“Hindi lang mahal. Mahal na mahal kita, Rossa. Huwag kang mag-alala kasi hindi naman kita pine-pressure. Kaya kong maghintay kahit gaano katagal. Kahit ano ay gagawin ko para mapaibig din kita. Pero kung hindi man iyon mangyari, mamahalin pa rin kita sa paraang alam ko.” Lalo namang bumalong ang mga luha ko dahil doon. Suminghot ako dahil talagang napuno ng matinding emosyon ang puso ko. Noong ma-realize kong in love na ako kay Romano, hindi pumaosk sa isip kong mamahalin niya rin ako. Oo, umasa ako, pero hindi ganito kabilis. “I love you, too, Romano,” sinisinok na sagot ko. Hindi ko kasi mapigilan ang pag-iyak ko. Siya naman ngayon ang nagulat at napamulagat. “What did you say? Ulitin mo iyon, Rossa!” utos niya na para bang isang napakaimposibleng bagay ang narinig niya. Natawa naman

