Chapter 2: I'll Bring You Down

899 Words
NYX ARIANE'S POV ALDANA GROUP OF COMPANIES (Main Branch) Inis na naupo ako sa table ko pagdating ko sa office. Kagagaling ko lang sa MI or Montecarlo International, ang company ng business partner ng Dad ko dahil may pinag-usapan kami ng panganay na anak nito na syang may hawak sa Foods Section. Ang Montecarlo International ay pagmamay-ari ni Don Victor Montecarlo na syang matalik na kaibigan ng lolo ko. Montecarlo International composed of 4 Sections. House and Lot Section na kasalukuyang hawak ng anak ni Don Victor na si Val Montecarlo, Foods Section na hawak nga ng panganay na anak ni Val na si Van Allen Montecarlo, Garments Section na hawak naman ng pangalawa at unica hija nitong si Valeen Montecarlo at ang pinakahuli ay ang Cars Section na hawak naman ng bunsong anak nitong si Von Drew Montecarlo, ang syang tinuturing na "black sheep" ng pamilya. Napahilot ako sa sentido ko ng maalala ang nangyari kanina. Nagmamadaling umalis ako sa office ni Van Allen dahil narinig ko sa secretary nito na parating daw ang girlfriend nito. Laking gulat ko nang mapatingin sa picture na nasa ibabaw ng table nito. Si Mitchelle Chen. Hindi ako pwedeng magkamali. Sya yun! At bago pa ako maabutan duon ng oportunista at gold digger na babaeng yun, nagpaalam na ako kay Van. "I'll go ahead. Ipapadala ko nalang through fax yung copy ng documents na hinihingi mo." "Okay. Thank you, Ms. Aldana. I'll just call you pag nareview ko na yun." sagot nito. Tinanguan ko sya ng bahagya tsaka nagmamadaling lumabas ng opisina nya. Hindi pa ko gaanong nakakalayo nang may marinig akong boses na pamilyar na pamilyar sa'kin. Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang inis na nararamdaman. Kyle Chen. My ex-boyfriend. "Miss, is Mr. Van Allen Montecarlo's around?" rinig kong tanong nito sa secretary ni Van. Narinig kong tinanong nito kung may appointment sya sa boss nito. Mayabang at confident na sumagot naman ito. "Wala, eh. Just tell him na nandito si Kyle Chen, alam nya na yun." Napataas ang kilay ko. That explains the picture na nakita ko sa office ni Van. Napangisi ako ng marealized ang posibleng dahilan ng pagiging close nito sa panganay ng mga Montecarlo. "Gold digger!" inis na bulong ko tsaka nagmamadaling tinungo ang elevator. Sa pagkakaalam ko, Cars ang business nya pero bakit kay Van sya lumalapit? I wonder why.. Hindi kaya sila in good terms nung bunsong anak— Agad na naputol ang pag-iisip ko nang may maramdaman akong matigas na bagay na bumangga sa akin. Shit, Nyx! Nakita mo lang ang walanghiyang yun, nawala ka na naman sa sarili mo! Piping sita ko sa sarili. At dahil sa takot na mabuwal ay napayakap ako sa kung sinong estrangherong nabangga ko dahil medyo malakas ang pagkakabangga ko sa kanya na kung hindi ako kakapit ay mawawalan ako ng balanse. Bibitaw na sana ako sa pagkakayakap sakanya nang biglang maramdaman kong gumanti sya ng yakap. At hindi lang basta yakap, kundi mahigpit na yakap! Aba’t! Ang lakas ng loob ng kung sinong mapagsamantalang ito! Sa inis ko ay ginamit ko ang buong lakas ko para makalayo ng bahagya sa kung sinong manyakis na lalaking yun. At nang makahanap ako ng magandang pwesto ay sinuntok ko sya ng malakas diretso sa sikmura. Narinig ko namang napamura ito ng impit. "Bastos!" sigaw ko sa lalaking ngayon ay namimilipit sa sakit. Tuloy tuloy na pumasok ako sa elevator at bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang saglit na tumingala ang lalaki ay makita ko ang side profile nya. Nakilala ko kaagad ito dahil sa not-so-common features ng lalaki. And that features made him stood out everywhere he go. Si Von Drew Montecarlo. The youngest of the Montecarlos. Ang tinaguriang playboy at heartbreaker nung college days ko. Yes, naging classmates kami nung High School at schoolmates nung College. And we have a lot of common elite friends. Mabuti nalang at sumara na ang elevator at hindi nya ako nakita. Wait! At ano naman ngayon kung makita nya nga ako? 'Bah! Akala nya ba sasantuhin ko sya? Never! Isang katok ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Agad na tinignan ko ang pinto at ilang sandali pa ay pumasok duon si Trisha, ang secretary ko at tinuturing ko na ring bestfriend. "What's with the long face?" taas ang kilay na tanong nito. Umiling lang ako. "By the way, I have something to tell you, Nyx." Seryoso ang mukha nito kaya nagtatakang tinignan ko sya. "What is it, Trish?" "I've heard from George that your ex is trying real hard to close a deal with the Montecarlos." Si George ang kaibigan nito na secretary naman ni Vodie, short for Von Drew. "I know." walang ganang sabi ko. Takang napatingin naman sya sa'kin dahil siguro sa reaksyon ko. "And?" tila hindi makapaniwalang tanong nya. "And what?" "I mean, hahayaan mo lang ba sya? You know Kyle very much and—" "Yeah. I knew him as a gold digger and clingy businessman kaya nga gagawa ako ng paraan para hindi nya mai-close ang deal na yun." Determinadong sabi ko at napatingin sa kanya. Napasinghap si Trish at bumuntong hininga na para bang alam na ang nasa isip ko. "I'll do anything. Whatever it takes.. I'll bring that jerk down." Nasabi ko nalang dala marahil ng inis at galit na biglang nanumbalik sa akin dahil sa ginawa nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD