VON DREW'S POV Agad na niliko ko ang kotse papasok sa subdivision kung saan naroon ang bahay ng parents ko. Tumunog ang phone ko at nagflash ang picture ng Ate ko sa screen. Agad na sinwipe ko ang screen para sagutin ang tawag. "Yes, Ate?" bungad ko habang bumubusina sa tapat ng gate ng bahay namin. Agad namang may lumabas na dalawang guard at pinagbuksan ako. "Where are you? Nasa Pinas ka na ba?" tanong nito. Kagagaling ko lang kasi ng Korea dahil nagkaproblema sa isang branch namin doon. Actually, bukas pa sana ang punta ko but I have a very important thing to do tomorrow. Wala sa sariling napahawak ako sa kaliwang pisngi ko na hinalikan niya last night. I can't help but smile. "Vodie? Are you still there?" iritadong tanong ni ate sa kabilang linya. "Yep. I'm actually home." sabi k

