Chapter 13: Kiss

721 Words

VON DREW'S POV Palihim ko syang pinagmamasdan habang kumakain kami. Akalain mong marunong din pala syang bumanat? Kanina ko pa pinipigilang mapangiti dahil sa amusement na nakikita sa babaeng ito. Hindi ko halos akalaing mayroon pala syang ganoong side. Akala ko ay puro panununtok at paninipa lang ang alam ng babaeng 'to. Pero hindi ko maiwasang kabahan kapag naaalala ko ang sinabi nya na pag nalaman nyang hindi ako totoong bakla, mawawalan ng bisa ang usapan namin. At pag nangyari yon, wala akong magagawa kundi ngumanga! Mukhang kailangan ko na talagang gamitin yung mga tinuro nila Tara sa akin. Pero mamaya nalang kapag nasa kotse na kami. Ang sagwa pa naman ng mga 'yon! Napansin kong kanina pa ito tingin ng tingin sa relo nito. "May problema ba, Baby?" Napatingin naman ito sa'kin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD