EP.02

1695 Words
A month eventually passed since her son died and yet she's still in her darkest days. Para siyang patay na buhay sa kasalukuyan. Kumikilos, nagsasalita, kumakain, pinipilit na mabuhay sa bawat araw na lumipas. Ngunit hindi maitatatwa na ang deliryong pinagdadaanan. Paano nga ba mawala ang sakit at hinanakit? Paano ba ang magpatawad lalo na kung ang sarili mo mismo ang may kailangan nito? Simula noong mamatay ang anak ay naghahanap siya ng masisisi at natagpuan niya ang sarili na kinakastigo dahil sa malaking pagkukulang niya bilang ina. Kung nadala lang niya sana sa maayos na ospital ang anak at kung may pera lang sana silang pantustos sa gamutan, baka sakaling buhay pa ito. "May mabigat ka bang dinadala, anak?" wika ng isang madre na nasa tabi niya. Nang mga oras na iyon ay nasa loob siya ng simbahan para magsindi ng kandila para sa anak. Nakatingin lamang sa mukha ng Panginoon na nakapako sa krus. Naghahanap ng sagot sa tanong na bakit nawala sa kanya ang anak? Bakit hindi nito ipinaubaya sa kanya ang nag-iisang dahilan niya para mabuhay. "Kulang pa ang salitang bigat sa nararamdaman ko ngayon," sagot niya. "Bakit hindi mo ibigay sa kanya? Magdasal ka at ipagpasa-Diyos mo kung ano ang dinadala mo ngayon. Maiintindihan ka niya, tutulungan at gagabayan." Pagak siyang tumawa ng marinig ang sinabi ng madre. "Bakit ka natawa, anak?" "Ilang beses na akong lumapit sa kanya at nagdasal, pero bingi siya sa panalangin ko." wika niya habang tumutulo ang mga luha. "Noong maysakit ang anak ko, hindi ko na mabilang kung ilang panalangin ang binitawan ng labi ko. Bakit hindi niya ako naintindihan? Bakit hindi niya ako tinulungan at ginabayan katulad ng sinasabi mo?" "Maaaring hindi ka niya sinagot sa paraang gusto mo, subalit sinagot ka niya sa paraang makakabuti para sa nakakarami. Minsan ganoon ang Diyos, anak..." Muli na namang namutawi ang mapait na ngiti mula sa kanyang labi. "Mayroon ba talagang Diyos? Isang bagay lang ang hiniling ko, iyon ay ang buhayin ang kaisa-isa kong anak. Bakit hindi niya ako pinagbigyan? Kung totoong mayroong Diyos, bakit hindi niya ginamot ang anak ko?" "Oo anak, mayroong Diyos. Manalig ka lang, magtiwala at magpakabuti. Minsan hindi natin naiintindihan ang mga nangyayari sa'tin, pero kung hahayaan natin ang Diyos sa ating buha-" "Walang Diyos! Dahil walang Diyos na dumating para sa anak ko. Siya lang ang tanging pag-asa para gumaling ang anak ko. Pero walang milagrong dumating, nagtiwala ako at nanalig, pero binigo niya ako." mapait niyang putol sa sinasabi ng kausap. Bakit? Totoo naman hindi ba? Ilang ulit siyang lumuhod at nagmakaawa, pero bakit sa huli, heto siya at kawawa? "Anak..." "Mauna na ako, sa tingin ko ay nag aaksaya lang ako ng oras dito." aniya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa silya. Binuksan niya ang bulsa ng maliit niyang bag at inilabas mula roon ang rosaryo na isinuot niya sa leeg ng anak noong nasa ospital ito. "Magmula ngayon ay wala na akong Diyos na kikilalanin, ang pananampalataya ko sa kanya ay nagwakas na ngayon," dagdag niya. Inihagis niya ang dalang rosaryo sa sahig at patakbong lumabas ng simbahan. Naiwan niya ang madre na nagitla sa kanyang inasal. Wala itong nagawa kung hindi ipagdasal na sana'y maliwanagan ang ginang mula sa dilim na kinasasadlakan nito. Dinampot ng madre ang rosaryong itinapon ng kausap at maingat na pinunasan. "Vanessa, anak..." tawag sa kanya ng ina pagkarating niya sa maliit na kwarto na tinitirhan nila. Wala ang kanyang ama kaya marahil ay nasa inuman na naman ito. "Ano 'yon?" "Mangyari kasi ay naniningil na si Riva, baka raw mahulugan na natin yung ginastos niya kay Vito noon," "Kung naibebenta lang ang bulbol, matagal na akong nagbunot para mabayaran siya!" iritable niyang sagot. "Hindi ba siya makapaghintay? Kamamatay lang ng anak ko, hindi naman siya tatakbuhan. Kulang pa ba na lahat tayo nagsisilbi sa kanya na para tayong alipin na walang sahod?!" "Kailangan na raw kasi nila eh," tila natatakot na wika ng ina. Napasalampak siya ng upo. Mabigat ang kanyang ulo at tila lalagnatin siya. Bakit tila wala man lang konsiderasyon ang lahat ng taong nasa paligid niya? "Kamo ay magbabayad ako sa makalawa, magtatrabaho muna ako para may maiabot ako." aniya sabay higa sa katre. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pinilit na makatulog. Pagod na pagod siya ng mga oras na iyon at wala siyang ibang hiling kung hindi makatulog kahit ilang oras lamang. Kinabukasan ay maaga siyang nagpunta sa salon ng kaibigang sina Zandrei at Lovely para tanungin ang mga ito kung may bakanteng trabaho ang mga ito na pwede niyang pasukan. "Seryoso ka, mars?" manghang tanong ni Zandrei sa kanya. “Magta-trabaho ka na?” "Oo naman, mukha ba akong nagbibiro?" "Hindi pa naman kasi gano'n kalaki ang kita rito sa salon, alam mo naman na kakabukas lang namin. Malimit pa kami magkaroon ng tomer sa isang araw." sabad ni Lovely. "Ibig sabihin wala akong pag-asa na magtrabaho rito?" laglag ang balikat na sabi niya. "Hayaan mo kapag dumami ang tomer ay babalitaan ka agad namin, sa ngayon kasi ay wala pang gaanong kita. Kayang kaya pa namin ni Lovely na patakbuhin itong salon." ani Zandrei. "Okay, sige! Susubukan ko sigurong mag-apply sa iba. Kailangan ko na kasi talagang magkaroon ng trabaho." "Sige mars! Sana ay matanggap ka agad!" ani Lovely. "Mauna na ako," paalam niya. Akmang bubuksan niya ang pinto ng bigla siyang lapitan ni Zandrei at iabot nito ang scapular na nakabalot pa sa plastic. "Pampa-swerte mo," nakangiting wika nito. Matagal siyang hindi nakahuma. Parang nakapagkit ang magkabila niyang paa sa sahig habang nakatitig sa inabot ng kaibigan. Maya-maya pa ay kumilos siya para itapon ito sa basurahan. "Hindi ko kailangan 'yan. Walang Diyos, hindi siya totoo!" matigas niyang wika bago tuluyang umalis. Nagkatinginan na lang ang dalawa sa inasal ng kaibigan na sa pagkakakilala nila ay maka-Diyos simula ng magkaanak. Batid nila kung gaano nasaktan ang kaibigan sa pagkawala ng anak nito. At hindi nila masisisi kung bakit gayon na lamang ang inasal ni Vanessa. Isa lang ang dalangin nila, iyon ay ang malampasan nito ang malaking dagok sa buhay at bumalik ito sa dating Vanessa na nakilala nila. Sa kanyang paglalakad ay dinala siya ng kanyang mga paa sa sementeryo kung saan nakalibing ang anak. Wala siyang dalang kandila para dito ngunit may dala siyang laruang sasakyan at ang paborito nitong kalamay na tag-sampu. "Anak, nandito ulit si Mommy, may dala akong bagong laruan at kalamay. Hindi ba't paborito mo ang mga 'to? Noong nasa ospital ka'y ito palagi ang request mo sa'kin." garalgal ang boses na sabi niya. Sa tingin niya ay hindi siya natutuyuan ng luha sapagkat palaging sagana ang daloy nito mula sa kanyang mga mata. Maingat siyang naupo sa tabi ng nitso at maingat na pinupunasan ang lapida nito.  "Alam mo anak, naghahanap na ng trabaho si Mommy, para magkapera at makabayad sa utang. At higit sa lahat, para makalimot saglit sa sakit na nararamdaman ng puso ko anak," tumutulo ang luhang sabi niya. Tila batang nagsusumbong ang kanyang hitsura ng mga oras na iyon. Napapikit siya ng maramdaman ang malamig na simoy ng hangin na dumampi sa kanyang pisngi. Sa kanyang palagay ay niyakap siya n kanyang munting anghel. Dahil doon ay mas lalo siyang nangulila. Muli na namang dumaloy ang sakit na parang latay sa buo niyang pagkatao. Bakit ba ganoon ang buhay? Walang hanggang bakit ang nasa kanyang isipan, nakakabaliw, nakakaubos ng katinuan. Pagkatapos niyang dalawin ang anak ay nagpasya siyang umuwi na muna. Wala rin naman siyang napala sa lakad niya dahil walang may gustong tumanggap sa undergrad na kagaya niya. Mag-aapply ka lang bilang tindera, napakadami pang requirements. Pudpod na ang sapatos at butas na ang bulsa mo ngunit hindi ka pa natatanggap. Bakit ba napakataas ng standard ng ibang maliliit na negosyante? Hindi ba dapat, alam nila ang hirap ng mga kagaya niya?   "Vanessa, halika nga!" tawag ng ama. Nasa duyan ito at nagyoyosi na naman kahit bawal na sa kanya dahil sa sakit ito sa tubercolusis.  "Ano 'yon?" tipid niyang sagot. "May pera ka bang naitabi diyan? Pahingi naman ako," "Meron akong perang natira pero pamasahe ko 'to bukas sa pag-aapply ko." aniya. "Aapply-apply ka pa wala rin naman tatanggap sa'yo, bakit hindi ka na lang bumalik sa dati mong trabaho? Mas malakas ang kita mo roon, maawa ka naman sa'min ng nanay mo na matanda na ay ganito pa rin ang trabaho." angal nito. "Kung hindi lang na-ospital ang anak mo ay hindi tayo mababaun sa utang. Ang lakas kasi ng loob mong i-confine ang anak mo wala ka namang pera, pati kami ni Agnes ay nadamay sa kamalasan mo sa buhay!" dagdag nito. Nagpanting ang magkabigla niyang tenga at mahigpit niyang naikuyom ang kamao. Napakawalang kwenta talaga ng tatay niya dahil imbes na matuwa ito na itinigil na niya ang pagbebenta ng laman ngunit ngayon ay ito pa ang nagtataboy sa kanya. Kung dangan sana ay pinag-aral siya nito noon, disin-sana'y may maayos siyang trabaho ngayon. "Heto ang pera, ibili mo ng bisyo mo. Lumaklak ka hanggang sa maluto 'yang baga mo para mamatay ka na! Kahit kailan talaga ay wala kang kwentang ama, sana ikaw na lang ang namatay at hindi ang anak ko!" singhal niya rito. Sumabog na ang poot na nakimkim niya sa napakahabang panahon. "Aba't! Walanghiya kang bata ka ah! Uhm!" galit na sigaw ng ama sabay sampal sa kanya ng malakas. Mabigat ang kamay ng ama na puno ng kalyo. Sa tingin niya ay nabingi siya sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya. "Ano ba 'yan! Tumigil nga kayong mag-ama! Wala na nga tayong makain, nagagawa ni'yo pang mag-away! Hindi man lang ba kayo nahihiya sa mga sarili ninyo!" humahangos na saway ni Agnes sa mag ama. "Eh, itong anak mong talipandas, binabastos ako!" gigil na wika ni Victor. "Bakit, ano ba kasing nangyari?" usisa ng ina. Hindi na niya hinintay na sumagot ang ama. Humiga na siya sa katre at nagtalukbong ng kumot. Muli na naman siyang nakaramdam ng pagkahabag sa sarili. Lintik na buhay 'to, apoy na lang ang kulang at nasa impyerno na siyang tunay. Bakit hindi na lang siya nito patayin para tapos na ang paghihirap niya? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD