Chapter 4 Temporary Wife

3205 Words
“Give me an heir and I will set you free…” Wait, what? Para akong nabingi sa sinabi niyang kundisyon. Namilog ang mga mata ko at gulat na gulat na tumitig sa kaniya. Ngunit nanatili siyang seryosong nakatitig lang sa akin at walang anumang maaaninag na pagbibiro sa mukha niya. “Anak? Pinilit mo akong magpakasal sa iyo, at sapilitan mo ring inangkin ang dangal ko para lang magkaanak o kaya ay anakan? Gusto mo lang ba talaga akong anakan?” may nginig ang mga labing pasumbat na tanong ko sa kaniya. Kahit yata biyakin ko ang ulo ko ngayon at ilabas ang utak ko, hindi magiging makatuwiran kailanman ang gusto niyang mangyari. “Yes! I didn’t mean to hurt you. But it was you who tricked me after taking my money. Malas mo lang dahil nagkamali ka ng taong niloko. I was humiliated by my family, friends and everyone who knew me. Kaya iyan ang kundisyon na ibibigay ko sa iyo. Bigyan mo ako ng anak sa loob ng taong ito at pakakawalan na kita. I will also give you a hundred million as your bonus. And you can get another hundred million if you nurse the child for a year,” dire-diretsong saad niya na lalo namang nagpagimbal sa akin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napakurap para lang iproseso ng utak ko ang mga pinagsasabi niya. Ni hindi ko alam kung paano sasagot nang hindi magwawala at ipamukha sa kaniya na para siyang baliw sa mga pinagsasasabi niya. Tama! Baka nababaliw na nga ang lalaking ito sa gusto niyang mangyari. Masamang tao ba ako sa nakaraang buhay ko at humantong ako sa isang psycho? “Alam mo, Romano, hindi ko talaga ma-gets kung ano ang gusto mong ipakahulugan. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasasabi mo. Una sa lahat, hindi pa ako handang magkaanak. Ni hindi pa nga ako handang mag-asawa pero napilitan akong magpakasal sa iyo dahil sa pananakot mo sa akin. Ni hindi mo pa nga sinasabi sa akin kung paano kitang niloko? Nasisiraan ka na ba ng bait?” may halong pang-uuyam na sagot at tanong ko. Hindi ko na kasi alam kung ano pa ang iisipin sa nangyayari sa pagitan namin ngayon. Kahit pa sinong matinong tao ay hindi gagawin ang mga gusto niyang ipagawa sa akin. Unless nababaliw na nga talaga siya! “I’m not crazy! I am just stating a fact. Well, nasa sa iyo naman iyan. Wala namang problema sa akin kung magsama tayo bilang mag-asawa hanggang sa handa ka nang magkaanak. Basta hindi mababago ang kundisyon ko. Give me an heir, and I will set you free. Period!” pinal na niyang saad. Muling umawang ang mga labi ko dahil mukhang wala talaga siyang balak magpatalo. Hindi tuloy ako nakaimik dahil nataranta ako sa kondisyon na gusto niya. Ipit na ipit ako at wala naman talaga akong ibang mapamimilian. “Wala na bang ibang paraan?” sinubukan kong tanungin. Ngunit umiling siya agad. “Iyon lang ang hihingin kong kapalit. Besides, sa dami ng naideposito ko sa iyo, baka nga may nabuo na ngayon, hindi ba?” nakangising sambit niya. Nanlaki naman ang mga mata ko at wala sa sarili napahawak ako sa tiyan ko. Dalawang beses na nga palang may nangyari sa amin at parehong hindi kami gumamit ng anumang proteksyon. Bigla ay bumigat ang dibdib ko at tila may kung anong dumagan sa puso ko. Sinadya ba niya ang lahat ng ito? Nanghihina akong napabuntong-hininga at kusang dumaloy ang mga luha ko. Mariin akong napapikit at ilang beses na lumunok. “Bakit ako? bakit ako pa…” naghihinagpis kong usal habang patuloy sa pagbuhos ang mga luha ko. “And one more thing, as long as we are married, you should respect this marriage. I hate betrayal the most. So, you have to be faithful to me. I will be devoted and loyal to you, too,” narinig kong saad niya. Mababa lang ang boses niya sa pagkakasabi ng mga iyon pero damang-dama ko ang pagbabanta. Kaya lalo lang akong naiyak. “Gusto kong bumalik sa trabaho ko. Payag na ako sa kondisyon mo. Pero kung magsasama tayo bilang mag-asawa, pantay lang dapat ang karapatan natin. Malaya akong gawin ang gusto ko at makakapunta ako kahit saan na nais ko. Kung hindi ka papayag, patayin mo na lang ako. Dahil baka doon din ako mauwi kapag hindi ko na nakayanan ang mga nangyayari sa akin,” matigas kong pahayag sa kaniya. Sa ngayon, pakiramdam ko ay ako na iyong masisiraan ng ulo. Rumehistro ang saglit na pagkagulat sa mukha niya ngunit mabilis lang din siyang nakabawi. Tumiim ang mukha niya saka bumuntong-hininga. “Fine! As long as you are faithful to me, and you respect this marriage, I will trust you. Pero kapag sinira mo ang tiwala ko sa iyo, o kahit magkaroon ka lang ng anumang kaugnayan sa ibang lalaki, I can guarantee you, you will see blood!” pagbabanta na naman niya. Inirapan ko lang siya at marahas na pinahid ang mga luha ko. Humiga na ako ng maayos at tinalikuran siya. Masamang-masama ang loob ko pero ramdam ko iyong pagod at antok. “I want to meet your parents tomorrow! Papikit na sana ako noong muli na naman siyang magsalita. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba kaya umikot ako para harapin siya. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nagulat na halos maghalikan na kami sa lapit ng mukha niya sa mukha ko. Lalong kumakabog ang dibdib ko dahil direkta siyang nakatitig sa akin. Ang lapit-lapit lang ng mga mukha namin sa isa’t isa at napapaypayan na nga ng mainit niya hininga ang mukha ko. In fairness, ang bango ng hininga niya. Guwapo rin naman talaga itong si Romano kung hindi lang talaga demonyo, eh! Umatras ako ng kaunti para lumayo sa kaniya. Pero muli na naman niya akong ginulat nang hapitin niya ang baywang ko at inilagay niya ang isang braso niya sa ilalim ng batok ko. “You smell so good and you’re very soft. Let’s stay this way,” nakangiting saad niya. Ngumiti siya? Totoong ngiti iyon. Walang halong pang-uuyam o ano. Pero umiling ako para burahin ang biglang gumulo sa isipan ko at pilit akong kumakawala sa kaniya. “Ano ba, Romano! Ano na naman ba’ng trip mo? Hindi ako makakatulog nang ganito,” reklamo ko at muling nagpupumiglas. Pero mas nabigla ako nang idantay niya ang isang hita niya sa akin kaya lalong wala na akong laban sa kaniya. Ang laki-laki niyang tao, tapos bakal-bakal pa ang mga muscles. Para lang akong laruan sa kaniya. “Stay still or I will f**k you again!” banta niya kaya napasinghap ako. Mabilis akong huminto sa pagpupumiglas. “Romano, huwag mo nang idamay ang mga magulang ko rito, please. Sinusunod ko na nga ang gusto mo, eh,” pakiusap ko na lang. Naiiyak na naman ako. Naalala ko kasi iyong sinabi niya kung bakit ako napalingon sa kaniya. “I just want to meet them. Wala akong masamang binabalak. Actually, I already talked to them on the phone. They were shocked at first, but I explained to them how much you realized that you love me so much that’s why you urged me to marry you immediately!” buong pagmamalaking saad niya kaya muli na naman akong nagimbal. “Ano? P-paano mo sila napaniwala? Ginawa mo pa akong naghahabol sa iyo? Ang kapal naman yata ng mukha mo?” galit ko nang sagot sa kaniya. “Well, iyon na ang nasabi ko sa kanila. Bahala ka kung gusto mo pang basahin. Wala rin namang magbabago. Asawa na kita. Hindi mo naman siguro gugustuhing malaman pa nilang niloko mo lang ako para sa pera?” walang pakialam na sagot niya. Muli akong nagtangkang kumawala sa kaniya pero humigpit lang ang pagkakayakap niya sa akin. Nariyan pa iyong malaki at mabigat na hita niyang pumipigil sa mga hita ko. “Hindi nga ako iyon sabi, eh! Mayaman ka naman, ah! Bakit hindi mo paimbestigahan ang totoo!” angil ko na naman sa kaniya. “I already did! Kaya nga natagpuan kita, eh! Huwag ka nang magmaang-maangan pa, Rossa. Gawin mo na lang ang deal natin at walang magiging problema sa atin. Hindi ka rin naman makakatakas dahil kahit saang impyerno ka pa magpunta ay mahahanap pa rin kita!” seryosong pahayag niya. Isang beses pa akong nagpumiglas pero wala talaga. Sa sobrang inis ay para na naman akong naiiyak. Napakawalanghiya talaga ng lalaking ito. Walang pakundangan sa nararamdaman ko at palaging iyong gusto lang niya ang ipinipilit! Kinabukasan ay mataas na ang sikat ng araw nang magising ako. Pero mag-isa na lang ako sa kama. Bumangon ako at tinapos ang madalas kong nakagawian sa banyo at ipinusod na ang buhok ko. Nagdadalawang-isip ako kung bababa ba ako o ano. Pero sabi naman ni Romano kagabi, magagawa ko na ang gusto ko at kasama pa nga roon ang makabalik sa trabaho ko. Kaya ibig sabihin, malaya na rin akong malakabas ng silid na ito at gumala sa buong mansion. Bumuntong-hininga ako bago napagpasyahang lumabas ng silid at bumaba. Nasalubong ko ang dalawang katulong na may pag-aalala sa mukha habang may tila naririnig akong nagsusumbatan sa kung saan. “Ano’ng nangyayari rito?” tanong ko sa kanila. Naagaw ang pansin nila at nahihiyang ngumiti sa akin. “Good morning po, Ma’am!” nahihiyang bati noong isa. “Magandang umaga, Ma’am. Si Miss Love Bel po kasi saka si Chef Anafe, mukhang nagkakainitan na naman po sa kusina,” mahinang sumbong naman noong isa. “Good morning din. Ano’ng mga pangalan ni’yo?” magalang na tanong ko sa kanila. Sa hitsura nila ay sigurado akong mas matanda pa rin ang mga ito sa akin. “Ako po si Maya,” pakilala noong mas maliit na may maigsing buhok. “Ako naman po si Corazon, Ma’am. Cora for short po,” magalang na pakilala rin noong isa. “Okay, Maya, Cora, ano’ng pinagtatalunan noong dalawa? Saka nasaan ba ang Sir Romano ninyo?” magkasunod na tanong ko sa kanila. Nagkatinginan pa nga sila bago kinakabahang bumaling muli sa akin. “Eh, hindi po kasi kami sigurado, Ma’am. Pero halos araw-araw talagang nagbabangayan po ang dalawang iyon,” sumbong pa ni Cora. “Gutom na po ba kayo, Ma’am? Bilin po kasi ni Sir, eh, pagsilbihan naming kayo agad kapag bumaba na kayo,” tanong naman ni Maya. “Wala si Romano rito?” tanong ko imbes na sumagot. Umiling sila. “Nagja-jogging pa po si Sir kapag ganitong oras. Pero pauwi na rin po siguro iyon,” sagot naman ni Cora. Tumango-tango ako. “Sige po. Ihanda ni’yo na lang po ang hapag at ako na po ang bahalang tumingin doon sa dalawa,” banayad kong pakiusap sa kanila. Pero hindi sila nakagalaw at nahihinatakutang tumingin sa akin. “Galit po si Miss Love Bel, eh. Kaya pinagbabawalan kaming pumasok sa kusina. Naroroon po lahat ng gamit at ihahain na mga pagkain,” kinakabahang katuwiran ni Maya. Napaawang ang mga labi ko. May sa-maldita talaga itong mayordoma nila. Tama talaga iyong unang impression ko sa kaniya. “Sige po. Ako na po ang bahala. Basta ihanda ni’yo na po ang mga kailangan kasi baka naririto na si Romano mamaya. Kita ni’yo naman kung paano magalit iyon, ‘di ba?” sabi ko na lang. Muli silang tumango at pagkatapos ay magalang nang nagpaalam. “Ikaw ang pabida! Palagi mo na lang pinakikialaman ang trabaho ko. Kung gusto mo, ikaw na magluto!” narinig kong bulyaw ng isang babae. Habang papalapit ako sa kusina ay mas lumalakas ang boses ng dalawang nagtatalo. “Sinabi ko na sa iyo. Kung ano lang ang ipinaluto ni Sir Romano, iyon lang ang lutuin mo! Bakit kailangan mo pang igawa ng special meal ang Rossa na iyon? Para sabihin ko sa iyo, babae lang ni Sir iyon at kapag nabigyan na niya ng anak ang amo natin, palalayasin na rin siya. Kaya hindi mo na kailangan magpasipsip sa kaniya dahil temporary wife lang siya ni Sir!” galit na galit na sigaw naman ni Love Bel. Oo alam kong siya iyon dahil kahit isang beses pa lang kaming nagkausap ay tumatak na agad sa akin ang matinis at nakatutulilig na boses niya. Napahinto ako sa paglalakad dahil sa mga narinig mula sa kaniya. At hindi ko nagustuhan ang mga sinabi niya kaya pabalya kong binuksan ang pintuan ng kusina. Sabay silang napasinghap at labis na nagulat nang mapadako sa gawi ko. Nahihiyang nagyuko ng ulo iyong isang babae habang itong si Love Bel ay mabilis na nakabawi at nakaismid pa na humalukipkip. “Good morning po, Ma’am!” bati naman agad sa akin no’ng babaeng sinisigawan ni Love Bel kanina. “Good morning din po. Puwede ko po bang malaman ang pangalan ninyo?” magalang ko namang tugon sa kaniya. Narinig ko ang pag-‘hmp’ ni Love Bel pero hindi ko muna siya pinansin. “Ako po si Anafe Dela Torre. Afeng na lang po for short. Ako po ang chef sa bahay na ito,” pakilala niya sa sarili. Napangiti ako kasi parang ilang taon lang naman ang tanda niya sa akin. “Ikinagagalak ko po kayong makilala, Chef Afeng. Puwede po bang malaman kung bakit ang aga-aga ay may nagsisigawan po dito sa kusina?” magalang at banayad ko pa rin tanong kahit kanina pa nag-iinit ang ulo ko sa kagaspangan ng ugali nitong mayordoma ni Romano. “Ah, wala po, Ma’am. Hindi lang po kami nagkaintindihan kaya–” “Maghintay na lang po kayo sa dining area, Ma’am Rossa. Ipaghahain na namin kayo. Hindi ni’yo na po kailangang makialam sa usapan namin,” mataray na putol ni Love Bel sa pagsasalita ni Chef Afeng. Kahit maayos ang pagkakasabi niya niyon ay halata pa rin ang pang-iinsulto sa tono niya. “Baka nakakalimutan mo na naman, Miss Love Bel, asawa ako ni Romano kaya may karapatan akong makialam at alamin ang nangyayari sa bahay na ito. Kahit pa ipinangangalandakan mong temporary wife lang ako, wife pa rin iyon. Ibig sabihin, asawa pa rin ako ng may-ari ng bahay hangga’t hindi kami naghihiwalay. Ngayon, sagutin ni’yo ang tanong ko. Ano’ng pinag-aawayan ninyo?” matapang kong sagot sa kaniya at saka sinundan ng tanong. Halatang lalong tumindi ang inis na nararamdaman niya sa akin pero alam kong wala siyang magagawa. Dapat siguro ay hilingin ko kay Romano na sisantehin na niya ang babaeng ito. Pati buhay ng mga kasama niya, ginagawang impyerno dahil lang sa pagmamaldita niya. “Kasalanan ko po, Ma’am. Hindi ko po kasi sinunod ang meal ngayong umaga,” pag-ako ni Chef Afeng. Nakaramdam naman agad ako ng awa para sa kaniya. Mukha kasing mas pipiliin pa niyang akuin ang kasalanan kaysa mapahamak itong si Love Bel. “Ano naman kung hindi mo nasunod? Ayaw ba ni Romano na kainin dahil naiba?” nalilitong tanong ko. Nahuli ko ang masamang tingin ni Love Bel sa kaniya kaya napalunok ito. “Gumawa po kasi ako ng welcome cake para sa inyo. Wala po iyon sa menu kaya nagagalit si Miss Love Bel kaninang inilabas ko,” paliwanag naman niya. Bahagya akong napanganga dahil napakababaw naman pala ng dahilan. Feeling ko tuloy kasalanan ko pang napagalitan siya ng babaeng ito dahil lang sa gusto niyang mapasaya ako. “Walang kuwenta naman pala ang ikinagagalit mo Love Bel! Kaliit-liit na bagay pinalalaki mo!” asik ko sa