Kimberly Ann Maritiez Ramdam ko ang bulong-bulungan ng mga empleyado pagpasok ko sa loob ng kumpanya nila Jonathan. Ang iba ay nakikita kong parang naawa sa akin ngunit ang iba may parang sinasabi nila na karma ko dahil pumapatol ako sa boss namin. Parang sinasabi din nila na ang taas naman ng lipad ko kaya ayon ang sakit ng lagapak ko. Hindi ko na lang pinapansin dahil Hindi ko na lang pinapansin dahil hindi naman sila ang pinunta ko dito. Agad na patayo si Joville ng makita ako. Tumakbo pa ito sa gawi ko at agad akong niyakap ng mahigpit. Kung hindi lang ako nagrereklamo ay baka hindi niya ako titigilan. “Jusko, girl. Anong nangyari sayo, Bakit ngayon ka lang nagpapakita?" tanong niya sa akin matapos kumalas. “Nasa loob ba si Jonathan?” sa halip ay tanong niya sa akin. natigilan na

