang. Masaya ako kapag nakikita ko siyang masaya. Everything is perfect. Until one day, I was on my way to pick her up from school when I saw her with another man. I recognized him. Siya ang ace player ng basketball team sa ibang school. He was the same age as her. Mukhang may kaya ang pamilya niya dahil sa gara ng sasakyan niya. Naka Dodge Challenger ang kumag! Gusto ko sanang lumapit para alamin kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanila.  Bigla akong natigilan na parang nakapako ang mga paa ko sa lupa nang makita kong naghalikan sila sa harap mismo ng mga kaibigan ni Señorita. Sa tapat pa ng gate ng school nila. Halos madurog ang puso ko sa sakit! Ang laki na ng investment ko sa kaniya! Deym, ako ang nagtanim! Ako ang nagdilig! Ako ang nag-alaga! Pero iba ang umani at kumain! Bakit niya nagawa sa akin ‘to? Ano ba ang nagustuhan ni Señorita sa kaniya? Dahil ba mas matangkad, gwapo, mayaman, matipuno at macho siya kaysa sa akin? Sus, para iyon lang at dahil ano... kinulang ako sa height, sa muscle, sa yaman at sa gandang lalaki? Teka kaunti lang ang lamang niya sa akin. Ilang paligo lang! Correction ilang tabo lang! Hindi ko na nagawang lumapit sa kanila. Pinanghinaan na ako ng loob sa nasaksihan ko. Wala akong nagawa kung hindi ay ang pagmasdan sila habang sumasakay sa sasakyan ng damuhong iyon. Mabilis niyang pinaharurot ang kaniyang sasakyan at naiwan akong sinasamsam ang usok galing sa tambutso ng bwakananginang lalaking iyon. Sa inis ko ay nakapagsalita ako ng mura na sadyang nilikha para sa kaniya! GAGO's Lesson 101 no. 15: Do not give everything to her and save some for yourself - Dahil sa kaniya ay maraming nasayang na panahon at higit sa lahat ay nasayang ang lahat ng feelings na in-invest ko. Nang dahil sa kaniya ay wala na akong pang DOTA! Hindi na rin ako maka-gimik kasama ng mga tropa ko dahil nilimas na niya at ng mga linta niyang mga kaibigan ang allowance ko. Highschool pa lang ako noon and DOTA is Life! The next day ay pumunta ako sa coffee shop kung saan sila tumatambay ng mga linta niyang kaibigan. Gusto ko siyang kausapin at itanong kung sino iyong lalaking kasama niya kahapon. "Puwede ba tayo mag-usap?" seryoso kong tanong. "Hi, Yujin! Sure regarding what?" nakangiti niyang sinabi. "Sino iyong lalaking kahalikan mo kahapon?" "Boyfriend ko!" buong pagmamalaki niyang sinabi. "Boyfriend mo?! Paano na ako? Akala ko ba ako ang boyfriend mo?!" tiim-bagang kong sinabi. Biglang nagtawanan nang malakas ang mga kaibigan ni Señorita. "Masyado ka namang assuming, Yujin." naka-ismid na sagot ng isa sa mga kaibigan ni Señorita na si Lily, hindi niya rin tunay na pangalan. Ako lang ang nagbansag no'n, Lily talaga kasi siya as in LILI-ma lang ang ipin. "Bakit? Sino ba ang nagsabing boyfriend kita? Hindi dahil sa may nangyari na sa atin ay tayo na?" mataray na sabi ni Señorita. "Hindi mo ba ako minahal?" nangingilid ang luha kong sinabi. "Mahal? Tss. Anong pinagsasasabi ng batang 'to? What happened between us is just pure lust." Lalo pang nagtawanan ang mga kaibigan niya na kumuha ng atensyon ng ibang tao na nasa loob ng cafe. Nakatingin silang lahat sa akin. "Binigay ko sa iyo lahat ng gusto mo. Ginawa ko ang lahat ng inutos mo. Pinakisamahan ko ang mga kaibigan mo. Bakit mo nagawa sa akin ‘to?" pigil ang luha kong sinabi. "Come on, Yujin! Ginusto mo rin naman ang lahat ng nangyari. Hindi ko na kasalanan kung sadyang tanga ka lang." tagos hanggang buto ang bawat katagang binitiwan niya. "Baliwala lang ba sa iyo lahat ng nangyari? Wala ba akong halaga sa ‘yo?" "Ang dami mo namang sinasabi. What's really your problem? Hindi ka naman lugi. Dapat pa nga magpasalamat ka sa akin. The favor is all on you! I've taught you everything you need to know about s*x! Do you think I want to be in a relationship with someone like you? Tingnan mo nga ‘yang sarili mo compared sa boyfriend ko!" natatawa niyang sinabi.  Nagdilim ang paningin ko ng mga sandaling iyon. Halos mawala ako sa sarili ko nang marinig ang pang-iinsulto niya sa akin sa harap ng maraming tao. Nakayukom ang mga kamao ko sa galit. Ipinikit ko ang aking mga mata ng mga sandaling iyon at pinilit na kumalma. Rinig na rinig ko ang tawanan ng mga tao sa aking paligid. Pero binaliwala ko lang ang mga iyon. GAGO's Lesson 101 no. 16: Never hit a woman - Kahit anong tindi ng kasalanan niya, kahit galit na galit at sobrang nasasaktan o binubugbog ka na, huwag na huwag kang papatol sa babae. Not without her consent. Unless humiling siya ng b**m. I opened my eyes and looked at them with disgust one last time. Lumakad na ako ng dere-deretso na hindi man lang lumilingon. GAGO's Lesson 101 no. 17 Learn to accept and move on – Narealized ko na hindi siya worth it sa mga luha ko. And that I'm a better person than her. Besides, she doesn't deserve me. Kaya nag-decide akong ituloy lang ang buhay kahit na wala siya. I did everything I could. I followed every stupid rules na nababasa ko sa libro on how to be a good boyfriend. Pero it's not enough. Anong napala ko sa pagiging mabuting boyfriend? WALA! Napagtawanan pa ako at natawag na tanga. Kaya sabi ko sa sarili ko ay last na ‘to. Hinding-hindi na ako magpapaloko. This time, I'll play with my own rules.  I will trust nobody. GAGO's Lesson 101 no. 18: Don't Get MAD Get EVEN – If you can't beat them, might as well join them.  Next time, when somebody f****d with me, I will f**k them back! Deeper and harder! Until they scream my name! I will show no mercy! Kung sino man si Mercy ay hindi kami close. Tutal gagaguhin lang din naman ako, eh di mag gaguhan na lang tayo! Goodbye Good Boy, Yujin, and Welcome GAGONG Yujin version 2.0!   Your Neighborhood GAGO, Yujin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD