TWO weeks later… PANAY ang sulyap ni Mia kay Jondray habang pinapanood nila ang pelikula na paborito ng binata. Voltes Five. Ang childish, ‘di ba? Ngayon lang niya nakikita ang tunay na ugali ng binata kaya natutuwa siyang naging open ito sa kanya. Ibig sabihin lang ‘nun, pinagkakatiwalaan na siya ni Jondray. Dalawang linggo ang lumipas simula nang may magtangkang pumatay sa kanila at napuruhan si Jondray ng araw na iyon. Si Mia ang araw-araw na naglilinis ng sugat ni Jondray at siya rin ang nag-ooras nang inom ng gamot nito para sa paghilom. Kanina pa siya walang maintindihan sa pinapanood nila, siguro dahil nadi-distract siya sa presensya ni Jondray na nasa tabi niya. Panay ang hinga niya nang malalim para mabawasan ang kakaibang nararamdaman niya pero ayaw mawala at mas lalo lang

