Nakasalubong ko si Don Juaquin sa hagdanan ng pababa na ako. "Bea?"-nagtatakang tawag nito sa akin. Ngumiti Ako dito. "Good morning po"-bati ko dito. "Kararating mo lang ba?"-tanong niya sa akin. "Dito po ako natulog ,ah sige po uuwi na ako"-nakangiting pagpapaalam ko na nagtataka pa rin ito. Kailangan ko ipalinis kay Jenny ang sugat ko dahil namumula na ito.Mabilis ko pinatakbo ang sasakyan. Kahit medyo makirot pa ang braso ko nakaya ko pa naman magdrive. Pagdating sa bahay dumiretso na agad ako pumasok at nagulat ako na nandito si Ann. "Ann?"- Nakangisi lang ito sa akin. "Nagpahatid ako kay Bry,wala si Lance nasa US siya at sa isang araw pa ang balik kaya gumala muna ako dito sa inyo"- "Nasaan si baby LA?"-ang haba kasi pangalan ng anak ni Ann na si Loraine Avril kaya L.A na

