Chapter 2

488 Words
"Ace anak, nandito na ang makakasama mo tuwing aalis ka," saad ni Don Arkaine kay Ace. Napangisi tuloy ako nang makita ako ni Ace. "Bea!" gulat na sabi niya na nanlalaki pa ang mga mata. "Dad, kilala ko po ito. Saka I don't need a bodyguards." sabay tingin niya ng masama sa akin. Aba dapat lang siya magpasalamat sa akin, nag-leave talaga ako sa trabaho ko para sa kan'ya! "Isa siyang pinakamagaling na pulis na inirekomenda sa akin ni General." mahinahon na sabi naman ng Don. "God Daddy! Malaki na ako at hindi ko kailangan ng mga bodyguards at nandiyan naman lagi si Mang Ernesto ang kasa-kasama ko." naiinis na sabi ni Ace kay Don Arkaine. "Marami akong kalaban sa mga business at pati ikaw rin, mas maigi na masigurado na ligtas ka, " sabi ng Don at agad itong umalis. "Baby." nang-aakit na tawag ko rito. "Tumigil ka Bea! May Girlfriend na ako!" galit na sabi ni Ace sa akin. "Iyong asawa nga naaagaw pa, girlfriend pa kaya?" sabay ngisi ko rito. Ang guwapo talaga ng putang-inang ito. Kahit halik hindi pa ako nakatikim rito. May araw ka rin sa akin. "Aalis ka?" tanong ko rito na tumalikod na ito. "May business meeting ako." saad niya na pumunta na ito sa labas. Sumunod naman ako. Ito na ang pagkakataon ko na mapalapit lalo sa binata. "Mang Ernesto?" sigaw ni Ace sa kaniyang driver. "Umuwi na si Mang Ernesto para magbakasyon kaya ako na ang kasa-kasama mo." Ubod tamis na nginitian ko ito. "What!" gulat na saad niya na umigting pa ang kan'yang panga. "Ni hindi man lang nagpaalam sa akin!" galit na sabi niya at masama rin ang tingin sa akin. Well. Ako mismo nagpabakasyon kay Mang Ernesto, binigyan ko ito ng malaking halaga. Sumakay na ako sa driver seat at binuksan ko rin ang kabilang pinto. "Dito kana sa unahan umupo para hindi naman akong nagmumukhang driver," saad ko rito. Inirapan lang niyq ako at lumipat sa tabi ko. "Motel muna tayo." ngising saad ko sa kan'ya na nakanganga itong nakatingin sa akin. "Wala na bang matinong lumalabas sa bunganga mo?" galit na naman ito sa akin. "Ano bang masama sa sinabi ko na magmomotel tayo," saad ko na tinaasan ko ito ng kilay. "Kababae mong tao gan'yan ka magsalita, hindi ka na nahiya." Inirapan na naman niya ulit ako. "Isuko mo na kasi iyan sa akin para tumigil na ako or buntisin mo ako." asar ko rito. "God! Gan'yan ka ba pinalaki ng mga magulang mo?" galit na saad naman ni Ace. "Alam mo ginahasa ni Mommy si Daddy kaya nabuo ako." natatawang saad ko at pinaandar ko na ang kotse. Napanganga itong nakatingin sa akin. Tumawa naman ako ng pagkalakas da reaction ni Ace. Napapailing na lang ako. Umpisa pa lang ito ni Ace, sisiguraduhin ko na mahuhulog ka rin sa akin. Kagat-labing tiningnan ko ito na namumula naman ang buong mukha ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD