NILIBOT ni Mia ang kabuuan ng bahay na mukhang malinis naman kaya hindi niya alam kung anong lilinisin niya rito. Mapapansin na walang kahit na anong frame ng mga larawan ang nakasabit o kahit na anong maka-pagtuturo ng tunay na pagkatao ng binata. Hindi niya tuloy alam kung dapat ba itong pagkatiwalaan o dapat niya itong iwasan. Pero sayang naman ang ino-offer nito sa kanya, malaking tulong iyon sa pamilya niya.
“Ay, butiki!” Napasigaw siya nang makarinig nang galabog mula sa taas.
May pag-aatubiling umakyat siya kung saan niya narinig ang ingay na iyon. Pagkarating sa taas ay sinubukan niyang pihitin ang doorknob nang pang-unang pintuan ng silid subalit naka-lock, sinubukan niya pa ang kasunod ganoon pa rin. Lahat naka-locked!? Ibig sabihin guess room sa ibaba lang ang pwedeng buksan.
Bumalik siya sa baba upang umupo sa sofa dahil wala naman siyang magawa kundi ang tumunganga, ano bang lilinisin niya? E, sobrang linis na nga pati ‘yata banyo malinis. Siguro ay magluluto na lamang siya bago siya umuwi.
“Hey, brad-”
“Whaaa! Sino ka, huh? Paano ka nakapasok rito? Magnanakaw ka, ‘no?” Malalaki ang matang tanong ni Mia sa estrangherong lalaki habang nakaduro ang hintuturo niya rito.
Hindi man lang niya narinig ang pagpasok nito!
Kunot-noo naman nitong pinasadahan ang kabuuan niya. “Excuse me? Who the hell are you? At saka ako, magnanakaw? Ang gwapo ko namang magnanakaw.”
“Si..sino ka ba kasi?! Paano ka nakapasok rito?”
He smirked. "I should be the one to ask, who are you?"
“Kasambahay ako rito at ikaw?”
“Ow, you're really his housekeeper? Akala ko nag-uwi siya ng babae. Akala ko nabaliw na naman siya at kailangan magparaos.” Bulong nitong lalaki na parang bubuyog sapagkat hindi niya masyadong marinig ang sinasabi nito.
Umatras siya ng bahagya. “Hoy! Tinatanong kita, sino ka? Panay ang bulong mo diyan.”
“I’m his cousin.”
Kaya pala pareho silang gwapo..
“Ah, sir. May gusto po ba kayong inumin o kainin?” Bigla siya naging magalang rito. Baka kasi mamaya niyan isumbong pa siya nito kay blue eyes.
The man kept smiling at her. “So, ngayon magalang ka?”
Nginitian rin niya ang lalaki, ngiting labas ang ngipin para naman makumbinsi ang damuho. “Hehe, pasensya ka na po sir. Akala ko kasi kung sino ka, e. Binilin kasi ni blue eyes na huwag daw akong magpapapasok ng kahit na sino.”
"It's okay, I'd like some orange juice and a sandwich with egg, lettuce, cheese and bacon. Pwede mo ba akong dalhan rito?” Maawtoridad nitong utos habang komportable itong nakahiga sa sofa.
“Sige po sir. Hintayin mo po ako rito.”
“I don't mind waiting,” he replied
Mia nodded and went to the kitchen to make him some orange juice and a sandwich with egg, lettuce, cheese and bacon, just like he wanted. Umabot siya nang 20 minutes bago niya natapos ang sandwich nito dahil nga sa bago pa lang siya dito at hindi kabisado ang kusina na ubod ng lawak daig pa kusina ng mga hotels and restaurants. Siguro naiinip na ang lalaking iyon sa kakahintay sa kanya.
“Sir, ito na ang..”
Muntik niyang maibagsak ang hawak niyang tray na may lamang sandwich and juice nang makita si blue eyes na nakahawak sa kwelyo nitong nagpakilala na pinsan daw kuno. Sandali, nag-aaway ba sila? Omg! Baka magnanakaw nga ‘to! Tapos ay nagpapanggap lamang pinsan niya.
“So..sorry, Kuyang blue eyes kasi nagpakilala siyang-”
“Stop the nonsense!” He yelled fiercely as he released his grip on the man's shirt.
Napaigtad siya sa pagsigaw ng binata kaya bigla siyang nanahimik.
“Cousin-”
“Let's talk outside.” Jondray said, his face turning nasty.
Syempre umepal siya kasi sayang naman ‘yung ginawa niya. “Teka! May ginawa akong sandwich and juice-”
“Eat up.” Simpleng sagot ni blue eyes bago tuluyang lumabas ang mga ito.
Pala-isipan pa rin kung sino ba talaga ang binata, kahit pangalan kasi ayaw man lang nito ipaalam sa kanya. Hays, bahala na nga ang mahalaga ligtas siya at alam niyang marangal na ang trabaho niya ngayon hindi na kailangan sumayaw sa harap ng mga manyak na lalaki para lang kumita ng maliit na halaga.
Simula ngayon talaga blue eyes na ang itatawag ko sa kanya tutal ayaw naman niya ipaalam ang totoo niyang pangalan.
Maya-maya pa ay bumalik na ang dalawang binata.
“Hey, woman, if you see someone unusual coming in, just press it.”
Lumapit si Jondray sa gawi niya at walang paalam na hinaglit ang braso niya upang ilagay ang isang bracelet.
Tumango-tango siya pero nagawa niya pa rin magtanong. “Ano ba kasi ‘yan?”
“Alarm for protection.” Anito, habang kinakabit ang bracelet.
“Para sa proteksyon ko?”
“Ay, hindi para sa proteksyon ko.” Segunda nitong isang lalaki. Tila ba gusto nitong asarin siya. Mayabang samantalang kanina lang hawak ni blue eyes ang kwelyo nito at kulang na lang buhatin ito patiwarik.
“Bakit pala kailangan ko nito?” Naguguluhan niyang tanong.
“Huwag ka na masyadong maraming tanong. Just follow what I said.” Walang buhay na sagot ni Jondray.
“We have to go.” Sabi ni Jondray. (Blue eyes)
Umalis na ang dalawa at muli ay naiwan na naman si Mia mag-isa. Ano kaya ang gagawin niya rito? Magmukmok na parang baliw?Masaya pa siya kung iniwan ng mga ito na marumi ang bahay kaysa tumunganga siya rito at walang gagawin.
Nahiga na lang siya sa malambot na sofa at saka walang aning-aning na tinaas ang kanyang dalawang paa sa hamba ng sofa, feel at home lang ang peg. Naubos niya na’t lahat ang sandwich and juice at hinugasan ang mga ginamit kaya wala na siyang iba pang gagawin kundi ang humilata.
Maya-maya pa ay bumibigat na ang kanyang dalawang mata, tandang inaantok na siya sa kabusugan. Tamang matulog muna kaysa mabaliw mag-isa sa malaking bahay na ito.
Nananaginip ba ako? Naglalakad ako at nakasuot ng pang-kasal na gown tapos ay may naghihintay na lalaki sa altar. Hindi ko makita ng malinaw kung anong itsura ng lalaki basta naglalakad lang ako patungo sa kanya. Nang makarating sa tapat niya ay inabot niya ang aking kamay bago hinalikan ito.
“Be my wife, woman.”
He kissed me on my lips, he kissed me gently, ngumuso ako upang sabayan ang halik niya hanggang sa..
“Ahh!” Napabalikwas si Mia ng upo nang makitang nakaharap sa kanya si blue eyes.
“Nasaan ang niluto mo?” Bungad nito sa kanya.
Huminga siya ng malalim at hinanap ng mga mata niya ang wall clock upang malaman niya kung anong oras na.
7:00 pm
“Luh! Sorry. Hindi ako nakapag luto..”
Yumuko na lang siya sa kahihiyan. Ito na nga lang ang gagawin niya tinulugan niya pa!