mayordoma na nanlaki ang mga mata dahil sa sinabi ko. “Ma’am, sa bahay na ito, ang lahat ng bagay ay nasa tamang pagkakaayos po. Ayaw ni Sir Romano na naiiba ang anumang nakaplano na nang hindi niya nalalaman!” katuwiran pa ni Love Bel. Napapikit at naaburidong bumuga ako ng hangin. Imbes na makipagtalo pa sa kaniya ay ibinaling ko na lang muli ang pansin kay Chef Afeng. “Chef Afeng, maraming salamat po sa ginawa ninyo para sa akin. Hindi ko pa man po nakikita, masaya na ako. Sisiguraduhin kong malalaman ni Romano ang kabaitang ipinakita mo sa akin,” sinadya kong magparinig kay Love Bel. “Naku, walang anuman po iyon, Ma’am. Huwag ni’yo na pong banggitin kay Sir kasi nakakahiya,” tugon naman ni Chef Afeng. Pero umiling ako. “Deserve ni’yo po na ma-recognize sa effort ninyo. Salamat po talaga,” pagpapatuloy ko pa. “Ikaw, mag-sorry ka kay Chef Afeng,” baling ko kay Love Bel. Napamulagat ito at maging ang chef ay nagulat. Natakpan pa niya ang bibig dahil hindi rin makapaniwala sa inuutos ko. “At bakit ako magso-sorry sa kaniya? Mas mataas ang posisyon ko sa kaniya at–” “Ano nga ulit ang tinapos mo, Love Bel? Bakit biglang posisyon na ang usapan dito gayung respeto sa isa’t isa lang naman ang punto rito?” naiirita ko na ring tanong para putulin ang pagtataray niya. Hindi naman siya nakaimik agad. “Ikaw Chef Afeng, tinapos mo po ba talaga ang kurso mo bilang chef?” tumango naman ito agad. “At ano’ng ibig mong sabihin? Minamaliit mo ba ako dahil hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo?” bigla ay pasumbat na tanong sa akin ni Love Bel. “Hindi kita minamaliit. Ikaw ang tinuturuan ko ng tamang respeto. Tama, ikaw ang mayordoma rito at pinagkakatiwalaan ka ni Romano sa pamamahala ng buong bahay niya. Pero hindi ibig sabihin noon na puwede mo nang api-apihin ang mga kasama mo sa trabaho. Pare-pareho lang kayong naninilbihan dito kagaya ng ibang katulong at ni Chef Afeng na nakatapos pa ng kurso niya. Wala sa taas ng nakamit na edukasyon ang pagpapakita ng mabuting asal sa kapwa!” seryoso at pormal ko nang pangaral sa kaniya. Kung pagsalitaan niya si chef ay parang tau-tauhan niya lang ito samantalang, may tinapos pa itong degree pero nagpapakumbaba at marunong makisama. Tapos siya naman itong iyong posisyon lang niya ang ipinagmamalaki niya at ginagamit na dahilan para apihin ang mga kasama niya. “Ano’ng nangyayari rito?” Sabay-sabay kaming lumingon nang makarinig ng malakas at galit na boses ng isang matandang babae. Nang harapin ko na ito, kitang-kita ko ang ka-elegantehan nito mula ulo hanggang paa. Naka-dress siya ng kulay apple green na may burdang bulaklak sa bandang kanan ng dibdib. Naternuhan din iyon ng magagandang mga alahas at kahit matanda na siya ay bakas pa rin ang ganda ng kutis niya. “Ma’am Eloisa! Pinagagalitan at iniinsulto po ako ni Ma’am Rossa dahil lang napagsabihan ko itong si Afeng,” umiiyak na sumbong ni Love Bel na nagpagulat sa akin. Nanlaki talaga ang mga mata ko habang si Chef Afeng ay napayuko at halatang natatakot dito sa matandang bagong dating. “And who is this woman?” pormal na tanong ng matanda. “Ma’am siya po iyong temporary wife ni Sir. Kung makaasta rito akala mo po kung sino!” sumbong pa ni Love Bel. Naningkit naman agad ang mga mata ko sa kasinungalingan niya. “Hindi po totoo iyan. Isa pa–” “Shut up! Follow me in the lounging area!” malamig na utos nito at tinalikuran na ako. Mabilis namang sumunod si Love sa kaniya na ngumisi pa sa akin nang lumingon. Sino ba ang matandang babaeng iyon? Paulit-ulit na tanong ng isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD