“Rossa, okay ka lang ba?” nagulat ako nang biglang agawin ni Oswald ang pansin ko. Napatingin pa nga sa akin ang mga kasama ko pero saglit lang dahil itinuloy din nila ang pagkain. “Oo naman. Bakit?” natanong ko pa. “Kanina pa kita kinakausap pero nakatulala ka lang. Ayaw mo ba iyang pagkain?” may pag-aalalang tanong niya. Pero mabilis akong umiling. “Naku, hindi naman sa gano’n. Masarap nga, eh. May iniisip lang ako, sorry. Ano ba iyong sinasabi mo?” “Tinatanong ko kung makakaabala ba sa inyo kung dito lang din muna ako magtrabaho. Gusto ko lang din kasi ma-monitor ang ginagawa ninyo,” sagot niya. Tumango naman ako. “Yeah. Wala namang problema doon. Mas okay nga rin iyon, para kapag may gusto kang ipadagdag o ipatanggal, madali mo na lanng masasabi. Basta huwag lang sanag pabago-ba

