"You're pretty enough." He said while looking at her. She smiled awkwardly and looked away, her cheeks turning red as she felt the blush creep up her face. “Edi, salamat sa pagpapagaan ng loob ko.” Sabi niya na lang sa binata. Nang umorder na ang binata naiwan siya sa table na inuukupa nila. Tapos naisip niya lang tumingin ng mga cakes kaya’t lumapit siya sa kabilang counter kung saan may naka-display na mga cakes. “Hi. Bago ka lang ba rito? Ngayon lang kasi kita nakita rito sa cafeteria namin at kasama ka pa niya.” Tanong kay Mia ng babaeng nasa counter sabay turo sa gawi ni Jondray na abala sa pag-order sa kabilang counter. “Opo, ngayon lang ako nakapasok sa ganitong mamahaling cafeteria.” Sagot naman niya. Nginitian siya nito. “Alam mo ba, pangalawa ka pa lang sa mga babaeng di