Natahimik ito bago tumayo at umalis. Sinundan niya ito at nakita niyang kinuha nito ang cellphone mula sa jacket na suot. Hanggang ngayon nanatili siyang nakayuko, mag-aangat lang siya ng ulo pag hindi ito nakatingin sa kanya.
“Hey, woman. Are you deaf?”
“Hu..huh?”
“Pag may nag-doorbell buksan mo at kunin ang dala, okay?” Paalala nito sa kanya dahil mukhang aakyat na ito sa kwarto na naka-lock rin. Isa pa pala iyon na gusto niyang i-kompronta sa binata, paano niya naman kasi lilinisin ang silid nito at iba pang mga silid kung naka-lock at wala siyang susi.
Tumango-tango siya bago sumagot. “O-okay.”
“Don’t entertain someone else, just be quiet. Do you understand?” He added.
“Noted, blue eyes!” Sigaw niya sabay labas para doon hintayin kung sino man ang mag-dodoorbell na sinasabi nito.
Ilang minuto pa ay narinig niya na ang pag-doorbell at dali-dali n iyang sinilip sa peephole kung sino iyon. Kaagad na sumama ang timpla ng mukha niya nang makita kung sino iyon. At ano na naman kaya ang ginagawa niya rito? Napipilitan na binuksan niya ang gate nang mag-ingay ulit ang doorbell.
“Ano na naman ginagawa mo rito?” Mataray niyang tanong sa lalaking nakatayo sa tapat ng gate habang may malawak na ngisi sa mga labi.
“Ehem, may nakalimutan lang ako, babae.” Anito at saka dire-diretso sa loob.
Susunod sana siya sa lalaking ito nang biglang tumunog muli ang doorbell kaya’t mabilis niyang binuksan ang gate.
Pagbukas niya ng gate bumungad ang nakasumbrelong lalaki, sabay abot ng paper bag sa kanya at walang niho-niha na umalis ito. Grabe naman wala man lang pagbati? Ibang-iba 'yata ang service ng mga tao rito, ah! Makapag-rate nga sa restaurant nila 1 star kasi hindi magalang ang delivery man! Sinilip niya ang laman at nagtubig ang kanyang panga ng makitang iba’t-ibang klase ng pagkain ang nasa loob nito.
Samantalang sa club pinagsisilbihan nila kahit mga manyak, tsk!
“Blue eyes, ito na ang pagkain mo.”
“Uy, sakto lang pala ang dating ko.” Sabat nitong pinsan ni Jondray na si Cyrus.
“Luh, epal..” Bulong niya sabay lapag ng paper bag sa mini table. Nagkatinginan sila at parehong inasar ang isa’t-isa na parang mga batang kulang sa aruga.
“Eat up.” Sabi na naman nitong si blue eyes, o-order tapos sa kanya naman pala ipapakain! Parang siya pa ‘yata ang pinagsisilbihan nito, ah! Nakakainis!
“Hi..hindi ka kakain?” She asked.
“No, I have an important business meeting to attend.”
“Pero gabi na po?” Pakikialam niya sa buhay nito.
Kakauwi niya lang may trabaho ulit siya? Ano ba kasi ang trabaho na meron siya? Hindi naman ako bobo sa lagay na ‘to kasi walang taong nagtatrabaho 24 hours. Kaninang umaga pa siya wala at kung uuwi man siya wala pang thirty minutes umaalis ulit.
“So, what?” He said rudely. “Mind your own business.” His tone offended her, but she decided not to say anything. She didn't want to start an argument with him.
Tuluyan na itong umalis at ang mokong na pinsan nito ay kumuha muna ng isang burger na nasa loob ng paper bag at saka sumunod sa binata.
“Thank you!” Mapang-asar nitong pahabol bago tuluyang mawala ang presensya ng mga ito sa paningin niya.
At the end of the day, she's alone again. She's spent almost two weeks repeating her same-old routine at the young man's house. She believes she will only gain weight because her duties in his house are so easy; she just enjoys watching movies and eating alone.
“Hey, lady.” Napatingin siya sa nagsalita at nandito na naman ang damuho. Akala niya ba kasama ito ni Blue eyes?
“Ano na naman ginagawa mo dito?” Palagi niya itong tinatarayan kasi deserved nito ‘yon. Palagi rin naman siya nitong inaasar lalo na pagsinusungitan siya ni Jondray. Parang tuwang-tuwa pa ito.
“Let’s go shopping.” Pag-aaya nito na may ngiti.
“Hoy! Bawal daw akong lumabas sabi ni blue eyes!”
“Actually, kaka-tawag niya lang.”
Mia rolled her eyes. “Ano naman ngayon?”
Cyrus smiled again. “He said you'd go crazy alone here, so I'll go shopping with you.”
Mukha namang nagsasabi ng totoo ang binata.
“Seryoso ba?” She asked in disbelief.
“Don't you want to go shopping with me?”
“Gusto ko syempre!”
Mabilis pa sa alas-kwatro na nagtungo si Mia sa guestroom kung saan namamalagi siya bilang kwarto niya. Sa totoo lang kwarto niya lang ‘yata ang nililinis niya dahil kwarto lang naman niya ang nabubuksan sa lahat ng mga silid na nandito. Pag-akyat niya agad na nagpalit siya ng damit. Pinili niya ang simpleng damit lamang. Short na jeans at t-shirt na black. Parang bibili lang siya ng kape sa tindahan, ganoon ang suot niya ngayon.
Nang matapos siyang magpalit at mag-ayos kahit pa paano, dumiretso na siya sa labas kung saan naghihintay si Cyrus.
“Ang tagal mo naman.” Pagrereklamo ni dumuho.
“Arat na!” Eksahera niyang tugon.
Sumakay na siya sa kotse at hindi mapagsidlan ang masayang-masaya niyang aura. Tamang-tama ihahatid siya ni Jondray sa bahay mamaya pag uwi nito kaya mamimili siya ng mga regalo sa kapatid niya at sa kanyang ina’y, mukhang matutuwa ang mga ito sa surpresa niya.
Pagkaparada nila sa parking lot mabilis siyang bumaba subalit hinila siya ni damuho.
“Bakit?” Naiirita niyang tanong. Hadlang talaga sa kaligayahan niya ito kahit kailan, palagi na nga siya nitong inaasar na parang may katawa-tawa sa kanya.
“Careful, hindi ka pwedeng mawala sa paningin ko kundi lagot ako.” Bulong nito sa kanya kaya naman napakunot-noo siya sa mga tinuran nito.
“Bakit naman? Hindi naman ako bata para bantayan.”
“Hays, basta! Careful.”
“Okay!” Sabi niya bago naunang maglakad papasok nang Mall.
Kung saan-saan siyang pumasok na store at pinagbibili ang mga pangangailangan sa bahay nila para pag-uwi niya marami siyang pasalubong sa pamilya niya. Hindi niya alam kung magkano ang laman ng card na ibinigay sa kanya ni Blue eyes pero walang humpay siyang namili tulad ng sabi nitong bilhin niya kung anong gusto niya.
Tapos ay dinala niya ang kasama niyang dumuho sa street foods. Mas gusto kasi niyang kumain ng calamaris, kwek-kwek at buko shakes kaysa kumain sa mamahaling restaurant na alam niyang hindi siya masisiyahan.
“Are you for real?” Hindi makapaniwala nitong tanong sa kanya.
“Bakit? Huwag mo sabihing hindi ka kumakain ng mga ganitong pagkain?”
“Bilisan mo diyan.”
“Hindi ka kakain?”
“Ayoko.” Mariin nitong pagtanggi. .
Umiling-iling siya. “Mayaman nga naman ayaw kumain ng mga mahihirap na pagkain. Samantalang mas masarap naman ang pagkain namin kaysa sa pagkain nila. Hays.”
Tiningnan lang siya nito na parang hindi naapektuhan sa sinabi niya at saka bumalik ang tingin nito sa paligid na parang nagbabantay kaya naman hinayaan niya lang ito. Basta kumain siya ng walang iniisip at ninanamnam ang pagkain sa food court.
Isusubo na sana ni Mia ang pang-huling fishball ng hilahin siya ni Cyrus sa braso dahilan kaya natapon ang sauce ng kinakain niya sa damit niyang suot at mabilis siyang hinila nito. Hindi niya alam kung bakit parang natataranta si Cyrus habang nakatago sila sa gilid ng hagdan.
“Hoy! Ano bang nangyayari?!”
“Dapa!” Sigaw nito ng makarating sila sa elevator at sinunod niya naman ang sinabi nito bago niya narinig ang sunod-sunod na pagputok ng mga baril.
Kaagad na pinaandar nito ang elevator. “Tama ang hinala namin hinahabol ka pa rin niya hanggang ngayon, pero bakit?”
“Sino ba ang tinutukoy mo?” Nawiwindang niyang tanong.
"Si Mr. Wong, do you know him?"
Kinabahan siya nang marinig ang pangalan ni Mr. Wong.
“Hindi ko siya lubusang kilala pero ibinenta ako ni mama Cole sa kanya. Siguro kaya hinahanap niya ako dahil malaking halaga ang ibinigay niya kay Cole.”
“Hindi ka niya hahabulin sa ganoong kababaw na dahilan. Depende na lang kung may iba pa siyang pakay sa’yo.”
Kumapit siya kay damuho dahil na rin sa takot niya. Hindi niya alam kung saan ba siya tatakbo pag nagkataon na mapahiwalay siya rito. “Sa palagay mo anong dahilan? Pero hindi ko naman siya kilala, e.”
“I don’t know, isa lang ang hinala ko. He needs to know something important from you.”
She gave him a questioning look. "Hindi ko maintindihan."
“Sa tingin ko meron siyang mas malalim na dahilan.” Anang ng binata.
Nang bumukas ang elevator mabilis siya nitong hinila palabas nang sunod-sunod na pagputok ang narinig nila, mukhang inaabangan sila ng mga ito. Makakalabas pa ba kami dito? Jusko, lord ayoko pa mamatay sa ganitong sitwasyon kailangan pa ako ng pamilya ko. May mga pangarap pa ako.
“Pindutin muna ang bracelet mo!” Sigaw ni dumuho habang nakikipagbarilan sa mga tauhan ni Mr. Wong.
Mia followed Cyrus' instructions and activated her bracelet. Alam niyang darating si Jondray para iligtas sila.
Blue eyes..
“Magtago ka!” Sigaw ni Cyrus pero hindi niya ito maiwan.
“Pa-paano ka?”
“Nakakasagabal ka lang sa akin! Magtago ka na!” Anito habang nakikipagbarilan pa rin at mabilis siyang tumakbo habang kinocover siya nito mula sa mga kalaban na alam niyang susundan siya.
Paano ba siya napadpad sa ganitong sitwasyon?
Nagtungo siya sa stock room na walang katao-tao habang nanginginig sa takot ang kanyang buong katawan. Panay ang dasal niya na sana okay lang si dumuho at sana dumating si blue eyes para iligtas sila.
Hanggang sa wala na siyang marinig na putukan mula sa labas kaya’t naisipan niyang lumabas sa pinagtataguan niya upang balikan si Cyrus o dumuhu kung tawagin niya.
“Nandito ang target!”
Biglang sumigaw ang isang armadong lalaki na alam niyang tauhan ni Mr. Wong.
“A-anong kailangan ninyo sa akin?! Kahit patayin ninyo ako hindi ako sasama sa inyo!” Matapang niyang saad sa mga ito.
Inihagis niya lahat ng mga bitbit niya sa mga ito at saka kumaripas ng takbo subalit nabaril ng isang lalaki ang balikat niya kaya bumagsak siya sa sahig. Ito na ba ang katapusan ko? Pero paano ang mga maiiwan ko? paano ang Inay, hindi pwede..
“Blue eyes!” Malakas niyang sigaw kahit alam ni Mia na imposibleng sisipot ito. Baka nga pinabayaan na siya nito.
Pumikit siya habang nagsisimulang tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata pababa sa kanyang dalawang pisngi, hinihintay na lang niyang humandusay siya sa sahig kaysa sumama at makaharap ang manyak na si Mr. Wong.
Ngunit may humigit sa kanya patayo at minulat niya ang kanyang mga mata at parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib nang bumungad ang gwapong mukha ni Jondray at ng mga kasamahan nito bago siya tumingin sa paligid at nakita niyang nakahandusay na lamang ang mga armadong lalaki. Bumalik ang tingin niya kay blue eyes na nakahawak pa rin sa braso niya.
They saved her life..
Buong akala niya hahayaan na lang siya nito kasi wala naman siyang silbi sa binata kung tutuusin. Bakit niya ba ako pinoprotektahan?
Matapos ang kaguluhan sa loob nang Mall dumaan sila sa isang exit na walang mga taong dumadaan. Tatlo ang hindi niya kilala na mga kasama nito, bakit parang mga sanay ang mga ito na makipaglaban?
Sumakay sila sa malaking Van na kulay itim. Medyo naiilang siya sa mga kasama pero nangingibabaw pa rin ang takot na nararamdaman niya. Hindi siya makapagsalita dahil wala rin naman siyang sasabihin kaya lang tinitingnan siya ng mga ito na para bang sinusuri siyang mabuti.
“Aray!” Napasigaw siya sa sakit ng hilahin ni blue eyes ang braso niya.
Hindi siya nito pinansin bagkus kumuha ito ng isang malinis na tela at saka tinapal sa kanyang sugat. Nanatiling tahimik ang lahat kaya hindi siya makakibo. Lumibot pa ang mga mata niya at tumigil iyon sa gawi ni Cyrus na nakangiwi dahil marami itong tama ng baril. Masaya siyang maayos ang lagay nito matapos makipagsagupaan sa mga tauhan ni Mr. Wong. Akala niya kung ano na ang nangyari rito.
Hanggang sa makarating sa bahay ni Jondray ay tahimik silang lahat.
NIYAYA ni Jondray ang apat na kasamahan sa garden kung saan malayo ang dalaga upang hindi marinig ang kanilang mga pag-uusapan. Isinara rin niya ang pinto since may sound proof ang loob ng bahay niya.
"Are you okay, Cyrus?" Jondray asked his cousin, who was with the Mia earlier at the Mall.
Cyrus nodded, but he was still looking a bit shaken up. "Yeah, I'm fine," he said, in a small voice.
Jondray reached out and put a hand on his shoulder. "Are you sure? You don't have to pretend to be okay with us."
It blinked and then turned to him. "Do I look okay? I had a hit on my left arm but it was far from the gut so don't mind me."
"I'm just glad that you're okay."
"I know. Me too," Cyrus said. "I don't know what I would have done if anything had happened to her." Dagdag pa ng kanyang pinsan na ang tinutukoy ay si Mia.
“What's up? New plan?” Mirko entered the conversation.
"I think so. There is a woman protecting our friend." Segunda ni Alvan. His friend who was the first to get married, among the five of them.
“I'm not sure yet. Kailangan muna natin pag-aralan ang bawat kilos na gagawin natin.”
“Akala ko kailangan mo muna si Mia para magpa-init.”
“Not interested.” Jondray flatly refused. "I think we can use her, that's why I protected her."
“That's the only reason?” Cooper asked him reassuringly.
Jondray met Cooper's eyes and said quietly, “Yes.” Mariin ang pagkakasabi niya. “Rachelle is the only love of my life.” Sagot niya na may paninindigan. “Kung iniisip ninyo ang naging asal ko nang mawala si Rachelle. s*x is just a s*x, alam naman siguro ninyo ang bagay na ‘yan. Mas malala pa nga kayo.” Dagdag pa niya na ikinatawa ng apat.