Chapter 25 Day 2 (ICU) "Hi love, kakauwi ko lang galing trabaho, kamusta kana? Bumubuti na ba lagay mo? Bangon ka na jan oh. Hindi bagay sayong nakahiga lang. Salamat nga pala huh? Niligtas mo buhay ko. Salamat kasi hindi ka sumuko sa akin. Sorry sa lahat ng nagawa ko. Hays, kelan ka ba gigising? Kahapon ka pa nandito. Di bagay na magtagal dito. Miss na kita." Day 3 (ICU) "Hi mahal ko, naalala mo ba yung krimen na nangyari sa manggahan? Tapos na nahuli na namin yung suspect. Hindi lang pala isa nabiktima niya. Grabe no? Kailan kaya mauubos mga masasamang tao? Kaya gumising ka na jan! Magtutulungan pa tayo sa paghahanap ng mga masasama jan." Day 4 (ICU) "Love, gising na. Miss na miss ko na ngiti mo. Miss ko na yung mga luto mo sa akin. Miss ko na makita kung gaano ka kadedicated sa

