Lumipas ang dalawang araw, naiinis na si Laureen sa pagiging duwag ni Lazarus. Hindi pa rin siya nito magawang lapitan. Nakikita pa rin niya ang sasakyan nito sa di kalayuan. 'Ano ba naman ang lalaking ito! Napakaduwag! Wala ba siyang balak na puntahan na ako dito?! Takot na takot ba siya sa akin? Tusukin ko siya ng barbecue stick sa mukha eh!' Abala sa pag-iihaw si Laureen nang dumating ang ilang binata doon. Panay ang pa-cute nito sa kanya ngunit hindi niya pinapansin. Pasimple niyang sinusulyapan ang sasakyan ni Lazarus mula sa malayo. "Ang ganda niyo talaga, ate. Single po ba kayo?" hindi napigilang tanong sa kanya ng binata. Tiningnan niya ito. "Oo mayroon na akong asawa. Actually buntis nga ako ngayon eh. Umayos ka, baka pumangit ang anak ko kapag ikaw ang pinaglihian ko." Mala

