Romano’s POV Kanina pa ako nagpapalinga-linga sa paligid ngunit hindi ko na nakikita si Rossa. Kanina lang ay masaya itong nakikipag-usap sa mga tita ko, pero ngayon ay bigla itong nawala. “Teka, saan ka pupunta?” gulat na tanong ni Sandro nang bigla akong tumayo. Hindi ko kasi maunawaan kung bakit bigla akong kinabahan. “Hahanapin ko lang ang asawa ko,” sagot ko nang hindi siya tinitingnan. “Grabe ka naman, pinsan! Nawala lang saglit si Rossa, gusto mo na agad hanapin!” biro ng isa ko pang pinsan pero hindi ko na siya pinansin. Iniwan ko sila at inumpisahang hanapin si Rossa. Napakaliit lang ng lugar na ito kaya napaka-imposibleng hindi ko siya agad makita gaya kanina. “Zia!” tawag ko sa kapatid ko. Agad naman itong lumingon sa gawi ko. “Bakit po, Kuya?” tanong niya at lumapit sa

