CHAPTER 3

1213 Words
Grabe kumulo talaga yung tiyan ko sa dami ng mga nangyari sa akin ngayon. Nakagalitan pa ako ni Sir Troy at sana mawala na rin iyon. Ang hirap magrelax oras na nagagalit na siya at ang hirap rin minsan na di sumagot pag oras na nasa katwiran ako at siya ang mali sa aming dalawa. Hinihimas ko nuo ko mula sa sumasakit na ulo ko habang iniisip isip na mali talaga ako ng di ko naalala ang bilin nito. Kainis bakit ko ba nakalimutan? Habang nag-iisip kung bakit ko nga ba nakalimutan ang bilin nito ng biglang magflash sa utak ko. FLASH BACK “Elisa patawagan naman ng restaurant sa Timog para sa isang meeting. Paki book mo ako for two people. Paki tawagan mo na rin si Mr. Cayetano para mabook mo ako ng schedule sa kanya kung pwede siya sa araw na sinabi ko sayo at yung oras na rin paki tanong sa kanya kung available siya sa oras at araw na ibinigay ko sayo." “Okay Sir Troy ako na bahala tatawagan ko na rin po agad ngayon rin." Sagot ko sa kanya. “Sige tapos paki bigay mo rin ito at idaan sa accounting para maprocess na rin. Sabihin mo rin kay Martha na tapusin na niya ang pinagagawa ko sa kanya." Utos na sinabi pa. “Sir Troy hindi ba pwede na ipasa ko nalang ito kay Lucille o kaya kay Maria?" Aniya ko rito na makiusap na rin. Hindi kasi kami close ni Martha ang malanding babae na yon na pilit na inaakit si Sir Troy. “Kaya naman Sir Troy papuntahin ko nalang siya rito at pasasabihan ko kay Gianna o kaya kay Rufa na kasama niya sa department nila." Sabi ko pa ng tinaasan ako ng kilay. “Sorry Sir Troy! Alam mo naman na hindi kami magkasundo ni Martha at alam mo naman na patay na patay yon sayo. Ayaw mo nga lang kasi pansin kung bakit maganda naman siya kesa duon sa babaeng napupunta rito. Jowa mo ba yon?" Nakangiti ko na naitanong. “Wala ka ng pakialam kung sino man ang babaeng tinutukoy mo. Ang isipin mo yung iniuutos ko sayo hindi ang babaeng binabanggit mo ngayon. It's my personal life at wala ka na roon. Naintindihan mo ba?" Ayy! Nagalit! Nagtatanong lang naman ako. “Sorry Sir Troy di na mauulit pero si Martha po ayaw ko talaga na lumapit sa kanya. Kaya yung inuutos mo po ay iuutos ko nalang din muna." sabi ko. “No! Ikaw ang gumawa ng magkaayos na kayo." Utos na sabi pang muli at tila wala talaga akong magagawa. Lumabas na ako sa kwarto niya at saka nagtungo muna sa finance department at saka tumungo sa accounting department kung saan si Martha nakaasign. Malayo pa lang natanawan ko na si Martha na panay ang tingin sa kanyang mukha sa salamin na hawak. “Martha" sambit ko ng mabanggit ko ang pangalan nito. Sa paglingon taas agad kilay at nakasimangot. “May ahas pala." “What?" tanong ko sa inusal niya. “Ahas! Hindi mo alam? Gusto mo English ko pa. Snake, ano gets mo na ba?" Sabi ng may mataray na pananalita. “Naiintindihan ko at alam kong ibig sabihin nuon. Hindi mo na kailangan pang isalin sa English o anuman na language dahil madaling naman intindihin. Pero ang tanong ko lang ako bang sinabihan mong ahas?" Mataray na pagtatanong ko rin sa kanya. “Bakit may iba pa ba? Hindi ba ikaw lang naman ang ahas rito sa loob ng opisina?" Mataray at pabalang na pagkakausap na iniwika pa nito. “Sa thirty na tao rito na empleyado ni Sir Troy iisa lang naman ang ahas at namimilipit na makaangat at kaya pilit na dumidikit sa boss at pinakatataas rito sa kumpanya. Hindi ba ikaw yon?" Aniya na sinabi at pinamumukha nito na isa raw akong napakalaki na ahas sa kumpanya. Bumulusok ang dugo ko at nag-altaburuto na nagnanais na sumabog ano mang oras sa dahilan na napipika na ako sa mga pinagsasabi pa nitong si Martha. “Pasensya na mali ata ang pagkakaunawa mo. Kung may ahas rito iisa lang iyon at lalong hindi ako. Hindi lang sa ahas, isa ring daga na pilit na isinisiksik ang sarili sa isang tao na ayaw naman sa kanya. Kahit magpaganda o magpapansin siya sa taong pilit na ginugusto niya ayaw naman siyang lingunin kasi nga kulang sa transformation dapat siguro maging dragon na rin siya ng sa ganon. Hindi lang gapang pero kahit siguro maging dragon siya at bugahan si Sir Troy ng apoy ay hindi niya pa rin ito mapapasunod ng dahil sa kulang na kulang pa rin siya sa kanyang diskarte sa pagpapansin at pang-aakit kay Sir Troy. Baka pwede siguro maging linta nalang siya at dumikit sa isang parte ng katawan ni Sir Troy ng sa gayon sure na siya na nakadikit at hindi na mahihiwalay." Sabi ko ng ngimisi ako. “Alam mo ba pinakamasarap at mabangong bahagi ng katawan ni Sir Troy? Yung kilikili niya sobrang bango at maligasgas. Nakakakiliti pagduon ka naglagi. Ang sarap tiyak ng pakiramdam mo at lagi kang busog kasi nga fresh na fresh yung amoy." Pang-aasar ko pa sa kanya ng biglang tayo nito. “Bastos ka!" Sabi niya. “Ikaw naman nanguna." Sagot ko. “Saka naririto lang ako dahil inutusan ako ng lalaking matagal mo na pinagpapatasyahan. Pero anong ginawa mo? Iniinis mo ako at panay ang pagpaparinig mo sa wala naman kinalaman sa trabahong iniutos sa aking ng may loves mo. Oohh! Oo nga pala. May loves pero hindi ka niya love's!" Sinabi ko ulit ng mas nagdilim ang itsura nito. “Bastos ka" isang napakalakas na sampal ang natamo ko. “Siraulo ka! ikaw itong nauna." Sabi ko ng sabunutan ko rin siya ng bigla niyang hinila ang buhok ko. “Malandi ka talaga kahit kelan Elisa. Kaya't tama lang tawagin kang ahas ng dahil sa panlalandi mo kay Sir Troy." pambibintang na sinabi niya. “Anong nilalandi ang pinagsasabi mo? Ikaw itong lapit ng lapit sa kanya at nagpapansin palagi bakit sa akin mo pilit na binabato ang trabaho mo? Ikaw yung may gusto sa kanya at hindi ako." Sabi ko sa kanya at hinigpitan ko pa ang paghila sa buhok niya. Napakasakit ng kalmutin ako nito sa braso. Buti nalang naiiwas ko yung mukha ko kangina kundi tiyak na nakalmot na niya ito. “Ikaw ang madalas magpapansin sa kanya. Kala mo di ko alam? Madalas kong makita ang mga malalagkit na tingin niya sayo habang kausap ka niya." Umiiyak na ito na nambibintang na naman. “Wala akong alam sa sinasabi mo." Sigaw ko na ng baltakin na naman nito ang hawak niyang buhok ko. END OF FLASH BACK Ang bwisit na araw na yon ng utusan ako ni Sir Troy na tumungo sa lugar kung saan naroroon ang babaeng malandi na yon. Si Martha na pilit na pinagbibintangan ako na may gusto sa akin si Sir Troy ng wala naman siyang proof na totoo. Boss ko yon! Boss namin lahat at kahit kelan hindi ko naisip na magkakagusto ito sa akin gayon nadadalas pa nga ang pagtatalo naming dalawa. Nakakainis talaga yung Martha na yon ng pagbintangan ako sa bagay na di naman nangyari kahit kelan. Bwisit!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD