Chapter 4: The Aldanas

1097 Words
NYX ARIANE'S POV Instead na sa condo ay dito ako sa mansyon tumuloy. Dalawang Kuya ko ba naman ang kumulit ng kumulit sa'kin eh! "Princess! I missed you!" salubong sa'kin ni Kuya Arden, pangalawa sa aming tatlo. Sa dalawang Kuya ko, si Kuya Arden ang mas sweet. Si Kuya Harley kasi ay palaging seryoso at sobrang workaholic. Palibhasa ay sya ang panganay at talagang naobligang mag-take over ng business namin. Sina Mommy at Daddy ay taga-alalay nalang sa aming tatlo sa pagpapatakbo ng business namin. Yumakap din ako sakanya at humalik sa pisngi. Ganito talaga kami ni Kuya. Madalas nga ay napagkakamalan syang boyfriend ko dahil sa sobrang lambing nya sa'kin. Pero kung gaano sya kalambing sa'kin ay ganun naman sya kahigpit pagdating sa mga manliligaw ko. Kaya madalas na hindi pa man sila nakakapag-umpisang manligaw, umaatras na dahil natakot sakanya. Ganun din si Kuya Harley. Mukhang tahimik lang yun at walang pakialam, pero ang totoo, he cares about me. Sabi pa nga nya, humanda daw sakanya ang lalaking magpapaiyak sa'kin. Kaya nga pinagpapasalamat kong hindi nya nalamang halos muntik na kong magpakamatay nang magkahiwalay kami ng walang modo kong ex. Kung bakit kami nagkahiwalay, saka ko nalang ikukwento. "I missed you too, Kuya! Teka? Where's Ate Hanna?" tukoy ko sa girlfriend nito. "Hindi ko na sinama, bunso. Darating din kasi si Lolo—" Excited na napaharap naman ako sakanya. "Really, Kuya? Lolo's coming?" "Yep! Kaya nga i-ready mo na yung mga isasagot mo pag inusisa na naman nya yung lovelife mo. Tsk. What's with that old man? Kulang nalang ipagtulakan kang mag-asawa eh." nakapout na sabi nito. Tinawanan ko lang sya. Kung sila Kuya ay sobrang protective sa'kin, si Lolo naman ay kabaligtaran. Actually, sya nga ang dahilan kung bakit nakilala ko yung ex ko. Psh! Nevermind na nga lang, masisira lang ang mood ko. "Manang, paki-akyat naman ho nito sa kwarto ko at pakicharge narin po dahil may tatapusin pa akong report mamaya." Sabay kaming napalingon ni Kuya Arden nang marinig namin yun. Sino pa nga ba? "Kuya Harley!" masayang bati ko sakanya. Mula kasi ng tumira ako sa condo ko, madalang ko na silang makasama. Ngayon nalang nga kami nagkasama-samang magkakapatid. Lumapit ito at humalik sa pisngi ko. "Hi, bunso. Gumaganda ah? Don't tell me may nakaligtas sa mga manliligaw mo?" Nakataas ang kilay na birong totoo nya. Natawa naman ako sa sinabi nya. "Kuya talaga! No boyfriend na muna ako. Layo-layo muna sa mga lalakeng yan." hindi naman bitter ang way ng pagkakasabi ko para hindi nya mahalatang inis ako sa mga lalaki. Kuya Arden knows about it and swear, hindi ko alam dati kung paano ko sya mapapakalma. Buti nalang at nandun si Ate Hanna para tulungan akong pakalmahin sya. Sasagot pa sana si Kuya Harley nang biglang pumasok si Lolo. Agad na lumapit ako sakanya at sinalubong sya ng yakap. "Lolo! I missed you so much po!" "Ariane, apo! Seems like you lost some of your baby fats already.” Sabi nya sabay pahapyaw na tinignan ang katawan ko. “May pinag-papasexyhan ka na bang bago, apo ko?” sabi nito matapos kaming magyakapan. I told you! "Lolo naman, yan na naman kayo sa kakabugaw nyo kay Nyx eh." reklamo ni Kuya Arden. Bumaling naman sakanya si Lolo "Come one, Arden. Your sister is not a teenager anymore. She's 25 at pwedeng pwede na syang mag-asawa." Determinadong sagot naman ni Lolo. "But, 'Lo! Nandito pa kami ni Kuya at wala pa kaming asawa!" "Kaya nga mag-asawa na kayo para naman hindi maputol ang lahi natin." dahilan nito at saka binalingan si Kuya Harley. Kunot noo itong nakatingin sa cellphone nya. "And you, Harley? Kailan ka ba talaga magpapakilala ng babae sa amin?" Napatingin naman si Kuya sakanya bago sumagot. "I have no time for that, 'Lo." Napailing nalang kami sa sagot ni Kuya. Actually, maraming nagkakagusto dyan at isa na duon ang secretary kong si Trish na dead na dead sakanya pero hindi nito pinapahalata. Sa totoo lang, dinadaan nga nito sa pagsusungit para hindi mahalata ni Kuya yung feelings nya. Napatigil kami sa pagkukwentuhan nang sabihin ng isang maid na handa na raw ang dinner. Pagdating namin sa dinning area ay nanduon na sina Mom and Dad. And as usual, puro business na naman ang pinag-usapan over dinner. What do you expect? Nuong nag-aaral palang ako, para sa'kin, boring yung mga ganitong topic pero nung nag-start na akong magtrabaho, nakaka-aliw na nakaka-stress at the same time. You'll gonna see different faces and you're forced to memorized their names and from what company they are from. Mahalaga yun lalo na kung shareholders or stockholders ang mga yun. That's one of the factors you have to consider when you are a part of the corporate world. After dinner ay kanya kanya na kaming pasok sa mga kwarto namin. Papasok na sana ko sa kwarto ko nang pigilan ako ni Lolo. "You still love him, apo?" That escalated quickly. And it hits differently now that Lolo is the one who is asking about it. Napapikit ako bago ko sya sagutin. "Yeah. I still do. But not as much as I love him before." sincere na sagot ko sakanya. Lolo knows about it too. I am probably just trying to cover it up with hates but the pain is still here, so I guess, I am not over him yet. Tanging si Kuya Harley lang talaga ang hindi nakakaalam ng nangyari sa'kin three months ago. Sympathetic na tumango-tango si Lolo. "I see. You'll get through it, apo. At sana, wag mong tuluyang isara yang puso mo sa iba." Paalala nya. Tumango naman ako, even though I am not considering that idea now. I still need time to heal. And nararamdaman ko namang naghe-heal ako as times go by. Dati nga ay hindi ko makuhang mainis sa kanya dahil sa ginawa nya sa akin. Dati ay pakiramdam ko kaya kong mahalin parin sya despite of what he did to me. Recently, I am starting to realize how fool am I to consider all those silly ideas. Tama nga siguro si Trish na wala pa akong alam pagdating sa tamang pagmamahal. Napayakap ako sakanya. "Thank you, Lolo. I can't promise na magmamahal pa ako ng gaya ng pagmamahal ko sakanya.. But, i'll try. Maybe, in time..when I’m completely healed." Hinimas-himas ni Lolo ang buhok ko at humalik sa noo ko bago kami tuluyang pumasok sa kwarto. Napangiti ako. There’s no other better comfort than the comfort of your own family.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD