BS#3 C19 MARGA POV “Pasensya kana Marga, p-pero kasi kailangan ko itong kunin. Bilin kasi ng daddy mo.” Tumango ako sa kanya, habang pilit na tumayo. Tiniis ko rin ang kirot sa aking paa. “Paano ka ngayon niyan? Paano ka maka-kalakad?” “Ayos lang ako Sofia, ‘wag kang mag-alala.” Ngiting wika ko sa kanya, habang humawak ako sa pader. Hindi ko kasi mai-apak ang aking isang paa. “Sige, maiwan na kita, baka kasi hahanapin na nila ako. Ayoko rin mapagalitan Marga.” “Sige, salamat nga pala.” “Ano ka ba, ayos lang ‘yon, alam mo naman na kaibigan kita.” Natigilan ako dahil sa sinabi sa akin ni Sofia. Kaibigan? Magkaibigan kami? Napangiti ako habang nakatingin sa kanya na pumasok sa gate. Kaibigan pala ang turing niya sa akin, kahit ang sama ng ugali ko. “D’yan ka nalang ba?” Napaling

