"Ouch!" daing ni Lazarus matapos siyang batukan ng malakas ni Laureen. "Bobo ka talaga! Bakit mo ginawa iyon? Bakit mo ako hinila palayo kay Marvin ay banat ka pang hindi mangyayari ang sinabi niya?" inis an wika niya sa nobyo. "At bakit? Gusto mo bang mangyari na kayong dalawa pala ang magsasama sa huli? Tapos ako hindi?" nakakunot noong wika ni Lazarus. Muli niyang binatukan ang kanyang nobyo. "Syempre hindi! Tanga-tanga ka talaga! Dapat hindi ka na umeksena eh. Nanahimik ka na lang. Narinig mo ba ang mga una kong sinabi sa kanya?" Umiling si Lazarus. "H-Hindi." "Oh hindi naman pala! Umeksena ka pa! Ni-realtalk ko na siya at alam kong masakit sa kanya iyon. Dinagdagan mo pa! Hayaan mo na ako na ang magsasabi ng mga ganiyan sa kanya kasi may pinagsamahan kami. Eh kung ikaw, baka mags

