BILLIONAIRE SERIES #3 C10 MARGA POV Hindi naman ako comportable habang sakay kami ng van. Pinapagitnaan kasi nila ako habang binabaybay namin ang bago kong papasukan na campus. Nang makarating kami ay kahit pagpasok sa loob ay naiilang pa rin ako dahil sa pagsasama nila. Para kasi akong bata na kailangan bantayan. “Marga!” Napalingon ako at agad na napangiti habang nakikita si Sofia na papalapit sa akin. “Dito ka ba nag-aaral?” Tanong ko sa kanya nang makalapit siya sa akin. agad naman siyang tumango at napapatingin sa mga kasama ko kaya napakamot ako sa aking ulo. “Hindi ko alam kung bakit may mga bodyguard pa ako, kahit dito sa loob ng campus.” Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil bigla nalang akong nagpapaliwanag sa kanya. hindi naman sana ako ganito noon at wala akong pakia

