Hinanap ng mga mata ni Mia si Jondray. Pagkaraan ng ilang minutong paghahanap, natagpuan niya itong nakatayo at nakatuon ang dalawang braso sa hamba na bakal ng terrace. Malayo ang tingin nito habang may hawak na isang bote ng beer. Walang imik siyang lumapit at tumayo sa tabi nito. Nang maramdaman nito ang presensya niya at lingunin siya nito, doon lamang siya nagsalita. “Pasensya ka na. Hinusgahan kita agad.” Sabi niya sa malumanay na boses. Uminom muna ito nang beer sa bote na hawak nito bago magsalita. “Akala ko ba nagtitiwala ka na sa akin? Hindi ko sinabing ibigay mo ang buong tiwala mo sa akin pero sana bago mo ako husgahan may basihan ka. There are many things you don't know about me, Mia. You don't know how I feel or what's on my mind, or what my past was like. A lot of things

