MYSTERIOUS-1 TIME IS GOLD

1220 Words
Pakiramdam ni Ronchie bibigay na ang kanyang tuhod. Ngunit hindi siya maaring tumigil sa pagtakbo. Baka maabutan siya ng mga taong humahabol sa kanya. Napasigaw siya ng makitang malapit na ang mga ito. Taimtim siyang nagdasal na sana ay may dumating para tulungan siya.  Dahil sa panaka-nakang paglingon ay hindi niya napansin ang batong nakausli sa daan. Napatid siya dito at bumagsak, muntik na siyang masubsob sa semento. Mabuti nalang at maagap niyang naitukod ang mga kamay. Rinig niya papalapit na mga yabag at lumalakas na na din ang halakhak ng mga humahabol sa kanya. Diyos ko, katapusan na ba niya?  Wala siyang nagawa kundi mapahagulgol. Diyos ko kayo na po ang bahala.  Pumikit siya at hinintay ang malupit niyang katapusan.  Nagulat siya ng isang matipunong bisig ang yumakap sa kanya. Pagmulat niya ng mga mata nakabulagta na ang mga taong humahabol sa kanya. Nanlalaki ang mga matang pinagmasdan niya ang kanyang taga pagligtas ngunit hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito. "Shhhh I'm here, you are safe now." Masuyo nitong bulong habang dahan-dahang bumababa ang mukha nito patungo sa kanyang mga labi. Ng maglalapat na sana ang kanilang mga labi ay biglang may sumigaw. "Ronchie, gising na! Batang to, tanghali na. Ano ba, walang tatao sa carinderia natin ngayon."  Inis na nagtakip siya ng mukha at pinilit na muling matulog. Panira naman ang nanay niya, nasa kalagitnaan na siya ng kissing scene eh. “Kapag hindi ka pa babangon diyan, makikita mong bata ka. Isa!” Padarag na tinanggal niya ang unan sa mukha.  "Nay naman oh, five minutes pa." Ayun na eh, kaunti nalang at magkaka-first kiss na siya kahit sa panaginip man lang. "Hindi ka talaga babangon diyan? Kukurutin kita sa singit! Anong oras ka na naman ba natulog?" Talak ng kanyang ina.  "Hala, bangon na at magdadatingan na ang mga suki natin."    Ipinagwalang bahala niya ito at muli niyang itinakpi ang unan sa mukha. Mas kailangan niyang ituloy ang panaginip. Papatulog na siya ng bumukas ang pinto ng kanyang kuwarto at may kumurot sa kanyang singit. Napasigaw siya. "Aray! Nay, naman eh." Inis na ginulo niya ang magulo na niyang buhok. Paanos siya magkaka-boyfriend nito? “Hala, bangon na at kailangan ko ng matulog.” Itinulak siya ng ina patayo. Alas tres palang kasi ng madaling ay ay gising na ina para mamalengke. Umuuwi para matulog pagkatapos nitong magluto at i-display ang mga paninda nilang ulam sa carinderya sa kabilang kanto. Sabado kasi ngayon at sila ng ate niya ang naka-toka para magbantay dahil wala siyang pasok sa eskwelahang pinagtuturuan. Yes po, isa siyang public teacher. Padarag siyang bumangon. Naudlot na naman ang first kiss niyang pinakaa-asamasam. Wrong timing na naman kasi, five minutes na nga lang ang hinihingi niya hindi pa siya pinagbigyan ng ina. "Oo na nay, hayan na nga po, nakabangon na.” Nagpapadyak siyang nagtungo sa kanyang banyo para maligo. "Tsk hindi ba uso ang pahinga?" Paano pa siya magkaka-love life nito? Sobrang busy ng buhay niya. Marahan niyang inuuntog ang ulo sa dingding ng banyo. Kakainis naman kasi. Matapos maligo ay agad siyang nagtungo sa kanilang carinderia. Ma-suwerte siya sa pagkakaroon ng mga magulang na iginapang siya para makapagtapos. Isang Driver ang kanyang ama. Ang kanyang ina ang namamahala sa kanilang carinderia.  Mayroon siyang nakakatandang kapatid. Ang kanyang Ate Rochelle. Hindi ito nakapagtapos dahil maagang nabuntis. Hindi ito pinanagutan, kaya isa itong ay solo parent. Magkaganun man ay masaya sila sa kanilang buhay. Kahit pa ang unang gumigising sa kanya sa umaga ay ang talak ng ina. "Ronchie, ke aga-aga eh ang haba ng nguso mo." Puna sa kanya ng kanyang ate pagkapasok niya sa loob ng kanilang carinderia. “Mamaya layuan tayo ng suwerte niyan.” Mas lalo siyang bumusangot. "Paano naman kasi ate, panira lagi si nanay ng panaginip eh." Natawa si Rochelle sa kapatid. "Hindi ka pa nasanay? Alarm Clock nga eh. Sige na tumulong ka na at nagdadatingan na ang mga suki natin." "Nasaan si Cheche?" tanong niya kung nasaan ang kanyang limang taong gulang na pamangkin. "Nasa paligid lang iyon, papasok dito kapag gutom." Napabuga nalang siya ng hangin dahil hindi parin parin nawawala ang inis niya dahil sa pagka-udlot ng kanyang panaginip. Kaya imbes na tumulong ay nangalumbaba siya sa harap ng mga lutong ulam nila. Maya-maya ay tila baliw na sumilay ang kanyang ngiti sa mga labi ng balikan ang tagpong pinutol ng ina sa kanyang panaginip. Bumalik siya sa realidad ng makaramdam siya ng hampas. “Aray!” "Hoy, anong ini-imagine mo diyan? May customer!" "Ate nama eh!" Inis na bumaling siya sa customer na sinasabi ng ate niya. Napanganga siya ng mapagmasdan ito. Hindi ito katulad ng mga suki nilang parang sangganong tambay sa kanto na hindi naliligo ng isang linggo.  Bagkus isa itong lalaking mukhang mabango at bagong paligo sa kabila ng pawis na gumigitaw sa noo nito. Kung kani-kanina ay naiinis siya. Ngayon  ay gusto na niyang magpasalamat sa ina sa paggising nito sa kanya ng maaga. Dahil kung hindi, hindi niya makikita ang guwapong nilalang ngayon sa kanyang harap. Tumabi ang kanyang ate sa kanya at marahang isinara ang nakabuka niyang bibig. Pagkatapos ay pasimple siyang kinurot. "Aray, ate naman eh." "Ke aga-aga nananginip ka na. Asikasuhin mo na yang customer." Bulong nito. Nakangiti niyang hinarap ang lalaki "Ano po ang order niyo sir?" Kulang nalang ay may lumabas na maliliit na puso sa mga mata niya habang tinatanong ito. "What do you call this thing?" Kunot noong tanong nito bopis sa harap nito. Wadapak! Mukhang rich kid ang mama. "Bopis yan sir" Napangiwi ito at isa isang binuksan ang laman ng kaldero sa harap nito. "Ito nalang, isang order. Then a cup of rice" Sinigang na ang tinuro nito. "Okay po ihahatid ko nalang sa mesa niyo." Hindi man lang nagpasalamat na tumalikod ang lalake. Aba't walang good manners and right conduct ang loko. Pasalamat ito at bihira lang ang poging nagiging customer nila. Kahit medyo nainis siya ay nakangiti parin siyang nagsukat ng inorder nitong pagkain. Siya pa mismo ang naghatid nito. Pagbalik niya sa kanyang pwesto ay nakapaskil ang nanunuksong ngisi ng kanyang kapatid. "Kanina lukot na lukot mukha mo, kakakita ka lang ng pogi para ng mapupunit iyang labi mo sa kakangiti." "Tsk, pagbigyan mo na ko teh, bihirang may maligaw na pogi dito." Natatawang sagot niya sa kapatid.  "Kahapon pa yan, bagong lipat diyan sa malaking bahay sa tapat." "Seryoso?” Bigla siyang na-excite. “Hai, salamat naman. Magkakaroon na ng magandang view ang lugar natin." Tumatawa niyang saad. Kinurot siya sa tagiliran ng kapatid. "Puro ka kalokohan." *** “He's here.” Madilim ang anyong inilibot ni Quen ang paningin sa paligid. Sa lugar na ito nakatira ang taong dahilan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. He closed his fist tightly, sisiguraduhin niyang magbabayad ito ng mahal.  Tumayo siya para magbayad ng kinain niya. Kanina pa siya naiirita dahil ramdam niyang kanina pa siya tinitigan siya ng dalaga sa counter. "Miss Bayad" ngunit nanatili lang itong nakakatitig sa kanya. Napailing nalang siya "Keep the change!" inilapag niya ang bayad sa harap nito. Hindi pa nito inaabot ang kanyang pambayad dahil abala pa ito sa pagtunghay sa mukha niya. Tumalikod siya at mabilis na naglakad palabas. His time is gold, madami pa siyang dapat pagplanuhan. Wala siyang balak na maabala ng kung sino man.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD